☻Adrian☻

Christmas na pala ngayon. Nakakamiss naman gumala kasama yung dalawa. Kaso si Michael, minsan na lang kami magkita kasi nga medjo mainit yung ulo ko sa kanya. Pero, di ko rin masisisi kasi hindi ko sinabi sa kanya na ang gusto kong Angel ay si Angel Perez, na asawa na niya ngayon. Kaya naman, pumunta ako sa kanila para naman sabihin na yung totoo at mayaya ko na rin siyang mamasyal at... siguro..

.

.

.

..

...

.

para pakawalan na rin si Angel...

NAMAN!! Sayang lang ang pagbabago!! Mas gusto ko pa nga yung dati ako kaysa ngayon e!! 

Nang makapunta na ako sa bahay nila Michael...

" BOO!" 

" AHHHH!!! " SH*T Nakakabakla yung ginawa ko!!! Nagulat ako kay Tiffany!!!

" HAHAHAHAHAHAWHAHAHAHAH!!! BENTA MO!! Bakit ka pala nasa tapat ng bahay namin? Hinahanap mo si kuya o ako?!! " 

" TchE~~~ Asan kuya mo? At yung maganda niyang asawa? "

" Hmm.... kala ko ako hanap mo e... wala sila dito nasa bahay sila ni Ate tiger. Gusto mo bang pumasok? Chat lang tayo saglit ^______^ "

" Fine. Pero pag nag-sawa ako aalis na ako!! "

" Sure!!! Tara?! " at yun dahil sa awa napapasok tuloy ako!! >.< KAINIS!!!

Sa dami dami ng lugar na pwede kaming mag-usap dito niya napili sa terasa nila sa may room house. Pinalinis pa niya yung terrace. Ganun ba ako kaspecial sa kanya :))) Dapat pala ito na lang niligawan ko kaso hindi ko naman 'to gusto e..Sayang...

" Dito ka lang ha!! Gagawa lang ako ng miryenda natin sa kitchen room, if you leave this place, you're dead!!! " isa pa pala 'tong tigre. Bakit ba lahat ng nakikilala kong babae tigre ang panloob, anghel ang panlabas.

Nakaupo lang ako doon sa terrace. Nabored ako kaya naman umalis ako at naglibot muna sa sinasabi nilang room house. Napapunta tuloy ako sa kwarto ni Michael. Ganito pa rin ang hitsura walang pinagbago. Ano ba yan.... pag bumibisita ako ng bahay ng iba lagi na lang ako naiihi!! Kailangan ko nanaman ng C.R san kaya?!! Ayun may pinto!!!

Binuksan ko ang pinto at akala ko naman C.r isa itong maliit na stock room sa loob ng kwarto ni Michael at ang laman lang nito ay puo box na may nakalagay na BiB (galing kay Bianca) at isang folder ng papeles. Tiningnan ko yung contract at oo nga nakalagay doon na 5 years silang magiging mag-asawa.

Mabuti pa bumalik na lang ako doon sa table namin ni Tiffany patay ako doon e. 

Pagbalik ko sakto paakyat na siya kaya naman tumakbo ako papunta sa table.

" Sorry sobrang late ng tea at biscuit. " sabay lapag ng tray sa mesa.

" Ok lang. "

" Ano nga pala sasabihin mo sa kuya ko? "

" Ahhh.. tanong ko lang... nakapunta ka ba sa kasal ng kuya mo? "

____________________________________

☻Tiffany☻

Sa totoo lang alam kong hindi talaga kinasal sila kuya Michael. May contract nga sila pero hindi sila nagsabi ng vows nila sa isa't-isa. Binayaran lang ni kuya yung pari sa Taiwan dahil kami ang may-ari ng simbahan na yun. So parang lumalabas hindi talaga kasal sila Ate Tiger at kuya.

Pero naawa na 'ko sa tangang 'to e!! Alam naman siguro niya gusto ko siya. Kaso mukhang hindi naman niya mapansin kasi mas bata ako!!! FINE!! Pagbigyan natin. Maswerte ka!! Mahal kita!! Kaya kung gusto mo talaga malaman ang katotohanan sasabihin ko na para LANG SAYO!!!

" At dahil gusto kita.....LUMIGAYA, sasabihin ko na ang totoo. "

" Ano yun?!"  sabay lapag ng basong iniinuman niya sa mesa.

" Bale... totoo yung contract dahil may pirma iyun ng mga taong dapat pumirma sa contract na yun para maipalabas sa kanila papa na totoo yung kasal... "

" Bakit di alam 'to ng papa mo? "

" Pinainom kasi siya at ang parents ni ate Angel ng sleeping pills.... si kuya yung nag-painom."

" ..... "

Nakita ko sa mukha niya ang galit. Yumuko siya pero nakakatakot ang aura na pinapalabas niya.

" Pumayag na rin si ate Angel dahil sa utang... "

" P*ste YANG UTANG NA YAN!!! Ang kasal ginagawa kung mahal mo ang isang tao hindi kung may kailangan kang bayaran ng utang!! "

" Sorry... "

" Bakit ikaw ang nag-sosorry? "

" Kasi.. *sob* hindi ko agad nasabi *sob* "

Niyakap lang ako ni Adrian. I really feel sorry for him. Dapat talaga sinabi ko na agad sa kanya.

" Oh! What a splendid scene?! " may sumingit na babae sa moment namin ni Adrian NAKAKAINIS NAMAN OH!!! 

Pagtingin ko

.

.

.

.

.

.

.

.

..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.si mama kasama si Bianca?!!!

" Mama?! "

" Yes, sweet heart, I'm back ^_^ "

Narinig niya kaya lahat ng pinag-usapan namin? 

Tiger Girl (editing)Where stories live. Discover now