Chapter 04: I Like Sleeping

Magsimula sa umpisa
                                    

Nginisihan lang ako ng buwisit.

"By the way, inubos ko na rin 'yong stocks mong pagkain. Nahihiya kasi ako," sabi niya sabay ngiti ng matamis. 

Tss.

"Anyways, gusto sana kitang tulungan maglinis dito pero may meeting ako." Natigilan ako ng biglang dumilim ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "Meeting with Ambersons."

Bigla kong naibuga ang kapeng hinihigop ko.

Agad naman siyang tumayo at nilapitan ako. "You okay?"

"M-Mga Amberson ang ka-meeting mo mamaya?"

Shit! Bakit sa mga Amberson pa?! Paniguradong si kuya Caleb ang haharap sa meeting mamaya!

Negosyante ang gagong iyon at siya ang nagma-manage ng mga business nila habang iyong mga magulang nila ay nasa States. Isa pa, kilala rin niya na boyfriend ko si Gin!

Inilapit niya ang kaniyang labi sa 'king pisngi saka marahang bumulong. "Yes. And I don't like them."

E-Eh.

"I mean, no... I hate them. Especially that Grie." He gently kisses my cheek. "I hate your goddamn ex-boyfriend."

Napalunok ako. Hindi na ako nagsalita dahil hindi ko rin alam ang isasagot ko. Pero teka. Ayokong magsinungaling sa kaniya kaya sasabihin ko na ang nangyayari. Naranasan ko nang pagsinungalingan. At ayokong iparanas iyon sa iba. Napakasakit kasi.

"About mga Amberson nga pala..." bulong ko. Yumuko ako at nilaro ang mga daliri ko.

"Hmn? Anong meron sa kanila?" tanong niya saka kumuha ng upuan at ipinuwesto sa harapan ko. Doon siya umupo.

"Nagkita kami ni kuya Caleb. Remember? Si kuya AC? Antonio Caleb Amberson?" Sinulyapan ko siya. Nakatingin lang siya sa mukha ko kaya nagsimula na akong magkuwento. Lahat ikinuwento ko. LAHAT. Walang labis, walang kulang. Pati iyong kabaliwan ni Grie ay ikinuwento ko. Pati iyong rubber duck thing.

Pero nanatili lang siyang tahimik hanggang sa matapos ako sa pagkukuwento. Nakatitig lang siya sa akin kaya kinabahan ako.

At sa totoo lang, siya naman talaga ang pangunahing dahilan kaya hindi ko tinatanggap ang gusto ni kuya Caleb.

"Sorry ngayon ko lang sinabi... hindi kasi kita maistorbo nitong mga nakaraang araw kasi nando'n ka sa kompanya m—"

"I love you." Napatigil ako nang bigla siyang nagsalita. Nakangiti na siya ngayon.

Bago pa ako makasagot ay agad na siyang nagsalita muli. "Akala ko ililihim mo sa 'kin ang bagay na 'yan."

Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang mga daliri ko habang ako, eh, nakatunganga lang sa kaniya.

"Alam ko ang lahat ng nangyayari. Kaya akala ko ililihim mo sa 'kin," masuyong sambit niya saka tumayo para yakapin ako.

Napangiti ako at agad na gumanti ng yakap sa kaniya.

At isa pa.

Hindi ko gugustuhing maglihim sa kaniya. Dahil bago mo pa siya mapaglihiman, alam niya na agad kung ano ang ililihim mo.

Yes, cute ang name niya—Ginger Luis McGregor—pero hanggang doon lang iyon. He's dangerous especially when he's mad. Actually, hindi ko pa nararanasan iyong magalit siya. Pero hindi ko na gugustuhin pang maranasan, 'no. Nakakatakot kaya.

Saka naging katrabaho ko siya sa hospital noong baguhan pa lang ako. Isa siya sa mga doktor doon at minsan ko na siya nakitang mambugbog bago niya pa ako niligawan.

I Like PotatoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon