the code( ghost file 2)

18 1 0
                                        

ghost file :sigil

agad akong tinawag ni sept pagka kita nya ng curse seal sa pader at isa yung murmur seal at kailangan naming mahanap ang nag lagay ng sumpa sa lugar na ito at kailangan ding mabaliktad iyon ang problema lang namin ay kung pano mahahanap ang may gawa ng seal kasi ilang daang taon na ang lumipas noong sinunug ang lahat ng membro ng pamilyang crow kaya nag disisyon akong ipag pabukas nalang angbpag iimbistiga at baka makakita pa kami ng mga lumang journal ng is sa mga naging kasapi ng pamilyang crow o kaya ng mga kasambahay nila dati na maari naming pag kuhaan ng impormasyon para matukoy kung sino ang nag lagay ng sumpa at seal sa mansyon ng mga crow.

11:53pm
alas onse na ng makabalik kami ni sept sa motel na tinuluyan namin noong nakaraan at agad kaming nag pahinga.

6:00am
kinabukasan ay maaga kaming nagising ni sept para maka alis na at makapag imbistiga sa mansyon ng mga crow.

7:00am
nakarating kami sa tapat ng mansyon ng mga crow at ng mga panahong iyon ay may napansin akong kumikinang na bagay sa lupa sa loob ng sementeryo sa tapat ng mansyon agad kong pinuntahan ito para malaman kung anung bagay iyon.

sa isang minuto ng paglalakad papunta sa kumikinang na bagay ay nahinto ako sa isang puntod na halos hindi na nilinisan ang lapida punong puno ito ng mga damong ligaw.

at agad kong hinawi ang mga damong naka takip dito at isa nakausling bakal ang nakalitaw sa gilid ng lapida at yun pala ang gumagawa ng kinang na humuli sa aking mga mata.

tinignan ko ang pangalan sa lapida " rosalinda crow" ang naka sulat dito.

agad akong sumunod kay sept sa loob ng bahay at wala na ang bigat na nararamdaman ko kagabi ng pumasok kami dito ay nawala parang normal na muli ang bahay bumalik ako sa kwarto kung saan nakita ni sept ang seal para tignan kung andoon si sept pero hindi ko sya natagpuan kaya nag disisyon akong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay para hanapin sya doon pero wala parin hanggang

" hoy" sigaw ni sept sa aking likoran

at bigla akong napatili na parang batang babae

"hoy bakit ka sumigaw para kang babae hali ka dito sumunod ka may nakita ako" sabi ni sept sa akin

agad akong sumunod sa kanya at bumaba kami sa unang palapag sumunod lang ako sa kung saan sya pumunta

"chris tignan mo to mga witchcraft seal at papunta ito doon sa isang kwarto sa kusina" sabi sakin ni sept.

sinundan namin ang mga seal hanggang tumigil ito sa isang malaking pinto sa kusina at tinignan ko ang pinto at may nakaukit sa hamba ng pinto pinilit ko itong buksan pero na ka lock ito mula sa loob kay nag disisyon ako na sipain ang pinto para makapasok kami.

nang mabuksan ang pinto ay isang malakas na hangin ang lumabas mula doon at sumunod naman ay umaalingasaw ang nakakasulasok na amoy mula sa kwartong iyon. amoy naaagnas na tao ang amoy na yun at agad kaming napatakip ng ilong dala din siguro ng saradong pinto ay hindi gaanong lumalabas ang hangin sa loob kasi walang bintana.

"sept hoy sept umotot kba?" biro ko sa kanya

"loko hindi no" sagot nya

" ii bakit ambaho" pang aasar ko sa kanya

" tumigil ka nga" naiinis na sabi nya sa akin

at tumigil naman ako at habang nag lalakad kami ay may isang hagdan na pababa ang aming nahagilap sa pamamagitan ng flash light na dala ko dahil walang anu mang bintana na dadaanan ng liwanag mula sa labas agad kaming lumapit sa hagdan ng at may nahagilap ulit kaming isang seal sa bandang hawakan ng hagdanan kaya bumaba kami para sumdan ang mga seal hanggang sa huminto kami sa isang bakal na pinto at tinutok ko ang flash light sa pinto at isang seal ang aming nakita na naka ukit sa pinto agad kong itinulak ang pinto para mabuksan ito at na itulak ko naman ito ng bahagya . pinag tulongan namin ni sept na maitulak ang pinto ng sarili naming mga lakas hindi kami pweding gumamit ng mga ability namin kasi puno ng seal ang paligid baka kami sumabog pag ginamit namin ang mga kalayahan namin.

THE CODE PART 2حيث تعيش القصص. اكتشف الآن