Cc's POV:
*tok tok tok*
Napamulat ako bigla dun sa katok. Psh, sino naman yun? Istorbo sa pagtulog ko.
*tok tok tok*
"Hey,are you up?"
Ohh, that voice... si Audrey pala. Istorbo nga talaga. I nodded in reply but naalala ko nga pala, di naman niya maririnig o makikita yun dahil nasa loob ako.
"Kagigising ko lang." Sagot ko na lamyang lamya pa, binuksan naman niya agad yung pinto.
"Tanghali na nasa kama ka pa rin? Aba. Wala kang balak umattend sa booksigning event niya?" Tuloy-tuloy niyang sabi hanggang sa nakaupo na siya sa gilid ng kama ko.
Napatingin naman ako sa cellphone ko para tignan ang oras at petsa.
"Aish. Late na ako..." Sabi ko sabay tayo sa kama at naglakad papuntang banyo.
"Late na tayo."
"Tayo? Kasama ka? Patawa ka?" Tanong ko kay Audrey.
"Ba't? Kung di kita sasamahan, sino ang sasama sayo aber?" Tanong din niya pabalik.
"Me, myself and I."
"Funny."
"I'll call Boo para samahan ako."
"Boo? Ah! No, ako sasama sayo."
"And why?"
"Why not?"
"Aish! Oo na, maliligo lang ako tas alis na tayo."
"Say, ayos ka lang ba sa lahat ng nangyayari?" napahinto ako sa pagpasok sa banyo sabay tingin sa kaniya.
"Sa engagement nila? Sa galit sa akin ni Lacus? Sa mga nakikita kong kasweetan ni Niou sa kaniya? Sa pagkawala ko ng karapatan maging Hundlers? Sa sitwasyon ko ngayon? Saan pa ba?" Yes, I got disowned.
Eh sa ayaw sa akin nung tatang na yun. May magagawa pa ba ako?
Nalaman ko lang kagabi kasi ako yung nasa kwarto ni Aud kagabi na humaripas ng tago kasi parating si Niou. Galing din nung lalaking yun eh. Kala mo nakakaramdam at nakakakita ng multo. Lakas makavibes.
"May timeline ka pala ng events." Sagot niya.
"Ako pa? Eh wala. Ganon talaga."
"Oh ano sagot mo sa tanong ko?"
"Di ko naman na kailangang maging okay o hindi eh. Kailangan ko lang tanggapin." Sabay ngiti.
"Great pretender." She looked at me straight in the eyes sabay tingin pababa. Naaawa siya sa akin at sa sitwasyon ko. Sa tingin ko kahit sino naman ganiyan gagawin lalo na ate ko siya. Ay mali, hindi na pala.
Ah oo, yung palakang linta sigurado ako ikatutuwa niya mga nangyayari sa akin. Siya lang ata ang nag-iisang taong ikatutuwa ang sitwasyon ko.
"Don't pity me. Ligo lang ako." Ayoko na rin humaba usapan.
"Hurry up." So binilisan ko nga maligo at magbihis.
...
..
.
After almost two hours, nakarating na kami sa venue.
"Are you sure about this?" Napatingin kami pareho ni Audrey sa taong nasa likuran namin.
Shit. I forgot na kasama pala namin si Boo tinawagan ko siya kanina para magpasama.
Kahit ayaw ni Audrey na isama siya, eh si Boo lagi ang kasama ko pag ganito eh.
YOU ARE READING
Worth the Pain
Teen FictionAno nga bang mapapala mo sa isang relasyong paulit ulit na lang ang nangyayari? Nasaktan ka. Pinaglaruan ka ng isa. Lumaban ka dahil alam mong importante ang ipinaglalaban mo. Kahit na ang kalalabasan noon ay ang galit ng mismong ipinaglalaban mo da...
