"Do I look like I'm joking?" Seryosong tanong ko.

"Ganito 'yun capt." Simula ni Chase at naupo pa sa kabilang side ko. Yung iba naupo na sa harap, parang mga batang nakaupo sa sahig. "At first syempre in denial ka pa. Or siguro hindi mo pa alam na crush mo na siya kasi diba ngayon mo lang siya nakilala?" Patuloy ni Chase at tumango naman ako.

"Pero ilang weeks mo na siyang nakikita diba? Kasi lagi siyang nandun every time may practice tayo and she's been there for two damn weeks!" Malakas naman na sabi ni Chris habang naka pose ng number two yung isang kamay.

"Oh tapos? Anong crush dun?" Tanong ko naman.

"Eto na nga 'yun capt. Malalaman mong crush mo ang isang tao kapag hindi mo maalis ang tingin mo sakanya kapag nanjan siya. Yung tipong mapadaan lang siya, hahaba na ang leeg mo kakasunod lang ng tingin sakanya." Sagot naman ni Yael.

"Gago! Ikaw lang 'yun." Sabi naman ni Angelo sabay na binatukan si Yael. 

"Aray ah! Parang kayo naman hindi! Ikaw kasi masungit sa crush mo, torpe!" Sigaw naman pabalik sakanya ni Yael.

"Tsaka 'yung tipong makita mo lang siya? Hindi na maalis alis 'yung ngiti 'dyan sa labi mo. 'Yun bang completo na 'yung araw mo kasi nakita mo na siya. Tsaka 'yung tingin mo bae mo siya. Pero hindi niya alam na bae mo siya. Pero bae mo pa din siya?" Patuloy naman ni Angelo at natawa sa sariling sinabi. 

"Anong bae?" Tanong ko.

"Before anyone else!" Sabay sabay nilang sagot.

Hindi ko nagets ang sinabi nila. 

Napaisip ako sa sinabi ni Angelo. 

Hindi naman ako napapangiti kapag nakikita ko si Hannah. Normal pa din naman ang araw ko kahit pa kasama ko 'yung asungot na 'yun.

"Ano ba kayo? Sa tingin ko, nag susungit 'yang si captain kay Hannah eh." Singit naman ni Julian. 

Nag agree naman silang lahat sakanya. 

"Oo nga. Yang mga tipuhan ni captain eh 'yung mga nag susungit kasi sobrang tahimik naman nitong si capt. Baka torpe!" 

"Anong torpe?" 

"Torpe! 'Yung hindi mo maamin na gusto mo ang isang tao! Nahihiya ganun! Kaya dinadaan daan sa pag bully at pag susungit." Sagot ni Giann.

"Hindi ko naman crush si Hannah!" 

"It's not a crush. It's something more than that." Biglang salita ni Heath na hindi namin napansin na kanina pa pala siya nakalapit samin.

"Nandito ka pala ano?" Chase sarcastically asked but Heath ignored him.

"Feel yourself captain. Ikaw lang ang makakapagsabi kung anong nararamdaman mo." Sabi niya sabay talikod sa amin. Natahimik naman ang iba at parang nagiisip.

I was watching him leave nang bigla ulit siyang humarap sa'min. "But one thing's for sure, gusto mo lagi siyang nanjan. Gusto mo lagi mo siyang nakikita. You feel blissful about it and it flutters your heart. And before you even realize it, it's too late to go back."

Seryosong sabi niya at dire diretsong naglakad paalis ng bahay.

Natahimik ang lahat sa sinabi niya. Pero nabasag lang 'yun nang biglang magsalita si Angelo.

"Parang ang lalim ng pinaghugutan nun ah. Ramdam niyo?" Tanong ni Angelo at tumango lang kami sa sinabi niya.

"Minsan na lang magsalita 'yun pero hugot pa ang sasabihin. Parang ikaw capt? Minsan lang magsalita pero hindi hugot ang lumalabas sa bibig mo." Sabi naman ni Chase. 

Her To-Do-Lists Before She Dies (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon