II Part - Chapter 13 - Afresh

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi makarinig at makapagsalita si Dani, baby, dahil nagkaroon siya ng sakit noon nandoon pa lang siya sa loob ng tiyan ng Mommy niya pero hindi ibig sabihin noon hindi niya tayo naiintindihan." Tiningnan lang ako ni Sammy na tila iniintindi ang sinabi ko. Kinuha ni Dani ang kamay ko at sinasama ako sa kinauupuan niya at sinama ko rin Sammy. Pinagtabi ko silang dalawa ni Dani. Ngumiti ng malaki si Dani kay Sammy at nakatingin lang sa kanya ang anak ko at hindi ko alam ang tumatakbo sa isip nito.

Kumain kami at nag-usap at pansin kong unti-unti ay nagsasalita na si Matt sa mga tanong ni Nanay Rachel at Ate Gracie. Mabuti naman ay may common denominator sila at kahit papaano ay napalagay ang loob ko. Akalain mo nga naman napatira pala si Matt dati sa subdivision na tirahin din dati ni Nanay Rachel noon dalaga pa siya. At kababata pa niya si Ate Gracie.

Lumingon ako kay Sammy at tahimik pa rin ito habang si Dani ay ngiti ng ngiti sa kanya at kung anu-anong sinasabi nito gamit ang kamay. Hindi pa ganoon sanay si Dani sa sign language pero marami na itong natutunan. Kasabay ng pagdating ni Dani sa buhay namin noon ay ang pag-aaral din namin ng sign language kasama niya at si Mama Niel ang nagturo sa amin dahil retired teacher ito ng deaf and mute.

"Anong sinasabi niya Mommy?" Tanong sa akin ni Sammy.

"Sabi ni Dani, magkaibigan na daw kayo." Tumingin sa akin si Sammy ng matagal bago magsalita ito.

"Hindi po pwede. Girl siya boy ako. Di po pwede kaming magkaibigan."

"Bakit naman hindi baby Teo?" Napatingin naman ako kay Ate Gracie sa sinabi niya. "Kahit boy ka at girl si Dani pwede pa rin kayong friends. Walang pinipili ang kaibigan." Titig na titig si Sammy kay Ate Gracie. "Look at your Mommy Sam and Tito Boaz, they are the best of friends but they are boy and girl." Napatingin naman ako kay Matt sa sinabi ni Ate Gracie. Kung kanina ay nakangiti ito pero bigla itong sumimangot. Samantalang si Sammy ay tumahimik.

...
Tumingin ako kay Matt na kasama nina Boaz, Daddy Sac at Kuya Joshua na magkakasama sa may garden. Sumulyap rin sa akin si Matt at halata ko ang alinlangan sa mga mata niya. Ngumiti ako rito at tumango lang ito sa akin.

Si Sammy naman at Dani ay magkasama na naglalaro habang bantay-bantay ni Ate Gracie. Pinagmamasdan ko si Sammy habang inoobserbahan niya si Dani at mukhang inaalam ng anak ko kung paano intindihin ito at kausapin. Napapangiti na lang ako sa ways ni Dani na makipagcommunicate sa anak ko. Gaya ng lang ng gusto niyang makipaglaro ng bola dito. Binigay nito ang bola kay Sammy at minonstra nito na ibato na naintindihan naman ng anak ko.

"You have such beautiful family, Sam." Lumingon naman ako ng makita ko si Nanay Rachel. Naupo ito sa tabi ko sa may counter top ng kusina.

"Thank you, Nay." Ngumiti ito ng malaki.

"Huwag mo sanang masamain dati ang pagkagusto ko sa inyong dalawa ni Boaz na magkatuluyan." Nangiti ako sa sinabi ni Nanay Rachel. Naalala ko naman ang maraming beses na sinabi ni Nanay Rachel ang pagkagusto niya na maging kami hanggang sa nasabi ko sa kanya na ang nakaraan ko. Doon na rin ako nito tinigilan. "Kung single ka palagay ko pinilit ko na talaga kayo ng bunso ko." Tumawa pa ito. Napatawa na ako.

"Nay naman. Kuya lang talaga po ang tingin ko kay Boaz. Ang aking masungit at istriktong kuya at kahit naman po si Boaz ay kapatid lang ang turing sa akin." Tumawa naman si Nanay Rachel. "Nay, bakit kayo natawa?"

"Wala naman anak." Ngiti nito. "God has a plan to my Boaz as much as He has plan for you." Tumango ako. Tumungin ako kay Boaz at mukhang magkausap sila ni Matt. Matt is smiling. Mukhang kahit papaano ay nagiging okey na sila. Sana! Minsan kasi ay napakapranka ng bibig ni Boaz at natatakot ako baka may masabi itong hindi magustuhan ni Matt. Pero...Boaz knows better than to do that.

Journey of ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon