Tinignan niya ang suot ko at napangiti siya ng malaki.

"'Yan ang gusto kong damit mo!!" iniabot niya ang kamay niya sa akin at tinanggap ko naman iyon.

"Adik ka kasi. Kulang na nga lang mag-mongha ako oh!" reklamo ko sa kanya.

Inalalayan niya ako pababa ng hagdan. Nakita namin sa salas si Mama at Tita. Kalong ni Mama si Jordan. Lumapit kami sa kanila para magpaalam.

"Ma! Alis na kami." sabi ni Daniel at hinalikan ang pisngi ni Tita. "Tita, ilalabas ko lang po ang anak niyo. Hahaha." hinalikan niya muna si Mama sa pisngi saka nag-mano.

Nagmano ako kay Tita at Mama.

"Mag-iingat sa pagda-drive." bilin ni Mama.

"Opo, Tita. Aalis na din po ba kayo mamaya?" tanong ni Daniel.

"Oo eh." sagot ni Mama.

"Mag-ingat po kayo ni Tito. Salamat din po sa pagpunta." sabi ni Daniel.

"Ikamusta niyo na lang po ako kay Kuya. Bye Ma, Bye Tita. Tsaka pasabi din po pala kay Papa, umalis na kami." bilin ko. Yumuko ako para humalik sa pisngi ni Jordan. "Bye, baby. Aalis lang kami ni Daddy mo." paalam ko. Pilit siyang nagpapakarga pero hindi ko kinukuha kaya umiyak na naman.

Hinalikan din ni Daniel ang anak saka ako hinila paalis dahil baka lumambot ako at hindi na makaalis.

---

Kakapasok lang namin sa isang shop na gamit sa kusina ang mga products. Nakita ko sa mga presyo medyo mahal pero may quality naman. Grabe nae-excite ako. Wala talaga akong alam sa baking. Bibili na din ako ng cook book mamaya.

Kumuha si Daniel ng cart.

"Ano? Simulan na natin?" tanong niya.

"Tara. Nae-excite na talaga ako." sabi ko sa kanya.

Una naming pinuntahan 'yung section mga bowl, whisk, scraper saka baking pan. Mga cup cakes lang muna ang gusto kong gawin tapos cookies and cakes kapag sanay na talaga. Nage-enjoy din naman si DJ kasi kung ano-anong kalokohan ang ginagawa niya.

Halos isang oras din kaming paikot-ikot sa loob ng shop. Natuwa kami sa mga equipment na nandito. Actually gusto ko silang bilhin lahat. Kaso hindi ko naman bahay 'yung tinitirahan ko plus kulang din ang buget. Hahaha.

Habang nakapila kami sa counter napansin ko ang  mga butil ng pawis sa noo niya. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at ipinunas sa kanya.

"Thanks, Bi." kinuha niya 'yung panyo sa akin at siya ang nag-punas sa sarili niya. "Saan mo gustong pumunta? Gusto mong kumain muna?" tanong niya.

"Kain muna tapos bili tayo ng ingredients. Pati pala vitamins ni Baby. Ikaw? May gusto kang puntahan?" tanong ko.

Siya ang nag-lagay sa counter ng mga pinamili ko.

"Wala naman. Kain tayo pagkatapos nito. Nag-text din kanina si Viceral , dadalaw daw mamayang gabi." sabi niya.

Himala. Busy ng lokang 'yun eh.

"Ma'am, five thousand and two hundred fifty po lahat." dunikot ko ang wallet ko sa bag. Napansin ko na kumukuha din ng pera si DJ.

"Ano 'yan?" tanong ko.

"Pambayad dito." ibibigay sana niya sa cashier pero pinabalik ko. "Bakit? Ako na." sabi niya.

"Akin naman 'yan eh, hayaan mo na akong magbayad. Bahala ka ica-cancel ko na lang kapag ikaw pa ang gumastos diyan." napakamot siya ng ulo at ibinalik na sa wallet ang pera niya.

Agad ko nang ibigay ang bayad dahil ang tagal na nag-iintay ang cashier.

"Come again, Ma'am, Sir." napa-tingin kami sa babae.

Hindi naman ganoon kabigat pero madaming bitbiting paper bag. Dinala muna namin sa kotse saka bumalik sa loob para kumain. Nagulat na lamang ako na sa isang organic na foods ang sine-serve.

"Daniel! Ang mahal kaya dito." sabi ko sa kanya.

"It's ok, My. Ayaw ko naman na magkasakit ka dahil sa mga fast-food. Kaya ok lang na mahal kasi mahal din kita." kinilig naman daw ako 'dun.

Kinurot ko ang tagiliran niya.

"Hahaha. Oo na, kinilig ka lang eh." sabi niya at inakbayan ako papasok ng restau.

Hindi ko alam kung anong mga in-order ni Daniel. Siya daw bahala eh.

"Mahal." tawag niya.

"Hmm?"

"Kung bibigyan ka ng one week kasama ako, saang?" tanong niya sa akin.

"Syempre sa tabi mo. Hahaha. Di loko lang. Ano, kahit saan basta ba ikaw ang kasama. Masaya na ako doon." sagot ko sa kanya.

Sinuklian niya naman ako ng isang malapad na ngiti. Namumula ang tainga niya! Hahaha.

"Ikaw ah. Natututo ka ng mga ganyan banat." sabi niya. Napahagikhik na lamang ako.

"Kinilig ka lang eh." ginaya ko 'yung boses niya kanina.

'To namang isa havey na havey sa ginawa ko. Ang saya lang ng ganito.

Buti namna at dumating na 'yung pagkain. Burger 'yung akin kanya ay lasagna. Ewan ko kung papano naging organic 'to.

"Kung alukin ba kita ng kasal, papakasalan mo ako?" biglang tanong niya.

"Siguro. Bakit 'yan agad ang iniisip mo? Wala pa nga tayong one week." sabi ko.

"Wala lang. Natanong ko lang. Hindi naman ako nagmamadali kasi alam ko naman na sa'kin pa din ang bagsak mo." sabi niya at kinindatan niya pa ako.

"Lakas ah." sarkastikong sabi ko.

"Sus. Tunay naman. Hahaha. Saka papano tayo magpapakasal eh wala pa nga akong savings para doon. Para kay Jordan muna, ok lang?" tanong niya.

"Dapat lang kay baby muna. I-enjoy muna natin 'yung ganito. Bata pa naman tayo eh." sabi ko.

"Oo, kasi kapag kasi kasal na tayo syempre magkaka-baby ulit. Aalagaan mo sila, mawawalan ka ng time. No. No." sabi niya.

Pinitik ko 'yung noo niya.

"Naga-advance na naman 'yang utak mo eh." inis kong sabi sa kanya.

Nakaka-ilang kasi. Lalo na kapag baby thingy na.

"Oh, galit agad. Joke lang naman po." sabi niya at pinisil ang pisngi ko.

Napangiti na lang din ako sa sobrang kakulitan niya.

Matapos naming kumain ay dumiretso na sa market. Nag-enjoy naman ako sa pagkain namin 'yun nga lang may kamahalan.

"Pangarap mong magka-restaurant diba?" tanong niya. Agad akong tumango. Simula nang nakahiligan kong mag-luto 'yun agad ang naisip kong negosyo.

"Sobrang pangarap ko 'yun. Kaso matagal pa siguro. Bakit?" tanong ko.

Tumigil kami sa paglalakad.

"Wala lang. Sana kapag natupad 'yun ako pa din ang nasa tabi mo. Kapag umasenso ka na sana sabay tayo. Basta lagi mo lagi mong tatandaan, mahal kita at lagi kitang susuportahan. Pangako 'yan. Malayo man tayo sa isa't isa." matapos noon ay hinalikan niya ang noo ko.

May ibig sabihin ba 'to?

----
Oohhh. Mukang matutuloy ah.

VOTES, COMMENTS and being a FAN is highly appreciated.

❤Alyssaxx

©2015

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Where stories live. Discover now