Chapter Four

3.4K 76 4
                                    

Chapter 4 ➡ “Quick-quick”

JAYDEN JIMENEZ' POV 

"Tss." Naiirita nyang sabi at umirap pa, tsk. 

"My treat, let's go." Pag aaya ko sa kanya, mag iinarte pa?

"No thanks, I'm not hungry at all." Pagtatanggi nya, tingnan mo 'to nag iinarte pa.

"Tsk. Hiya ka pa." Sabi ko sa kanya at hinawakan sya sa palapulsuhan nya. Ang arte sya na nga iliibre eh.

"Hey get off your hands on me!" Pagsisigaw nya sa ginawa kong paghawak sa kanya, and she’s getting some attention.

"Sasama ka or iiwan kita dito?" Pagbibigay ko sa kanya ng choices, as if namang iiwan ko sya rito, ano pang mangyari sa kanya at maging kargo-konsensya ko pa.

"Where ba?" Agad nyang tanong, eto talaga oh. 

Nakahawak pa rin ako sa kanya at nagsimula ng tumakbo, na dahilan ng pagkahila ko sa kanya. Parang di na-on ang bitch mode ah?

"Hey stop, where will we going ba?" Tanong nya ulit at huminto sa pagsabay sa paghihila ko sa kanya.

"Basta, malapit lang yun dito kaya let me take you there." Sabi ko ng may ngiti, mabait naman kasi ako eh ewan ko ba kung bakit kung ano ano ang tinatawag sakin ng babaeng 'to.

"Tsk. Siguraduhin mo lang dude, alam mo na ang mangyayari sayo once na lokohin mo ako." Taas kilay nyang sabi. 

“Di naman kita lolokohin eh, promise I’ll be a good and hardworking—” Di ko na natapos ang biro ko at pilit nya nang tinatanggal ang kamay kong nakahawak pa rin sa kanya.

“GROSS! Do you hear yourslef?” Seryoso nyang tanong. Masyado palang seryoso ang isang Marliah Sumner hahaha.

“Yes, and I mean it.” Sakay ko sa kanya.

“Oh my, LEAVE ME ALONE!” sabi nya at tatakbo papalayo pero nahawakan ko sya ulit sa kanyang palapulsuhan.

"Halika na, habang maikli pa ang pila." Sabi ko sa kanya at inumpisahan na ang paglakad.

“Leave me alone jerk!” Inis nyang sabi at hinahampas-hampas nya na ang kamay ko.

“We’re getting some attention already so get off your hand on me!” She added.

“I’m just fooling you around Sumner. Ang pikon mo.” Natatawa kong sabi sa kanya pero di ko pa rin sya binibitawan.

"What do you mean?" Nagtatakang tanong nya.

Di ko nalang sya sinagot, baka tumutol pa. Tanaw ko na ang food court mula dito sa tinatakbo ko, medyo maraming tao.

"Seriously Jayden?" Pagtatanong nya ng tuluyang makarating na kami sa loob ng food court.

"You must be kidding." seryoso nyang sabi habang tinitingnan ang mga taong kumakain ng kung ano-anong street foods at pang meryendang pagkain.

"I'm serious with this Marliah. Kailan ba ko nagbiro?" Seryosong tanong ko sa kanya, na kina-irap nanaman nya.

"I'm not hungry talaga Jayden, so if you don't mind I will shoo na." Maglalakad na sana sya pero hinawakan ko uli ang kanyang kanang palapulsuhan.

"Stay." Tanging salita na nasabi ko, na ikinatangin nya sa mga mata ko.

"Ikaw ha. Nawiwili ka na sa paghawak sakin ha." Taas kilay nyang sabi.

"Tsk. Umupo ka nalang dyan Marliah, ako na bahala sa pagkain natin." Sabi ko sa kanya. Umupo na sya at seryosong nakatingin sa akin.

Wherever the wind takes us (I'm Living With My Step-Brother)Where stories live. Discover now