the code( ghost file 2)

Start from the beginning
                                        

ilang ulit na tulak pa at mabubuksan na namin ang pinto
at agad kaming nagulat sa nakita namin sa lugar na iyon isang bangkay nang isang babae na naka upo sa rocking chair at may hawak hawak na isang maliit na aklat.

nag libot muna kami sa loob ng kwartong iyon para mag hanap ng mga bagay na makakatulong sa amin at isang pendant ang aking nakita na nakapatong sa isang libro agad ko itong kinuha at pinikita kay sept.

agad naman itong lumapit at kinuha sa kamay ko ang pendant

" anu yan sept" tanong ko sa kanya

" isa itong cursed pendant isang belial seal. akala ko alamat lang ang belial seal pero hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. siguro isa sa membro ng pamilya crow ay nag sasagawa ng black magic ritual sa lugar na ito" sabi ni sept at agad itong napatingin sa libro sa drawer

" hindi.! hindi ito maari madami pa akong hindi alam sa witchcraft akala ko ay hindi nag iisa nalang ang black spell book sa mundo at yun ay nasa akin pero di ko inaasahan na may roon pa palang isa at kumpleto ito yung sa akin tinanggal ang mga sacrificial spell para hindi magamit ng mga susunod na henirasyon" kwento ni sept sa akin

" diba may alam ka din na mga ipinagbabawal na spells" sabi ko sa kanya

" oo pero lima lang yun at hindi naman critical ang mga spell na iyon"sagot ni sept

agad ko iginala ang paningin ko sa paligid at nabalik ulit ang tingin ko sa bangkay ng babaeng naka upo sa rocking chair at pumunta akp sa tapat neto at may nakita akong gasera sa taas at agad ko itong sinindihan sapat lang ang ilaw galing sa gasera upang lumiwanag ang paligid.

habang abala si sept sa pagbabasa sa spell book ay may napansin akong isang kakaibang bagay sa sulok ng kwarto isang mesa at mga kandila may
maliit na bungo doon na kung babasehan sa liit nito ay pagmamay ari ng isang taong gulang na bata at may mgakakaibang guhit sa bungo ang aking nakita sa pagkaka alala ko ay isa itong taktuhi curse seal.
ang mga taktuhi ay isang tribu ng mga shaman na gumagamit ng mga curse seal at itinatatoo ito sa ulo ng mga bata isang taong gulang hanggang tatlong taong gulang hindi ko alam kung tradisyon nila ito o ritwal sa panahong iyon ay sila ang mga makapangyarihang shaman na nakatira sa abandunadong bayan ng turan at isang misteryo parin ang pagkawala ng mga shaman na nakatira doon at walang naiwang bakas at ebedensya para matukoy kung anu ang nangyari sa kanila sa bayan ng turan.

samantala may nakita akong isang punyal sa tapat ng bungo at may mga marka ito na hindi ko ma intindihan kong anu napatitig naman ako sa bangkay sa rocking chair at nakita kong may yakap yakap na aklat ang bangkay agad ko itong nilapitan at kinuha ng biglang.

"chris wag kang gumalaw nasa loob ka ng sacrificial seal.

agad nag liwanag ang paligid at parang may isang imahe itong binuo sa sahig at hindi nag kamali sa sept isa itong murmur seal agad itong tinakpan ni sept ng carpet ang isang bahagi ng seal para makalabas ako. agad kong kinuhavang aklat sa kamay ng bangkay at tumalon papalabas ng seal.

biglang yumanig ang paligid at nag dali dali naman kaming lumabas ni sept at baka gumuho bigla ang bahay paglabas namin ng pinto ng bahay ay biglang bumigat ang aking pakiramdam iba ito sa naramdaman ko noong unang gabi na pumasok kami sa bahay parang may pumipigil sa paa kong humakbang at parang may pasan pasan akong kung anong bagay sa aking likuran hanggang napaluhod ako.

biglang nilingon ako ni sept at nilagyan nya ng seal ang paligid ko at nag banggit ng isang dasal

" exsorsico te omni spiritus imunde" unang banggit palang iyon ni sept ay may mga lumabas ng itim na mga usok mula sa likod ko at dahandahang gumaan na ulit ang aking pakiramdam agad kaming tumakbo papunta sa sasakyan at umalis

4:30pm

dumating kami sa motel hapon na at hindi parin ako makapaniwala na muntik na akong saniban ng mga masasamang espirito sa bahay na iyon.

naka akyat na kami sa kwarto ng napansin kong dala dala ni sept ang black book na kanina ay binabasa nya nag tataka na ako sa mga ikinikilos ni sept sa mga panahong iyon pero hindi na ako nag abala na mag tanong sa kanya kung bakit. agad kong binuklat ang libro na yakap yakap ng bangkay na babae kanina at jockpot journal ito ng isang kasambahay ng pamilya crow.

agad kong binasa ang naturang talambuhay at ako ay nabigla sa isang larawan ng babae sa unang pahina agad akong tumingin kay sept na sa panahong iyon ay abala sa pag babasa ng spell book na nakita nya at ng napatingin sya sa akin ay agad kong ibinaling ang tingin ko sa journal at inilipat agad sa sumunod na pahina at agad kong binasa ang mga napapaloob dito

senia roque
ang pangalan ng babae na nag sulat ng journal na nakuha kong yakap ng bangkay na babae at binasa ko ang mga sumusonod na naka sulat dito ang umpisa ako sa pangatlong pahina

marso 15 taong 1467
unang araw ng paninilbihan nya sa bahay ng mga crowan bilang isang katulong pagkatapos syàng itakwil ng kanyang akan.
napadpad sya sa bayan ng ramirez na ngayon ay savana na ang pangalan hanggang namasukan sa isang mayamang pamilya at yun ang pamilyang crowan

naging mabuti ang pag tanggap nila dito at hindi nila ito tinrato na iba kundi kabilang din sa pamilya si senia mabait ang mga amo nito sa kanya at napalapit na din ang loob nya sa mga anak ng mag asawang crow may 5 silang mga anak na babae at yun ay sina maria,sofia,magda,anthonet at cristina . si maria ang pina ka bunso sa mga magkakapatid at mas malapit ito kay senia dahil sya ang ang aalaga kay maria masaya ang pamumuhay ni senia sa piling ng pamilya crow ginagantihan nito ng pagmamahal at sipag ang magandang trato ng pamilya at lalo na ang mag asawang crow sa katunayan ay pag umaalis ang mag asawa para mamili ng pangangailangan sa loob ng bahay ay palagi ito may dala para kay senia kung hindi damit ay pagkain o kaya ay pluma alam kasi ng mag asawa na mahilig mag sulat si senia.

isang gabi ng marso 30 sa parehong taon ay nag kasakit ng malala ang bunsong si maria agad nag patawag ng doktor ang mag asawa kasi nag dedelihiryo na ang kawawang bata at halos gusto na nitong bumigay

mag aalas dose na ng makadating ang doktor na pinatawag ng mag asawa para masuri ang kanilang anak at malapatan ng lunas. walang humpay ang pagdarasal ni madam susana (ina ni maria) habang ina alalayan ni sinior alfredo ( ang ama ni maria) habang si sinia naman ay maluhaluhang nag aabang lang sa tabi dahil na aawa ito sa kalagayan ng kanyang alaga. pagkatapos suriin ng doktor si maria ay tumayo ang doktor at lumapit sa mag asawa.

" pasencya na sinior alfredo at madam susana mukhang nahawa ang anak ninyo sa kumakalat na epedemia sa karatid bayan ninyo ( sa bayan ng carles) at wala pang natatagpuang lunas ang mga scientipiko para lunasan ang epedemiang ito pasensya na hindi ako makakatulong sa panahong ito ipagdasal nalang natin si maria baka may milagro pang mangyari at gumaling ang anak ninyo" sabi ng doktor sa mag asawa.

biglang lumakas ang hagulgul ni.madam susana hanggang mawalan ito ng malay agad naman itong binuhat ni sinior alfredo papunta sa silid nila at pinatignan nadin sa doktor habang si sinia naman ay napaupo nalang sa tabi ni maria at hinalikan nito ang bata habang umiiyak.

" senia mag pahinga ka na muna ako nalang ang magbabantay kay maria ngayong gabi" sabi sa kanya ni sinior alfredo na papasok ng pinto matapos ihatid si madam susana sa kanilang kwarto ng mga gabing iyon ay hindi ko nakitang umiyak si sinior alfredo dahil sa kalagayan ng kanyang anak pero bakas sa mukha nya ang malaking kalungkotan at parang anung oras ay sasabog ang kalungkutan na ito.

habang papunta naman si senia sa kanyang silid sa ilalim ng mansyon ay sumagi sa isipan nito ang gumamit ng ipinagbabawal na majeka para pagalingin lang si maria sa sakit nito.
nakababa na si senia sa hagdan at agad itong pumasok sa kanyang silid at dali dali nitong hinalungkat ang kanyang gamit na parang may hinahanap na kung anu.

ilang saglit pa ay inilabas nito ang isang itim na libro,kandila,bungo ng bata at isang punyal at inihanda ito sa isang sulok ng kwarto ngunit nag dalawang isip ito kasi may kapalit ang lahat ng ipinagbabawal na majika. kaya hindi nya ito itinuloy noong gabing iyon ay hindi nakatulog si senia dahil sa pag iisip sa alagang si maria.

- abangan po hehe sorry medyo bitin

may kadugtong pa po ito pakisubaybayan po ang lahat ng part ng kwento ko po thank you po sa reads

THE CODE PART 2Where stories live. Discover now