That's My Baby-28

4 0 0
                                        

May mga times na gusto ko mainis sa sarili ko.Ewan ko ba.Imbis na mainis ako kay Ken,sa sarili ko ako naiinis.Pumatol pa kasi ako sa relasyon namin,alam ko namang may mga mangyayaring ganito.Sabi nila dun daw matetest katibayan ng relasyon.

Ever Since that day happened,Grabe! I can't believe it na hindi ako umiyak.Kasi nainis ako eh

Hindi talaga kilala ni Aira ang isang Laureen Stephan Santos.Hindi niya kilala kung sino ang binabangga niya.Sabagay,Hindi na maiiwasan yun sa love,Ang may umepal o umeksena.

Love is like the rain ika nga.Hindi mo alam kung kelan papatak,Parang sa pag-ibig,hindi mo alam kung kelan ka masasaktan unless may magsabi.

That France Jerome something? He's mysterious yet inspiring.Siya kasi palagi nagpapatahan sakin kapag umiiyak ako or may problema.Siya yung nagcocomfort sakin palagi sa mga times na wala na akong masandalan at gusto ko na mag give up.

I'm nacucurious tuloy.Ano ba talaga papel niya sa buhay ko? Nevermind na nga lang.

Naglalakad na ako papasok ng school gate when i saw someone na familiar.
Tinitigan ko mabuti and that's when i realized it was him..
It was Jerome.

Ano kaya ginagawa niya dito?

Nilapitan ko siya then tumabi sakanya.

"Hey" sabi ko sabay ngiti.Ngumiti rin siya pero bumalik na uli sa ginagawa niya

"You seemed to be really busy huh?"

Tinigil niya panandalian yung ginagawa niya

"Oo,Ganun talaga,Kundi madaling araw ang break time ko,gabi lang rin." Sabi niya then tinuloy na uli yung ginagawa niya.Grabe ah.

"Ano ba ginagawa mo?" Tanong ko

"Iniisip kung paano ka patatahimikin..." Sabi niya then tumingin sakin.

Napatingin ako sakanya ng masama at napatawa na lamang siya.

"Joke lang.Nagdedesign ako ng pinapadesign sakin.Ang hirap nga eh pero kayang-kaya naman."

"Alam mo,Kung magkaron ka ng girlfriend,siguro napaka swerte na niya sayo.Kasi hindi ka basta basta sumusuko tsaka,mabait ka.mapagmahal" napabuntong hininga nalang ako

"Thanks at may nakaka appreciate pa ng ugali ko." Sabi niya then biglang lumungkot yung aura niya.Napatigil siya saglit sa ginagawa niya then tumingin sakin. "Pano ka naman nakakasiguro na mabait talaga ako?"

"Instincts? I guess?" Napatango nalang siya then bumalik na sa ginagawa niya.

"I had a girlfriend once pero sabi niya napakaboring ko daw,Nakaka-asar daw ako,feeling niya daw di ko daw siya mahal dahil daw palagi akong busy.Napakasama ko raw na tao dahil mas inuuna ko ang pangarap ko kesa siya.Ang hindi niya alam ginagawa ko lang yun para sakanya.Para samin.Kaso di niya maappreciate lahat ng paghihirap ko." Sabi niya then napa buntong hininga

I patted his back nalang since hindi naman ako marunong mag advice at wala rin naman akong karapatan na husgahan siya since di ko naman alam ang nangyari sa buhay niya.

"Panigurado ako nag-sawa na siya na mahalin ka.Pero napaka-boba niya para iwan ang isang tulad mo.Hayaan mo,Nandito naman ako para sayo.Bilang kapalit na rin sa lahat ng tulong mo at pag aadvice mo sakin.Nakakatuwa talaga na may tao pa pala na katulad mo." Then i smiled,Para na rin mapagaan loob niya.

"Thanks.Sige na pumasok ka na.Malelate ka na sa first class mo dahil sakin.Okey na ako,wag mo na ako alalahanin" sabi niya kaya tumango nalang ako then dumiretso sa first class ko.

***

Pagdating ko sa room,sumalubong sakin si Meghan at Dhianne na nakapameywang

"What?" Tanong ko

"Saan ka galing at malelate ka na?"
Tanong ni Meghan

"Oo nga first time in history!" Sabi ni Dhianne then napapalakpak at napatalon talon pa "Grabe ang tagal ko na iniisip kung kelan ka malelate kahit for once lang." Sabi ni Dhianne kaya napatingin ng masama si Meghan.

"We should be galit!! Late si Laureen eh." Sabi ni Meghan kaya nameywang uli si Dhianne then natatawa-tawa pa.napailing nalang ako.

"Childish kayo masyado..Nandun lang ako sa labas,may kinausap."

"At sino naman aber?"

"Ah s-si mommy.Tama! Si mommy!" Sabi ko.Why do i have to lie to them? Ano naman kung makilala nila si Jerome.Eh kaso kasi ayaw niya ng maraming tao sa buhay niya panigurado ako.

"Well,okey then" sabi ni Meghan kahit halata namang di suya naniniwala.

Nasa pilipinas na ba kami? Wala pa naman diba? Bakit hindi man lang sila nagtaka kung pano ko nakausap si mommy? Siguro inisip nung mga yun kausap ko sa telepono.

Pumasok nalang kami ng room since papunta na rin yung prof namin.

That's My BabyWhere stories live. Discover now