chapter three

32 0 0
                                    

Pang apat na araw na ni andrea sa los angeles at naiinip na siya . KAnina pang umaga siya nabobore sa tourist guide na kwento ng kwento tungkol sa museum na nasa tapat nila. Laking pasasalamat niya ng bumalik na sila sa hotel kaninang tanghali , kung hundi ay baka nag walk out na siya sa tour. Hindi na siya sumama sa panghapong paglilibot at pinag kasya na lang niya ang sariling manood ng filipino channel sa kanyang silid. Bumaba siya sa casino bandang alas syete para tignan kung ano ang makakapag aliw sa kanya doon . Nakapag laro pa lang siya ng isang beses sa roulette at ng matalo ay inisip niyang daanan na lang ang chinese crafts store sa harap ng hotel. Tutal tatlong araw na lang ay uuwi na siya.
Bumuntong hininga siya at pinagbigyan ang isang magkaparehang umookupa ng buong pintuan dahil sa malaahas na pagpulupot ng batang babae sa kasama habang papasok. Gusto pa niyang matawa dahil matanda na ang lalaki ,kulubot na ang balat . Mas bata pa sa kanya kung tutuusin ang babae.
"Lucky old man."
Napaigtad si andrea sa boses na nagmula sa kanyang likuran. Kilaka niya ang boses na iyon. Hindi siya lumingon kahit pa nanayo ang balahibo sa kanyang batok. Sana lang hindi nito iyon mapansin, lalo pa't maluwang ang collar ng kanyang long fitting dress.
"Bakit hindi mo agawin?"pag tataray niya dito.at ng makakita siya ng tyempo para lumabas ng pinto ay nagmamadali siyang umalis. Hayun nanaman ang lalaki para sirain na talga ang buong gabi niya . Katulad ng nagdaang gabi , napipikon nanaman siya sa isiping mang aasar nanaman ito . Ang akala niya ay bumalik na ito sa pilipinas o pumumnta sa kung saan dahil naaalibadbaran na siya dito. Wala pang lalaking nakapagpagalit sa kanya ng ganun. Tingin at ngisi pa lang nito ay naiinis na siya.
Nakahinga siya ng maluwag ng makitang walang tao sa lobby area. MArtes noon kaya siguro madalang ang mga bisita. Kunsa bagay, alas otso na ng gabi kaya malamang na nasa casino na nga ang lahat. Isinuot niya ang dalang fur coat.
"Can you wait up?"
Nanaman! Sinusundan ba ako nito?
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ang lalaki.
"Ano nanamang-"
Hindi niya naituloy ang sasabihin ng makitang hawak nito qng credit card at key card ng kwarto nia sa hotel.
Sinibikan niyang gawing pormalang mukha niya at tiningnan ito ng masama sa kabila ng pag iinit ng mga pisngu niya sa pagkapahiya.

"I'd like to say na sinadya mong ihulog ang mga card na to para isauli ko sa'yo." Wika ni ricky habang matalim ang tingin sa kanya ng babae. At kung kanina ay namumula ang mukha nito sa pagkapahiya ,sa anggulo ng baba nito mukhang world war III na ang katqpat niya . "Pero i doub't you are like that." Maagap na dugtong niya.
"Assuming again?"tanung nito habang nakalahad ang kamay para kunin ang mga card na hawak niya.
Tumikhim siya . "Looks like we keep bumping into each other. Are we destined to torment , or enjoy each other?"
"It's called coincidence," sagot nito , saka muling inilahad ang kamay sa kanya. "Salamat," sabi nito ng ilagay niya sa palad nito angga card.
Alam na ni ricky ang pangalang ng babae ayon sa nabasa niya sa credit card nito pero ayaw niyang samantahin ang pagkakataon ,lalo't nakaangil nanaman ito. Gusto sana niyang maging maayos ang pagpapakilala nila sa isa't isa. Siguro dahil nanainiwala siya na hindi pwedeng magtagpo ang kanilang mga landas ng dalawang beses kung hindi nakatadhana na talagang makilala nila ng husto ang isa't isa. Kaya ng makita niya itong papalabas ng casino, mayrong kung anung nagtulak sa kanya para sundan ito. He could have chosen a much more willing woman dahil marami naman sa loob. But , he preferred to play a different game this time . Gusto niya ang hamong ibinibigay ng babaeng ito sa kanya. At mukhang mabait ang Diyos ngayon ,dahil nahulog ang credit card at key card ng babae sa alpombrang sahig ng casino
Nakita niyang pinulot iyon ng isang concierge, ngunit kinuha niya rito at sinabing kakilala niya ang may ari ng cards at siya na lang ang mag bibigay.
Naalala niya ang pangalan sa credit card. Andrea dela cruz. Bagay sa mukha nito ang pangalan . Palaban. Parang nag iinit ang katawan ni ricky sa kakaibang kahulugan ng salita.
Napatikhim siya ng makitang naglalakad na palayo su andrea. "Do you know there is a fine line between fate and coincidence? Hindi ko lang matandaan kung saan ko narinig 'yon,"sabi niya habang nakabuntot dito. "But it's true di'ba ? God gave me this chance to meet you again ,"

***
Hi ako po ulit :) paread ,vote and comment na din po :)

Salamat sa mga magbabasa at nagbabasa (meron ba?) Hihi assuming lang, thank you

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 20, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY BABY DONORWhere stories live. Discover now