chapter one

37 1 0
                                    

"Naloloko kana ba?"
"No .matagal ko nang pinag- isipan to," sagot ni andrea sa bestfriend niyang si maricon. Naroon sila sa opisina nito at naabutan niya itong nagbabasa ng reservation ng kleyente nito sa iPad nito.
Sa kanilang dalawa, siya ang mahinahon pero wierd kung mag isip, samantalang ang kaibigan niya ay maingay at impulsive.
Nakapagtapos sila ng computer science pero hindi naman linya ng kanilang pinagtapusan ang naging trabaho nila. Siya ay isang events planner at may ari ng Triple R Productions. Habang ito naman ay namamahala ng isang travel agency. Ngunit malaking bagay sa kanila bilang mga entrepreneur ang natutunan nila sa computers dahil ginagamit nila ang mga informations system ngayon na dati ay pino-program lang nila.
"Pwedeng ulitin mo ang plano mo? Baka lang sira yong eardrums ko o may naka install na ibang program kaya iba ang binabasa nang brain ko."
Bumuntong hininga siya at iniikot ang mga mata
"Wala namang masama sa pagkakaroon ng sarili kong anak kahit walang ama . All i need to do is go to a sperm bank and get my self artificially inseminated."
"At nasaan ang sperm bank ng pilipinas?"nakataas ang isang kilay na tanong nito.
"May nakausap na akong doktor na maaaring kumuha ng donor sa ibang bansa like the US. Pero pwede naman daw dito, basta raw ang mahalaga , dadaan sa tests ang mga semilya para makasiguradong walang sakit ang makukuha ko." Paliwanag niya rito . Humigop siya sa pinalalamig na kape sa desk nito.
Sumandal ito sa swivel chair nito at pinaningkitan siya ng mga mata." At may nakausap ka nang doktor? Nauna mo pang pagsabihan ang doktor kaysa sa akin?"
Pinigilan ni andrea ang sarili na batuhin ito ng paperweight. "Alam mo, kung mag react ka, exaggerated lagi. Matagal mo ng alam na wierd ang kaibigan mo, pero para bang ngayon lang tayo magkakakilala. I am not getting any younger , maricon! I'll be turning thirty next month. Lalampas ako sa kalendaryo , di'ba?"
"Kung gusto mo ng anak , ipapahiram ko sa'yo ang bunso ko . God knows gusto ko ng katahimikan sa bahay ngayon."
"Ayoko ng anak ng iba," agad na tanggi niya . Alam niyang mahal na mahal ni maricon ang dalawang anak nito. Isang taon pa lang ang bunso nito . "No offense meant ," dugtong niya nang sumimangot ito ." I love your kids too. Pero, iba pa rin 'yong akin, diba? Ang sabi mo nga , pahiram . Eh , kung ayaw ko nang isauli ang anak mo? Di mag aaway pa tayo."
"Eh, bakit hindi ka pa kasi nagpabuntis dun sa ex boyfriend mong ang tingin sa'yo ay ledger?"
Napatawa silang pareho sa komento ni maricon.
Isang accountant si ruel , at halos dalawang taon din niya itong naging nobyo. Tatlong taon na ang nakalipas nang magbreak sila . Wala daw itong kalatoy latoy , ayon kay maricon , dahil kung hindi figures and accounts ang pinag uusapan nila tuwing magdadate sila ay siguradong uwian na. Kung hindi pa nila napansin na mas naaaliw itong kasama ang mga kapwa lalaki , hindi nila matatantong bakla pala ito. Well, kahit siguro si ruel ay indenial pa.
"Seriously, andi. Pwede naman kasing magkaron ka ng anak sa normal na paraan,"wika ni maricon.
"Anung normal na paraan?"painosenteng tanong niya.
Tiningnan siya nito ng mataman. "What else dear? Find a man. Makipagsex ka para mabuntis ka. Kaysa magpaturok ka ng semilya. Malay mo, magpakasal pa kayo. At least, may kasama kang mag aalaga sa magiging anak n'yo at pati na din sayo".
Alam niya kung ano qng tinutukoy ni maricon . Naulila siya nang magkasunod na ma stroke ang mga magulang niya limang taon na ang nakakalipas . Ilang pasko at new year na ang nagdaan na ipinagdiriwang niya kina maricon. Welcome naman siya roon kahit kailan. Ang hindi lang niya gusto sa mag asawa ay palaging nag iimbita ang mga ito ng mga lalaking makakadate niya sa pasko at bagong taon. Mag papasko na naman at malamang may napipisil na naman itong ipadate sa kanya.
"I really dont think marriage is for me girl. Ilan na bang blind date ang kailangan kong pagtiisan sayo? Sa totoo lang , hindi ko alam kung paanu sila ieentertain. Dont get me wrong . Gwapo at marriage material ang inerereto mo sa akin . Pero wala talaga akong maramdaman sa kanila".
Tumayo siya at tumanaw sa glass paneling ng opisina ni maricon . Mula roon ay tanaw ang buong Ortigas Avenue papuntang greenhills.
"Besides , no man would dare stand up to me. Alam mo naman sigurong men are attracted to meek women. At alam mong hindi ako ganon".
"Siguro,hindi pa dumadating ang tqmang lalaki para sayo. But that doesnt mean you should give up on men. Stop pushing them away for a change."
Nakangiting nilingon niya ito. "I dont push them away. They just get intimadated easily".

"Eh, sino ba namang hindi? Ako lang ang hindi natatakot sayo."
"Hindi kaya lesbian ako?"biro niya sa kaibigan

Humagalpak ng tawa si maricon. "Nek nek mo! Di sana matagal mo na akong tsinansingan. Saka , di sana pinatulan din kita."

Nagkatawanan sila nang maalala niya ang kalokohan ni maricon --- gusto nitong pumatol sa isang tomboy . Kung hindi pa dahil sa panghihimasok ni john na asawa na nito ngayon, malamang napasubo na talaga ang kaibigan niya. Ang swerte talaga ng kaibigan niya . Nang dahil lang sa isang tomboy ay nagkatuluyan ang mga ito.

"Anu ba , andi? Itulog mu na muna kaya yan ?mamaya . Mag unwind tayo."

Hindi sya umimik . Nakapagdisisyon na siya. Gusto niyang magkaron ng anak sa kahit anumang paraan.

"Ganito na lang . Magbakasyon tayo . Kahit one week lang . Sa los angeles kung gusto mo. Meron akong tour na inaasikaso at aalis in three weeks . Sumama tayo." Tumabi sa kanya si maricon at tumingin din sa labas ng bintana.

"Tapos?."
"Doon tayo maghahanap ng baby donor mo..."tatawa tawang sabi nito.

MY BABY DONORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon