Author's NOTE: and because of her special request ( AteChampoy ) another update for this night. Medyo matagal din ang pag update ko nito kaya eto sinubukan kong mag update ulit. I hope you'll enjoy reading. :*
<Katherine Kang>
Suki talaga kami ng guidance hahaha favorite spot ko na rin to dito sa school pero di kasali yung panenermon ng isang tao dito walang kasawaan langya "Alam mo ikaw di ka talaga nagsasawa noh? Paulit ulit na lang sinasabi mo" iritado na rin tong si Zelle wala din naman kasing masabing matino tong lalaking to I mean tong Director ng school na to wala naman kaming magagawa ganyan talaga pag nagkakaedad ang mga lalaking walang ugali. "Kayo pa talaga ang may ganang magalit! Sinabi ko sa inyo noon pa di---" tsk di na nakatiis si Sophia "Na ano? Na kailangan naming magtino para lang makagraduate kami? Para lang matapos namin ang punishment namin? Sorry but not sorry pero kasi wala kaming babaguhin sa sarili namin, di namin kailangan magbago para lang sa mga taong hindi kami tanggap" wew humuhugot si Sophia ah hahaha.
"Kailangan nyong makagraduate para makauwi kayo, sa tingin mo hindi ko alam ang balak nyo?" napataas kami ng kilay as in lahat kami "Grabe kayong lima di na nga nagawa ng gulo ang mga lalaki dito pero kayo naman ang pumalit kababae nyong tao ganyan kayo" buti na lang hinawakan ako ni Zelle dahil kung hindi baka nasugod ko na ang babaeng talantod na yun abah naman anong problema nito? Akala mo kung sinong malinis. Magaling maghugas kamay. "Hoy babaknita nagsasawa na ako sa pagmumukha ng mga to" dinig kong bulong ni Aly kay Zelle at bahagya naman kaming natawa "Alam mo dapat mong gawin? Takpan mo mga mata mo hahaha" mahinang sagot naman ni Zelle.
Patuloy ang sagutan dun and in the end wala talo pa rin sila di naman daw nila kami magawang paalisin dito dahil sa utos daw yun ng mga magulang namin like hello wala kaming paki at least nagagawa ko ang lumandi. Papunta na kaming lahat ngayon sa canteen at sakto namang nasalubong namin ang kings daw, ewan yan tawag sa kanila eh malay ko ba. "Oh kakain na kayo?" tanong ni Jales at "Papunta nga sa cafeteria di ba? Malamang kakain" magsisimula na naman tong dalawang to. "Malay mo tatambay" dapat na ba kaming masanay? "Tatambay? Tanga lang? Alam mong ayokong masyadong maingay, except sa bar" agad na bawi ni Zelle "Tama na nga yan tara na at kumain nag aalburoto na ang tyan ko yung matandang kalbo na yun kasi sarap regaluhan ng wig" natawa naman kami sa sinabi ni Sophia.
Pagdating sa loob ng canteen lahat sila tahimik syempre may mga dyosang dumating, lahat sila kung makatingin samin para kaming hinuhubaran pero di naman nila magawang tingnan kami ng deretso dahil sa kasama namin sila Darwin. "Anong gusto mo?" tanong ni Darwin sakin at napatingin naman ako sa menu. "Siguro omelet na lang wala din namang ibang available" nakangiti kong sabi habang nakatingin pa rin sa menu board. "Gusto ko ng takuyaki, omelet, ice cream, chocolate fudge, melon bread and syempre mawawala ba ang yakisoba? yun, yun ang akin lolo" nanlalaking mata ang ibinungad namin kay Sophia kahit si Zake hindi nakaimik agad ibang klase ang appetite ng babaeng to panghigante "Oh bakit ganyan kayo makatingin?" nagsisimula na naman po syang magtaray.
"Di kasi namin akalain na ang malditang kagaya mo ay kung kumain parang patay gutom" ganito silang dalawa nag umpisa "Patay gutom your face! Wala kasing may manlilibre sayo kaya ganyan ka gusto mo ibigay ko sayo ang isa? Kawawa ka naman kasi" napahawak na lang ako sa noo ko dahil sa kanilang dalawa, ako kasi ang dakila at dyosa nilang taga saway "May sakit ka ba?" tumingin ako sa bumulong sakin at nakita ko si Jales, nakamove on na kaya to? Umiling ako saka ngumiti "Wala wala akong sakit sadyang nakakapagbigay lang talaga ng sakit ng ulo ang dalawang yan, nagsisimula na naman silang dalawa maglaitan gaya noong una silang nagkita" tapos tinuro ko si Sophia at Anthea "Pero aaminin ko simula noong napasok kami sa school maraming nagbago samin lalo na sa kanilang dalawa" dagdag ko pa at saka umupo sa upuan na kinuha namin.
YOU ARE READING
The Muses of the Outcast *Complete*
Teen FictionWARNING : kung ikaw ay inosente at walang alam sa mundo esti sa mga bad words and sa iba pa pakiusap lang wag mo ng ituloy ang pagbabasa pero kung open minded ka naman go lang~ basahin mo hanggang gusto mo xD pero inuulit ko may mga scenes po dito n...
