Chapter 02: I Like Rubber Ducks

Start from the beginning
                                    

"No. Hindi niya iyon gagawin," pang-uuto niya pa sa akin.

Weh? Talaga lang, ah?

Pero sa kabilang banda, napaisip din ako. At tama nga si kuya Caleb, hindi gagawin ni Grie na bugbugin ako.

Three years ago, nakipaghiwalay siya sa akin dahil mukha nga raw akong patatas.

Mahilig na siya sa patatas ngayon. Mas naging mahilig siya sa papatas ngayon kaysa noon! Remember? Mukha akong patatas kaya hindi niya ako bubugbugin—

—babalatan lang ng buhay kasi nga isa akong patatas para sa paningin niya!

"Saka potatoes lang ba talaga ang salitang kaya niyang sabihin?"

"Actually, hindi." Sinulyapan niya si Grie. "May mga words naman siyang nababanggit. Like... ligo, kain, inom... basta gano'n. Pero mas madalas niyang banggitin ang potatoes o potato."

"I see..." Tumango-tango ako habang hinihimas ang aking babâ.

"P-Papayag ka na ba?" parang nabubuhayan ang loob na tanong ni kuya Caleb.

Nagkibit-balikat ako. "Ayoko pa rin."

Muli na namang nagusot ang kaniyang mukha. "Please, Saki... kahit anong kapalit ibibigay ko."

Kung utusan ko kaya ang lalaking 'to na maglakad sa kalsada nang nakahubo for 5 days straight? No water, no food, no shelter.

Hah. Kung kasing demonyita lang ako ni ate Saica, malamang ipapagawa ko talaga iyon sa kaniya!

"Ayoko."

"Siguro hindi ka pa rin nakaka-move on sa kagwapuhan ng kuya ko, ano?" nanunuyang tanong niya dahilan para mapataas ako ng kilay. Sumandal siya sa pader ng silid ni Grie saka nag-cross arms habang naka-angat ang gilid ng kaniyang labi.

Sir-ulo 'to, ah.

"Yieeeh. Si Saki, hindi pa rin nakaka-move on kay kuyaaaa..." Ngumisi siya na parang tanga.

Ngumisi ako pabalik. "Kahit anong sabihin mo, ayoko pa rin."

Bumagsak ang mga balikat niya.

"Okay... sige na nga..." malungkot na ewan na pagsuko niya. "May tatawagan lang ako sa labas. Dito ka muna saglit."

Dinukot niya ang kaniyang phone aa bulsa niya. Umalis siya sa pagkakasandal niya sa pader saka siya lumabas ng silid.

Napabuntong-hininga ako. Akmang kukunin ko na ang bag kong nakapatong sa sahig nang biglang tumayo si Grie.

Agad akong napaatras. Akala ko kasi sasapakin niya ako dahil wala na ang kuya niya. Jusko po. Nakalaking tao ng buwisit na ito. Wala akong laban 'pag nagkataon.

Marahan siyang lumapit sa akin at inilahad sa harapan ko ang plastic ng potato chips na para bang sinusuyo niya ako na ewan.

Napatunganga ako sa maamo niyang mukha. "H-Ha? Ayoko..." Kinagat niya bigla ang kaniyang ibabang labi habang nakalahad pa rin sa akin ang plastic ng potato chips. Para bang iiyak siya anumang oras kapag hindi ko tinanggap ang inaalok niya sa akin.

Ah!

Biglang nawasak ang puso ko. Nahati ito sa gitna.

J-Jusko... masyado siyang cute para tanggihan.

Nag-aalangang dumukot ako ng ilang piraso ro'n sa plastic saka iyon isinubo at nginuya. Doon na siya maliit na ngumiti. Argh! Ayoko na! Pakiramdam ko ay tinutukso niya lang ako para mag-stay dito at tulungan siya para gumaling siya!

No! Hell no! Never!

Mabilis akong tumalikod sa kaniya para pakalmahin ang puso kong sobrang bilis ng tibok. Ngunit hindi rin nagtagal nang maramdaman kong may kumakalabit sa akin. May mainit na hangin ang bumubuga sa likuran ng aking tainga.

I Like PotatoesWhere stories live. Discover now