THE DARK BOOK:
hindi nakatulog si senia dahil sa sitwasyon ng kanyang alaga na si maria at nag dadalawang isip ito kung gagamitin nya ba ang itim na libro na naglalaman ng mga ipinagbabawal na sumpa mag aalas sais na ng umaga at hindi pa rin ito nakatulog hanggang nag disisyon ito na umakyat sa kwarto ng alaga upang punasan ito ng maligamgam na tubig inalaga an nya ito buong mag hapon hanggang sa bumamaba ang lagnat nito.
mag aalas sinco na ng hapon at pakagat na ang dilim sa bayan ng ramirez nang biglang nag salita si marie dahilan upang magising sya
" nana senia gusto ko ng tubig" utos ng bata sa kanya
dali dali naman itong bumaba at kumuha ng tubig pagkakuha nya ng isang pitsel ng tubig at baso ay agad syang umakyat.
pagbukas nito ng pinto ay nakita nya si maria na nakahandusay sa sahig at wala ng buhay agad syang napasigaw dahilan upang magsipag takbuhan ang buong pamilya crow sa loob ng kwarto ni maria.
naunang dumating si sinior alfredo at agad pumasok sa kwarto
" senia ano ang nangyari kay maria ?" tanong nito kay senia na naka upo sa tabi ni maria na walang humpay sa pag iyak
"senior wala na po si maria" sabi ni senia habang umiiyak sa tabi nito
isang butil ng luha ang pumatak mula sa mata ni sinior alfredo hanggang sa sunod sunod na ang pag patak ng mga ito isa isa naman ang pag pasok ng mga kapatid nito sa kwarto at buong magdamag ay napuno ng iyakan at paghihinagpis ang buong kwarto ni maria.
habang nag sisi naman si senia kung bakit hindi nya tinulongan ang kawawang bata hanggang sumagi sa isip nya na kaya nyang bumuhay ng patay sa pamamagitan ng itim na majika.
agad agad syang bumaba at pumunta sa kanyan kwarto upang isagawa ang ritwal.
pero kailangan nyang mag alay ng sariwang dugo ng tao para maisakatuparan ang pag buhay kay maria.
lumabas sya ng bahay at sa likod sya dumaan para walang makakita ng gagawin nya.
agad nitong nakita ang matandang hardinero ng pamilya crow na nakaupo sa isang tumpok ng mga troso at nag kakape hanbang nag babasa ng dyario agad ditong hinataw ng pamalo at hinila papunta sa likod bahay at isang pagkakamali pala ang kanyang nagawa.
habang hinihila ni senia ang matanda papunta sa pinto sa likod ng kanilang bahay ay nakita pala sya ng isang kotsero ng kabayo sa ginawa nya at ang akala ng kotsero ay si madam susana ang pumalo at kumaladkad sa matanda.
matagumpay na naipasok ni senia ang walang malay na matanda sa kanyang silid sa ilalim ng mansyon at itinali iyon sa isang silya agad itong gumawa ng sacrificial seal sa gagawing ritual naghihintay lang ito ng tamang pagkakataon sa tamang posisyon ng buwan sa langit.
pumatak ang alas onse y qwarenta ng gabi at inihiga nila ang katawan ni maria sa kanyang kama at dinadasalan ito ng isang lumang dasal para sa mga namayapa habang si senia naman ay naghahanda na sa gagawing ritwal sa kanyang silid.
nakahanda na ang lahat at ang tanging hinihintay nya ay ang pag hanay ng buwan sa walong patay na bituin sa langit at pag sapit ng alas dose ng hating gabi ay sinimulan na si senia ang ritwal agad nyang kinuha ang punyal ng kamatayan at itinarak sa leeg ng kawawang matanda at nag sambit ng isang orasyon.
biglang nag bago ang panahon sa bayan ng ramirez ang maaliwalas na gabi ay biglang nagdilim at walang tigil.ang pag kidlat sa labas pero walang patak ng ulan kahit ambon.
nang natapos na ang ritwal ay agad syang nag hugas ng kamay at umakyat sa taas sa kwarto ni maria pag bukas nito ng pinto ay nakita nya ang bata na nakangiti sa kanya at malakas na parang walang nangyari napangiti din si senia sa nakita na masaya si maria na nakikipag kwentohan sa mga kapatid nyang babae
VOCÊ ESTÁ LENDO
THE CODE PART 2
Ficção Científicaang kwentong ito ay pawang kathang isip laman at ang mga karakter at lugar sa kwento ay gawa lang ng malikot na imahinasion ko at hindi kumakatawan sa sino mang tao o lugar ang kwentong THE CODE part 2 ay kadugtong lamang nang naunang kwento ng THE...
