Season 1 |34|>>#PlayingWithHisPopsicle

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko na kailangan marinig mula sa kanya na naging tanga ako.

Naging tanga ako sa isang taong hindi ko man lang sigurado kung kahit katiting ay may nararamdaman pagmamahal sa akin.

Na naging tanga akos sa isang taong, kahit na matapos akong saktan at iwan.. Bumabalik at bumabalik pa din ako sa kanya.

"Leave Nico out of this! Wala siyang ginagawang kasalanan!"

"Walang kasalanan? Listen to yourself! You...you stupid child! Hindi pa ba sapat na binuntis ka niya?"

"Mom! Ilang beses ko bang sasabihin hindi ako buntis? That's all a lie! Glorie hates me! She lied to all of you!"

Kahit na yun ang lagi kong isinasagot sa mom ko, may ibang parte pa din dun ang hindi totoo.

"I don't believe you. I know may ginagawa kayo sa tuwing magbabakasyon siya dito. At nandidiri ako sa tuwing naiisip ko na nakikipag s--ex ang anak ko sa isang lalaking tatlong taon ang tanda sa kanya! Hindi ka ba nadala Isabella? Iniwan ka na niya two years ago! Inuuto ka lang niya!"

"Pero binalikan niya ako! At wala kaming ginagawa! We're not sleeping together mom!"

Lies. Some of it are pure bullsht.

"Don't be stupid! Binalikan ka lang niya for your body. You are so naïve my daughter. He doesn't love you. Ginagamit ka lang niya,"

"No...Nico...he...he loves me!"

"Stupid! I wish you are not my daughter. You are a disgrace to our family! Nakakadiri ka!"

Hindi na makayanan pati ng katawan ko ang lahat ng naririnig ko sa mama ko. Kusa na 'tong bumigay at sumalampak sa lapag ng kwarto ko.

Hindi ko alam kung kailan ako nag-umpisang humagulgol pero...ang sakit na...ang sakit-sakit na.

"Make sure, you'll abort that...that thing. I'll call your father this evening. Humanda ka. And don't even plan to go outside. You are grounded,"

Hindi ko napansin ang pagsarado ng pinto ng kwarto ko dahil sa sobra kong pag-iyak.

'I wish you are not my daughter,"

Puro ganyan lang ang nasa isip ko ng isa-isa kong inimpake ang gamit ko.

Kailangan kong umalis dito. Hindi ko na kaya... Hindi na ako makahinga.

Tutal naman hindi ako dito tanggap. Sasama na lang ako kay Nico sa America.

Mahal niya ako...kaya matatanggap niya ako...'di ba?

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto ko, pati ang pag-iyak ko ay pinigilan ko para lang walang makarinig. Malapit na sana ako sa gate ng may isang boses akong narinig,

"Tatakas ka?"

Hindi ko na kailangang lumingon pa para malaman na si Glorie ang nagsalita.

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang na tumakbo sa gate. Malapit na... konti na lang...

"Mom! Si Belle! She's running away! Mom!"

Mas binilisan ko ang pagtakbo ko... hindi nila ako pwedeng ikulong lang sa kwarto ...wala akong ginawang masama...

Tumakbo lang ako ng tumakbo hindi ako tumitingin kung saan. Ang mahalaga, makatakas ako. Ang mahalaga...makasama ko si Nico.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon