MY HOTSHOT BOSS

Magsimula sa umpisa
                                    

"Wag ka nang tumulong pa. May plano na ako."

"Hala.. Share naman friend."

"Ayoko. -_-"

"Hmp. Sana wag kang gagawa ng anong katangahan."

Nagsimula na kami maglakad paKumapit si Ryka sa braso ko. "Alam mo friend, ang pinaka-best way talaga na solusyon dyan sa problema mo, find a man."

I just rolled my eyes at her.

Once burned, twice shy..

-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-

"Hoy Sienna!!!"

"Hala.. Sorry na late ako, Deb. Nandyan na si Sir?"

"Oo. Kakasakay lang ng elevator. Bilisan mo Si!!!"

At iniwan ko na si Debbie, receptionist siya ng kompanyang pinagtatrabahuan ko.

Lagot. Mauuna talaga nito si Sir.

Luminga-linga ako. Nahagip ng mata ko ang Emergency Exit. Wala na akong choice. Lumapit na ako sa hagdan. Hinubad ko ang three-inch pumps ko.

Kaya ko 'to! 10 floors lang 'to.

Opo. Tama kayo ng basa. Nasa 10th floor ang opisina namin. Pang-exercise na din 'to. Athlete kaya ako! Track and field champion to mga, tol! Pero.. Ilang taon na nga ba noong huli akong tumakbo? Sa pagkakatanda ko'y 4thyear high school pa ako nun.

Ayshet.

Di na ako nagpatumpik-tumpik pa. Inakyat ko ang hagdan. Naka-fullspeed na ako. Sana lang di mauna ang boss ko sa'kin.

In less than 2minutes, sa wakas nakarating ako sa floor namin.

*ting*

Fck. Bilis-bilis kong tinambak ang mga gamit ko sa gilid ng desk ko at hinubad ang cardigan ko.

"Miss Cimeni... What are you doing?"

"Oh Sir.. Goodmorning. I'm just sweatin' off some extra fats. I ate too much kahapon." pagpapalusot ko. Nahuli kasi akong basang-basa sa pawis kaya no choice.. Nag jumping jacks ako para may rason naman ako kung bakit pawis na pawis ako no...

Tumaas ang kilay ni Sir at pinasadahan ako ng tingin. Umiling ito. "You're getting wierder everyday." Nagsimula na itong maglakad. "After your nonsense jumping jacks.. My coffee please and we'll discuss the agenda for today." at pabagsak niyang sinara ang pinto.

MY HOTSHOT BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon