~~~ Chapter 21 ~~~

Magsimula sa umpisa
                                        

Matapos na'ming kumain ay pumunta kami sa seaside park para mamasyal. Maraming naglalakihang disenyo ang nakatayo doon. Napagdesisyunan rin nilang maghiwa-hiwalay. Which is awkward because I am left with Rence and we aren't even close to have a conversation. So, I chose to just feed my eyes with the view.

"What are you thinking?" Nagulat ako nang magsalita ito. Malalim ang tingin ko sa tabing dagat kaya siguro ito nagtanong.

"What if the world isn't heavy?" Wala sa sariling sambit ko. I heard him chuckled. Napalingon ako sa kanya, he looks amused but I didn't mind. He looks good when he laughs, by the way. Ibinalik ko ang tingin sa dagat.

"Are you even carrying the world for you to ask that kind of question?" Tanong niya. Are we actually having a conversation? I felt my lips curved a little.

"Not really, but it seems like." Tanging sagot ko. Humilig ito sa railings at naramdaman ko ang malalim nitong pagtitig sa'kin.

"Maybe, I can lift up that heavy world for you?" Aniya. Hindi ko na napigilang hindi matawa sa kanyang sinabi.

"I doubt that," Utas ko at nilingon siyang seryosong nakatitig sa akin. I was able to say it because I can only be the one to lift the world for myself, for I the one putted it in that way. Ilang segundo kaming nagtitigan bago pa ito magsalita.

"You don't trust me?" Tanong niya na tila ba sa mata ko hinahanap ang mga kasagutan. Sadly, he won't even be able to see the truth within my eyes when it's already covered with lies.

I smiled curtly again, liking this little chit-chat with him. "Hmm, let's say, I can't trust anyone in this world aside from my girlfriends." Wika ko at tinuro si Flynn, kasama si Aaron sa hindi kalayuan, na sa wakas ay ngumi-ngiti na muli. It would be nice to finally have true friends other than co-stars but it would be a curse for the sinful world we created.

"Hmm, let's see if you can trust me." Utas niya at bago pa ako maka-tingin sa kanya ay naramdaman ko na ang pag-angat ng dalawang paa ko sa sementong tinatapakan ko. My eyes widened when I realized that he's carrying me! Ngunit hindi nagtagal ay naramdaman ko rin ang malamig na halik ng bakal sa aking mga binti. Aalma sana ako sa aking pwesto ngunit agad niya akong inunahan. "Relax, just look straight ahead." Wika niya na sinunod ko naman at agad akong sinalubong ng papalubog na araw na hindi gaya ng manipis at malamig na bakal na inuupuan ko'y nagtataglay ito ng katamtamang init na sapat para pakalmahin ang puso kong nilalamig. I breathed heavily nang makita kung gaano kaganda ang repleksyon ng papalubog na araw sa tahimik na na dagat sa ibaba.

It seems like the King Sun was able to see himself at the sea but therefore ignored it because he is aware that two worlds have different way of rotation.

Rence's arms held my waist with his both arms which made me feel that even how dangerous this could be, there is someone who would make me feel comfortable and safe.

Unti-unti kong ginalaw ang mga binti ko ngunit ang heels na aking suot ay naging sagabal sa malayang paggalaw nito.

"Do you want to remove it?" Rinig kong marahan niyang bulong sa aking tenga. I held my breathe.

"Kung hindi ito makakapagpahirap," Mahinang sagot ko.

"Nothing would be hard kung gusto mo," Aniya at ginilid ako ng konti mula sa aking pagkaka-upo at tuluyang niyakap ang isang braso sa aking bewang. Pagkatapos ay marahan niyang inangat ang isa kong binti at maingat na inabot ang aking sapatos at dahan-dahan itong inalis. His touch made me feel cold. Naninibago ako sapagkat ngayon lanang ako nakaranas ng ganito. Nang kabilang binti ko naman ang kanyang inabot ay umalog ako ng konti, dahilan upang mapakapit ako sa mga balikat niya, we looked like hugging each other kaya naman mas hindi ako naging kumportable ngunit mas gugustuhin kong maging ligtas kaysa mapahamak.

"I'm sorry," Sambit niya nang makita ang takot ko sa nangyari ngunit tumango lamang ako. Nang nagtagumpay siyang tanggalin ang heels ko kaya muli niya akong binalik sa dating pwesto at inalis ko na rin ang braso ko sa kanya na siyang namang nanatiling nakayakap sa maliit kong bewang ang isa niyang kamay at ang isa'y nakatukod sa railings. He let my back rest at his broad chest so that I would be more comfortable and safe with my place. I tried hard to focus my whole attention at the beautiful landscape in front of me but the careful wind blows his manly scent's way into my nostrils.

I tried to sway my feet again, more comfortable this time. "Feeling comfortable?" Tanong niya. Tumango na lamang ako at hinayaang kainin ng katahimikan ang aming paligid.

Tuluyan nang dumilim at napalitan na ang araw ng buwan at mga bituwin na tila malayang nakahiga sa kalangitan at malinaw na repleksyon sa dagat, ani mo'y sila'y pinagsama't pinagtagpo kahit na sa maikling panahon at imahinasyon lamang.

Napagpasyahan na na'ming ibaba ako ngunit nagtaka ako nang hilahin niya ako at sinalo ng kanyang malapad na likod. He's holding my pair of heels habang pasan ako sa kanyang likuran na siya namang marahang naglalakad.

"Do you trust me now?" Biglaan niyang tanong. Bumilis ang tibok ng aking puso ngunit sa ginawa kong pagpayag kanina ay alam ko na ang kasagutan.

"I am not sure," Wala sa sarili kong sagot na siya namang tinawanan lang.

At sa unang pagkakataon, naramdaman kong walang bigat na nakadagan sa aking dibdib at hinayaang maging kumportable kasama ang isang lalaking isa ring malaking misteryo sa aking buhay.

Damsel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon