Chapter 08: I Like Speaking

Start from the beginning
                                    

"Pangbabae naman 'yong name niya, ate."

"Duh. Lahat ng kapitbahay dito natutuwa sa mga anak ko. Sila lang ang pogi dito, 'no." Tumakbo palayo ang dalawang bata. Dinig ko ang mga tawanan nila.

"So..." Napabuga ako ng hangin, "...anak mo sila doon sa pasyente mo noon?"

"Pasyente my ass." Nakangising sambit niya. "But yeah, anak ko siya sa gagong 'yon. Ganda ng lahi, ano? Pang-Greek God ang kaguwapuhan."

Naiiling na napatawa na lamang ako. Kung tutuusin totoo ang sinabi niya, napakaguwapo ng lalaking pasyente niya noon. Hanggang ngayon nga ay hindi ko pa nalilimutan ang mukha ng lalaking 'yon dahil mukha siyang leading man sa isang libro na nagkatotoo sa totoong buhay. Masyadong perpekto ang hitsura ng isang iyon, which is, napaka-imposible...

Imposible pero naging posible.

Mas guwapo pa nga siya kay Grie. Nakalamang lang si Grie ng kulay ng mga mata pero masasabi kong mas ma-appeal siya kaysa kay Grie-damunyo.

Tapos pagsamahin mo pa ang mukha ni ate at mukha ng lalaking 'yon... naku po. Maiinsulto ang mga kalalakihan dahil sa kakisigan ng mga anak ni ate kapag nag-binata na sila.

"So... anong nangyari sa 'yo at tuliro ka?"

Shit. Hindi niya pala nakalimutan.

"Wala," tatawa-tawang sagot ko.

"Hah. Malamang binuntis ka na ni Grie, ano?" Ngumisi siya ng mapang-asar.

Kunwari ay iritable ko siyang tinitigan. "Hindi niya ako binuntis! Ang lakas talaga ng imagination mo!"

Tumayo ako at lumakad patungo sa kusina ng apartment ko habang bitbit ko ang phone ko. Kumuha ako ng tubig sa ref para libangin ang sarili ko, ininom ko iyon ng mabagal. Baka kasi mahalata ni ate na may nangyari—

"So, how's the kiss? He's an Amberson, Saki, malamang sa malamang hindi lang halik ang nangyari. Pero sa mukha mo ngayon? Your whole being screams VIRGIN. Hindi ka niya binuntis."

Napabuga ako ng tubig dahil sa gulat.

Anak ng! Depungal talaga ang kapatid kong ito!

Inilapag ko sa lababo ang baso bago ko itinapat sa mukha ko ang aking phone at tinitigan siya ng masama. Nakapaskil sa mga labi niya ang mapang-asar na ngisi.

"Oo na! Hinalikan ako! Masaya ka na ba, ateeee?!"

Humalakhak muna siya ng napakalakas bago siya kumanta ng nakakakilabot.

"Sex na ang sunod. Sex na ang sunod. Sex na ang sunod. Sex na ang sunod~"

Grrr...

"Sige! Mang-asar ka pa para isumbong ko sa pulis kung saan ang hideout mo!"

Muli siyang humalakhak, "Ooh, I'm scared."

###

Kasalukuyang tumutugtog sa magkabilang headphones ko ang "Using You" ni Mars Argo. Ghad. I love her so much pero hindi na siya nag-upload pa ng ibang mga kanta niya.

Ngayon ay nandito ulit ako sa mansion ng mga Amberson. Nagmumuni-muni ako sa garden nila dahil bored ako. Gusto ko sanang laruin ang mga aso ni Grie kaso nakakatakot ang ngiti sa akin ng mga lintek.

I Like PotatoesWhere stories live. Discover now