Chapter 17.- Bad news

417 9 1
                                        

COMVO

-----------------------------------------------------------------------

Kathryn's POV

Nandito kami ngayon sa basketball court, Balak kasi nila maglaro

Sumama nalang ako dahil sa pagpilit nila Neil saakin no choice ayaw ko naman mapag isa
"Kath! tara na laro kana" Sigaw ni EJ sakin

Nginitian ko nalang sila at saka umiling

"KJ mo besss" sambit ni Seth

Hahaha ako na Kj, marunong naman kasi ako mag basketball sadyang ayoko lang magpapagod.

Nagmumuni muni lang ako dito sa tabi ng biglang nag ring ang phone ko

"Hello?"

"Ms Kathryn Bernardo? pasensya na sa abala hija. Kung pwede ka sana ngayon, pumunta ka naman dito sa b---"
Di natatapos magsalita ang ina ni Nadine ay nagsalita agad ako

"Opo di naman ako busy ngayon, antayin niyo nalang po ako" Binaba ko agad ang phone ko atyaka nagpaalam sa lahat

"Guys alis muna ako ah? wag papapagod hehe" Ngumiti sila sakin atyaka ako tinulungan sa bag na dala ko

Sus di parin nagbabago kahit ata mabagok ulo ko at di na talaga sila maalala ganyan parin sila hahaha

--
Pinark ko na ang kotse ko atyaka ako dumiretso sa loob ng bahay nila Nadine.

Hindi ko alam pero dire diretso nalang ako, sabik akong makamusta ang mga kapatid ko

"So? anong ginagawa mo dito sa bahay ko?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Nadine saakin

"Ha? anong sinasabi mo?"

"Matapos akong sugurin ni Kilaria sa pamamahay ko, ikaw naman ang nandito ngayon? para ano? sampalin ulit ako? ha ha ha."

Napatahimik ako sa mga sinabi niya.

Sinugod ni ate Kila? tangina. Di tama yun

"Ako na ang humihingi ng paumanhin Nadine pasensya na." 

Napayuko nalang ako pagkatapos kong sabihin iyon.

"Oh hija nandito kana pala! halika sa garden nagpa handa na ako kay manang ng mam-merienda natin" Masiglang bati sakin ng nanay ni Nadine.

Pumanik nalang si Nadine atyaka ito tumingin ng masama saakin.

--

"Hija pag pasensyahan mo na ang anak ko ah? ganon lang talaga yun hehe pabago bago ang mood" Pagpapaliwanag ni tita Lucy saakin

Tumango nalang ako sa mga nasabi niya.

"Oo nga pala Kathryn, pinapunta kita dito upang mabisita mo naman ang iyong mga kapatid." Ngumiti ako sa nasabi niya

"Talaga po? Diyos ko! salamat naman po. Matagal ko na silang gustong makita salamat po talaga tita Lucy" Tumango siya sa nasabi ko

Agad dumating si Nadine, tinignan ako nito bago magsalita.

"Ah tapos? lalaki ulo niyan. Dadalawin na lagi sila Julia? aabusuhin kabaitan mo Mama? Hahahaha. Tapos ano? kukuhanin saatin? hindi pwede."

Nagulat ako sa mga sinabi ni Nadine

Bawal ko silang bisitahin? ang mga kapatid ko?

"Anak ano bang pag uugali yan?!" Napataas ang tono ng boses ni tita Lucy kay Nadine

My Yaya in London♥ (MYIB BOOK2-Kathniel)Where stories live. Discover now