"Huhuhu, iiyak na 'yan. Iiyak na--" tumigil ako at umupo ng ayos dahil biglang pumasok si Kath sa kusina.

Nang makita niya si Kath ay umiyak na nga tapos nakaturo pa sa akin. Agad siyang kinarga ni Kath. Lagot na naman.

"Bakit? Pinapaiyak ka na naman ng ama mo. 'Yaan mo hindi natin 'yan love. 'Nuh po?" sinamaan na naman ako ng tingin ni Kath.

Ngumiti naman ako ng pagkalaki-laki sa kanya na para bang wala akong ginawang kasalanan.

Pero bigla din iyong nag-laho dahil naalala ko na naman ang sinabi ni Papa. Kapag umalis ako, hindi ko masusubaybayan ang paglaki ng anak ko o kaya lumayo ang loob niya sa akin. Ang isa pang ayaw ko, ang baka pagbalik ko dito may iba na si Kath.

Masaya at kontento na ako sa ganito. Kahit hindi kalakihan ang bahay komportable naman at magkakasama kami.

Kinabukasan bago ako umalis ay nag-iwan naman ako ng dalawang rose sa tabi niya. Maaga akong umaalis bgayon dahil kailangan ni Papa ang tulong ko. Ayoko namang gisingin si Kath para lang ipagluto ako. Palagi na ngayong nag-babaon si Papa ng pagkain at binibiyan niya din ako.

Hinalikan ko ang noo niya saka ako tuluyang umalis.

Nang makarating ako sa opisina ay kay Papa na agad ako dumiretso, madalas na din akong nandito minsan na lang ako mapapunta sa opisina ko. Nakita kong nag-hahanda na si Papa ng umagahan namin.

"Kain na, Daniel. Mahaba-habang araw na naman ito." yaya ni Papa. Umupo ako sa tapat niya. "Umalis ka na naman na hindi nag-papaalam sa mag-ina mo?" tanong niya.

"Tulog pa po eh." sagot ko.

"Nasabi mo na ba ang tungkol sa pag-alis mo?" napatigil ako sa pagkain. 'Yan na naman.

"Kapag sigurado na pong aalis ako." sagot ko. "May itatanong po ako, pwede ko po bang isama sila kapag nag-punta akong Italy?" tanong ko.

Tumigil si Papa sa pagkain at umupo ng ayos.

"Daniel, sa Italy hindi iisang condo o hotel ang titirahan mo. Madalas kang palipat-lipat dala ng mga meetings mo. Kapag dinala mo ang mag-ina mo doon, hindi naman pwedeng bitbit mo din sila. Kung iiwan mo din doon, mag-aalala ka lang sa kakaisip kung ayos lang ba sila. Dito madaming mag-aalaga sa kanila. Dito alam mong safe sila." paliwanag ni Papa.

Tama si Papa, dito alam kong hindi sila mapapabayaan. May mga magbabantay sa kanila doon wala.

Hindi na lang ulit ako umimik hanggang sa matapos kaming kumain ni Papa.

Kathryn's Point of View

Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Shete!! Napa-balikwas ako ng upo. Tinanghali na naman ako. Tatayo na sana ako may nakita akong dalawang stem ng pink rose. Binasa ko 'yung note.

Good Morning! Maaga akong umalis madaming trabaho eh, sa opisina na ako magbe-breakfast. Ingat kayo. ❤DJ

Sus.

Matapos kong mag-ayos ng sarili ko ay bumaba na ako para mag-luto ng kakainin.

Parang gusto ko ng cookies. Huhuhu. Hindi pa ako marunong mag-bake, gusto ko na ngang matuto eh. Kaso wala akong time para bumili ng gamit. Plus walang mag-babantay kay Jordan.

--
Nandito kami ngayon ni Jordan sa bahay ni Julia. Tumawag siya kanina na nag-away daw sila ni Quen kagabi at hanggang ngayon ay hindi pa sila nag-kakaayos.

Umiiyak nga siya ngayon sa tabi ko.

"Juls, tahan na. Baka naman nagpapalamig lang ng ulo 'yun." pagpapakalma ko sa kanya.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Where stories live. Discover now