"Jayden umayos ka ha, anyway andumi dito oh. Can you ask someone to make it clean?" Tanong nya, miss wala tayo sa isang restau.

"It's a self-service here." Proud kong sagot na ikinangiwi nya. 

"Tss, sabi ko nga. Jayden bilisan mo na, I'm hungry na." Utos nya.

Ang haba ng pila, ano bang mabili? Turon, bananaque, bilo-bilo, palabok, pancit canton, kwek-kwek, fishball, squid ball, kikiam, ilan sa mga nakahandang pagkain sa stall na pinipilahan ko. 

"Kuya, singit ka na po dito oh." Sabi ng babae na pumapangalawa sa pila, iba talaga pag may taglay na kagwapuhan tss.

Agad naman akong pumunta doon sa harap ng babae, bali ako na ang next sa pila.

"Ano po yun kuya pogi?" Tanong ng babaeng tindera, ganito nalang ba lagi? Mga babae na ang magbababa ng kanilang sarili para lang mapansin? 
Di ko maimagine kung yung babaeng kasama ko ay ganito ang inaakto, ang hirap maimagine, hahaha.

"Ahm, Tig dadalawang order po nito." Pagtuturo ko sa hili-hilerang pagkain.

"Antagal mo naman Jayden!" Pagrereklamo nya ng makabalik ako sa pwestong pinupwestuhan nya.

"Sorry na, ang daming tao eh." Paliwanag ko sa kanya.

"Thanks miss." pagpapasalamat ko sa babaeng tindera na tinulungan pa akong magdala ng mga binili ko.

"Thanks miss." pag ulit nya sa sinabi ko at again, she rolled her eyes. 

"What kind of food is that?" Curious nyang tanong habang tinuturo isa-isa ang mga paper plate.

"Iisa-isahin ko pa ba?" Natatawa kong tanong. Di naman nya siguro first time makakita o makatikim ng mga pagkain na ganito diba?

"This, what's this?" Pagtuturo nya sa palabok, i sigh, hindi ba talaga nya alam?

"Seryoso?" Tanong ko sa kanya ng taas ang kilay, umirap lang ulit sya.

"This is palabok, medyo kahawig sya ng pasta. Obviously orange ang sauce nya. And same as palabok, this is Pancit Canton, lalagyan ng calamansi to taste better." Pagpapakilala ko sa kanya ng palabok at ng pancit, sinimulan nya ng pisikan ng kalamansi ang pancit canton at palabok.

"And this, this is ginataang bilo-bilo then ginataang mais." Pag iintroduced ko sa kanya.

Sinimulan nya ng kainin ang palabok.

"Bakit ganto lasa?" Tanong nya ay nangangasim ang mukha nya.

"Hinahalo kasi yan Marliah." Natatawang sabi ko sa kanya at sya, nag tss nanaman.

Di na muna ako kumain at pinapanood ko nalang muna sya.

Sa maamo nyang mukha, di mo maitatanggi yung pagiging anak mayaman nya, mula sa balat nyang maputi di kasingkitang mata pero medyo singkit. Yung— teka did I describe her face?

"Hey jerk! Stop staring me like that." Taas kilay nyang sabi. 

"Sorry." Natatawa kong paghihingi ng tawad, Jayden anong nangyayari sayo? Bukod sa tagalog ka ng tagalog nang straight, eh nag iiba ang pakikitungo mo kay Marliah.

"What's this?" Tanong nya habang tinutusok ng barbecue stick.

"That's kwek-kwek, seriously di ka pa nakakakain nyan?" seryoso kong tanong, mga foreign nga kumakain nito eh. Kahit mga biggest stars ng hollywood na nagko-concert sa bansa natin kumakain nito tas, hays.

"Bakit color orange?" Tanong nya ulit.

"I don't know, basta eat that then you’ll know." Tipid kong sagot sa kanya at sinimulan ng kainin ang ginataang mais na kaharap ko.

MARLIAH SUMNER's POV

"Ano, masarap diba?" Tanong nya ulit when I finished eating the whole “quick-quick”. It's an egg pala na nakawrap sa orange thing.

"Wait." I excused to him, he's kumakain ng Ginataang mais now. 

Coline Audrey is calling...

"Hello?" 
"Queen where are you?" She directly asked.
"We're —" "toot~"

What the hell? What's going on the world? Everything is ruined. 

"Is there a problem?" He stop to his eating when he ask it. Common sense Marliah, alangan naman magtanong sya while full ang mouth nya diba?

I just looked around, shit. I know their faces. Di ako pwedeng magkamali, they are my dad's men.

"Jayden, can you finished eating? We need to leave here immediately." Baka kung ano gawin nila sa amin.

"Why?" He asked, seriously di ba sya marunong makiramdam?

"Jayden, you want to live happily right? Kailangan natin umalis dito ng hindi nahahalata ng mga lalaking yan na nakatuxedo. Anyway, binubuksan mo ba yung location tracker mo?" 

Napamura nalang sya, tsk. Think Marliah Think.

"Jayden can you throw your phone in far far away?" Natatawa kong tanong sa kanya, Shit I know there's no time para tumawa pero i can't help na hindi matawa sa naisip kong plano.

I already share to him my “not-that-really-brilliant-idea”, hindi na sya tumutol because it’s for our future daw.

CELINE AUBREY ALMARIO's POV

"Pinoproblema ba nila yung guards nila Tito or what?" Tanong sa kawalan ng kakambal ko. 
"I don't know, but I think..." Pabitin kong sabi to her, madaldal kasi itong kakambal kong to at baka mag ingay pa sya.
Nakatingin lang sya sa'kin at mukhang nag hihintay ng kasunod na sasabihin ko. I gave her a smirk at sinundan ang dalawang tao na naglalakad papalayo from here sa foodc ourt. 
"‘Brey where will we going?" Dinig kong tanong ni Audrey.
"Just follow me." Pabulong kong sabi sa kanya.

MARLIAH SUMNER's POV

"Masyado naman pala silang umaasa sa tracker na yun?" Obviously nawala na ang mga tauhan ni Dad na pakalat kalat dito sa food court. I changed my plan kasi, instead of throwing it somewhere, nilagay namin sya sa basket of a kid’s bike na paalis na together with her fam.

"So what's the next move?" Seryoso nyang tanong, we're heading to the center of food court ulit, dito nalang muna kami magpapalipas to think some plans.
"I don't know, maybe you have?" Tanong ko sa kanya when I finally sat. Lowbat kasi ang phone ko at wala akong maisip na paraan para makahingi ng help.
He just shake his head. Helpless huh. Girls wish you were here to help us.

"Queen didn't tell us and I'm so nagtatampo." What? Lumingon ako sa nagsasalita at nakita ko ang bruhang kambal.
"Hey Audrey!" I called her then stand up to hug her.
"Is this Marliah?” Natatawang tanong nya while I'm still hugging her.
"Tsk. Why you're here?" Tanong ko at kumawala na sa pagkakayakap ko kay Audrey.
"We must be the one who will ask that to the two of you." Tanong ni Audrey while raising her eye brow.
"Did we ruined your date?" Aubrey asked with her smirk, damn what does it mean?
"Duh. Date? Me and this Jerk?—" "Wow maka jerk huh? Anyway we're not dating, we're getting married." Patuloy nya sa sinasabi ko. Tsk. Wait what? 
"What? Is this serious? Parang kahapon lang we did ano to you ha." Meaningful na sabi ni Audrey.

Tumahimik nalang ako at baka kung ano ano pa ang masabi ko. Si Aubrey, she's with her stare, mukhang nag oobserve. Parang may puzzle na binubuo sya sa mind nya. Tss.

"Girls, do you have a car now?" I asked out of sudden, para matapos na sila sa topic nila na ikinaiinit ng dugo ko.
"Yes of course, akala ko wala na kayong balak eh." Napairap na sabi ni Aubrey, still the silent bitch.
"Let's go na." Pag aaya ko sa kanila at tumayo na. 
"Marliah, later tell us what the whole story is ha." Seryosong sabi ni Audrey.
I'm pretty sure that they can help us to skip in this shits. Must trust this girls.

Wherever the wind takes us (I'm Living With My Step-Brother)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon