Napatawa naman sila sa akin. Nakakatuwa pa din na hunahanap ng oras sa akin si Papa. Kahit na dagsa ang problema ng kompanya ngayon.

"'Wag muna siguro. Bata pa din naman kayo eh, kilalanin muna ang isa't isa ng mabuti. Baka may ayaw kang ugali o gawi ng anak ko o 'yung anak ko may ayaw na gawain mo na pwedeng magdulot ng di pagkakaintindihan niyong dalawa." sabi ni Tito na agad namang sinangayunan ni Papa.

"Saka kapag may di pagkakaintindihan, dadaanin sa malumanay na usapan. 'Wag na 'wag kayong mag-uusap kapag matindi ang emosyong nararamdaman niyo sa isa't isa. Hindi gumaganda ang resulta kapag laging galit." dagdag ni Papa.

Napuno ng advice ang usapan namin nila Papa. Nag-enjoy din naman ako dahil ang dami kong natutunan sa kanila. Mas madami silang experience sa mga ganoong bagay kaya binabahagi lang nila 'yung natutunan nila.

Kathryn's Point of View

Matapos kong ihatid ang pulutan nila DJ ay pumunta naman ako sa balkonahe dahil doon nakatambay sina Mama.

"Kath, magtapat ka nga. Wala ba talagang nangyayari sa inyo ni Daniel?" halos magkamali ako ng upo sa biglang tanong ng nanay ko sa akin.

"Mama!! Wala! Ano ka ba naman?!" gulat kong sagot.

Nakita kong naginhawaan si Mama at si Tita K. Umayos ako ng upo.

"Hindi naman kasi imposible diba? Malay ko ba kung may pagnanasa ka diyan kay Daniel." sagot ni Mama.

Grabe talaga si Mama. Ako pa talaga?!

"Mama naman! Hindi naman ako ganyang babae." depensa ko.

Natawa naman si Tita sa amin ni Mama.

"Ate Min, hindi naman siguro nila gagawin 'yun. Matalino 'yang si Kath, alam nila ang tama at mali." depensa sa akin ni Tita.

"Basta anak ha, kapag may problema kayo. 'Wag mahihiyang mag-sabi sa amin. Nandito kami para gabayan kayo sa kahit ano." sabi ni Mama.

"Saka mag-uusap kayo kapag may problema. Tayo kasing mga babae madalas napapangunahan ng pride at madaling mainis. Ang gusto natin tayo ang susuyuin. Mali 'yun anak, habang nasa relasyon kayo dapat give and take. Hindi pwedeng laging si Daniel o laging ikaw. Minsan kailangan mo ding mag-effort." sabi ni Tita.

"Habang mag-boyfriend-girlfriend pa lang kayo. Hindi niyo kailangang ibigay lahat-lahat ng meron ka. Ha?" sabi ni Mama. "Saka may mga pagkakataon na hindi mo kailangang alamin lahat, kung may bagay naman na hindi mo kailangang panghimasukan 'wag na. May sari-sarili pa din kayong privacy, 'nak." tuloy pa niya.

In-absorb ko lahat ng mg pangaral na sinabi nila sa akin. Masaya akong kahit matatanda na kami ay nandyan pa din 'yung paggabay. Ang iba kasing magulang, basta magkaisip na ay hinahayaan na lang. Sila hindi,  kahit malayo o may mga trabaho humahanap ng paraan. Iniidolo ko sila dahil doon. Sana ganoon din ako.

Biglang nag-tanong si Tita na parang nag-aalangan pa.

"Ayos lang ba sa 'yo na may anak na si Daniel?" napatitig sila sa akin.

Huminga ako ng malalim.

"Tita, hindi naman po big deal sa akin ang pagkakaroon ng anak ni Daniel. Si Jordan po ay itinutiring kong anak. Sa katunayan mas nauna kong minahal si Baby kaysa sa ama." sagot ko.

Niyakap ako ni Tita at nagpasalamat sa akin.

"Salamat, anak. Ang swerte ng anak ko sa'yo. Ayy, iku-kwento talaga kita sa mga Tito at Lola. Bisita kayo minsan sa bahay." sabi ni Tita.

"Opo, kapag hindi busy si Daniel." sagot ko.

"Teka. Kamusta na kaya ang mga kalalakihan doon? Tara nga silipin natin." sabi ni Mama.

Agad naman kaming tumayo at dumiretso sa likod ng bahay kung saan sila nag-iinuman. Nakita kong naka-ubos na sila ng isa't kalahating alak. Medyo lasing na din ang mga tatay.

"Tama na 'yaaan. Hoy, Romell. Umuwi ka na, kanina ka pa inintay ng driver mo." sita ni Tita Karla.

Lumapit ako kay DJ, mukang may tama na din. Pumunta ako sa likod niya at inilagay ang dalawang kamay ko sa pisngi niya.

"Ok ka pa ba? Kaya pa?" tanong ko sa kanya. Tumingala siya sa akin. Papikit-pikit na siya.

"Nahihilo na ako." sagot niya na parang inaantok na. Natawa ako sa kanya, gustong gustong uminom pero takot malasing.

"Tama na ang inom. Matulog ka na." sabi ko sa kanya. Tumango siya bilang sagot.

Napagdisisyunan na nilang tumigil at magsitulog na. Si Tito Romell ay sinundo ng driver niya, si Mama at Papa doon sa kwarto ko. Naglagay na lang ako ng extrang kutson. Si Tita sa kwarto na lang daw ni Daniel.

Tinulungan kong umakyat si Daniel sa kwarto.

"Matulog ka na, 'nak. Ako na ang bahala sa kulokoy na 'to." sabi ni Tita.

"Tita Karla, ililipat ko pa ho si Jordan dito?" tanong ko.

"'Wag na anak, baka magising pa eh. Doon na lang muna." sagot ni Tita habang kumukuha ng pamalit T-shirt ni DJ.

"Sige po, good night po. Tulungan ko na lang po kayo para makatulog ka na Tita." sagot ko.

Matapos na mapalitan ng damit si Daniel ay nagpasya na akong umalis. Pero hindi naman niya bitawan ang kamay ko.

"Baby, Mahal, Asawa kooo." tawag niya sa akin. Narinig ko naman na napahagikhik si Tita.

"Bitaw na, matutulog na ako. Ikaw din. Good night na." binitawan din naman niya ang kamay ko.

"I love you, Kath na mahal na mahal ko." sabi niya. Napangiti na lamang kami ni Tita, pinatay ko na ang ilaw sa kwarto niya saka ako umalis at pumunta sa kwarto ko.

Naabutan kong inaasikaso ni Mama si Papa.

"Ma, may kailangan pa po kayo?" tanong ko.

"Wala na, matulog ka na din. Ok na kami ni Papa." sabi ni Mama. Humalik ako sa pisngi ni Mama at Papa saka ako dahan-dahang humiga sa kama para hindi magising ang baby ko.

Pader naman tabi niya kaya hindi siya mahuhulog. Naglagay na lang ako ng unan sa gilid at paanan niya. Malikot ding matulog eh.

Bigla siyang gumalaw at sumiksik sa akin. Sinuklay ko ang kulot niyang buhok habang nakatitig ako sa muka niya.

"Good night, baby ko." hinalikan ko 'yung pisngi niya.

Having a son like him. Kompleto na ako. Kahit sobrang kulit, kahit napapagod ka na sa kakahabol, kahit napaka prinsipe na ng turing sa kanya. As long as nakikita ko na masaya siya, nakangiti. Solve na ako doon.

Walang kaso sa akin kung ang isang Daniel John Adison ay may anak na. Kung ganito naman ka-cute diba?

----
Parang si Claudia lang, ang gwapo ng anak at asawa. Hahaha.

Naiisip ko sa episode ngayong gabi ay ang honeymoon nila Nathan at Alex ng SWMF. Hihihi.

[ ! ] May nakita ako kahapon na nag-add ng SM sa RL nila ang pangalan ay SEX STORY. Medyo nagulat ako kasi baka may mga nage-expect na may BS ito. Sinasabi ko na po, wala kayong mababasa dito. Bukod sa hindi naman 'yon ang genre ko, hindi ko din naman kayang gumawa ng ganoon. 'Yun lang. Good night. ☺ [ ! ]

VOTES, COMMENTS and being a FAN is highly appreciated.

❤Alyssaxx

©2015

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon