Chapter 19 - Ikaw ang Happiness ko! ^__^

Depuis le début
                                    

"Kulang na lang ata popcorn dahil daig pa ng MMK ang istorya mo!" Sabi ni Lester. 

Binatukan ko siya. Gagu e. Nagagawa pang mag joke! Tss. "Ang hirap naman kasi ng task namin e. Kailangan mag-act as couple for one month! Damn it. Feeling ko kasi napapalapit na yung loob ko kay Julia. Tapos naiisip ko pa lang na babalikan ko si Coleen, tinatadyakan na agad ako ng puso ko! Kasi naman eh!" Para tuloy akong bata na napasabunot sa buhok ko dahil sa sobrang inis. 

Lintik naman! Di ko maintindihan ang nararamdaman ko? Kayo ba naiintindihan niyo ko? Ngayon ko lang na-experience to! Ni kahit nga ma-guilty, wala sa vocabulary ko. Pero pagdating kay Monatage, nag-eexist sakin lahat ng mga salitang di ko inaasahang meron pala ako. Tss! Badtrip! "Wala bang mas madaling task? Loko ka eh! Ikaw may pakana neto eh!" 

"Eh kasi naman Quen, I'm not telling you it's going to be easy. I'm telling you it's going to be worth it. Worth it dude!" 

Worth it? Takte naman yan eh! "Anong worth it? Worth it ba yung nasasaktan ko si Julia dahil minamahal ko si Coleen? Tngna! Ang gulo!"

"Oo nga pre. Ang gulo mo. Lalo na to!" Sabay turo niya sa left chest ko. "Naguguluhan pa yan kasi nagpapalito ito." Saka naman niya tinuro ang ulo ko. Ehhhhh?! Ano daw? 

I looked at him puzzled. May pagka-weird rin pala si Lester minsan. "Kasi minsan, kahit na tama yung sinasabi ng puso, mas pinaniniwalaan pa rin natin yung isip kasi akala natin yun yung tama." 

Facepalm. Ano daw? 

"Ha?!" Natawa lang si Lester sa naging reaction ko. Andami ng sinabi. Kelangan ko ata ng translator. Hay nakuu. 

"Basta, marerealize mo rin yan. Sa ngayon, mag isip ka muna ng paraan kung paano kayo magkaka-ayos ni Julia." 

"Pwede mo ba kong tulungan?" 

"Oo naman. Pwedeng pwede! Para saan pa't best buddies tayo diba?" Then he winked at me.

Another facepalm. "Natatakot na talaga ko sayo, Lester! Lumayo ka sakin!!" Saka ko siya tinulak palayo. 

"Tss. Pag nakita ko lang si Red e. Tsaka ano ba pre, umalis ka na nga dito! Sunduin mo na yung Montage mo at pumasok sa school." Oo nga pala. 10:30 am pa ang class ko. Almost 9 na pala.

Sumakay na ako ng kotse ko at agad na dumerecho sa bahay nila Kats. Ang alam ko kasi, sabay yung time namin ngayon kaya baka andito pa siya sa bahay. 

"Oh Quen, nandito ka pala?" Niyaya ako ni Kats na pumasok ng bahay nila. Nandun rin pala sila JC at Seth. 

"Si Dj? Asan?" Tanong ko sakanila. 

In a Relationship with Mr. Ice PrinceOù les histoires vivent. Découvrez maintenant