"You don't even know what you're being sorry for!" She Yelled. Muli niya akong hinampas that time, hinuli ko ang kamay niya and that was when I saw the blisters on her fingers. Pilit niyang binabawa iyon pero hindi ko binitiwan, I also took her left hand at tulad noong kanan niyang kamay ay may blisters rin iyon, tapos iyong hintuturo niya may hiwa ng kutsilyo.

Suddenly I felt like a jerk. Tiningnan ko si Danni, she was still crying and sobbing. I sighed.

"Gago ako." Sabi ko sa kanya. Lalo lang siyang umiyak.

"Nakakainis ka!" She kept on saying. I just sighed. Pilit ko siyang hinahatak patayo pero ayaw niyang sumama sa akin, so I ended up carrying her instead. Dinala ko siya sa kusina, inupo ko siya sa counter. Kumuha ako ng maligamgam na tubig at saka sabon.

"Anong gagawin mo?" She said, still sobbing. I winked at her.

"Trust me, I'm a doctor." Hindi naman siya nagsalita. Umingos lang siya. Kinuha ko ang kanang kamay niya at saka dahan-dahang binuhusan iyon ng maligamgam na tubig, tapos ay sinabon ko ang kanyang kamay, ganoon rin ang ginawa ko sa isa pa. After that, I gave attention to her wounded finger.

"Next time kung hindi ka marunong, wag ka nang gagawa. You might end up hurting yourself again." Sabi ko sa kanya.

"Inis pa rin ako sa'yo. Hindi mo na-appreciate ang effort ko!" Binawi niya ang kamay niya. I just sighed. "Bahala ka diyan. Basata ako kakain na doon." Bumaba siya sa kitchen counter at muling umupo sa may dining table. I just smiled. Nagpalinga-linga ako, I was looking for something and when I found it, I took it out, put it in a plate and joined her on the table.

"Kain." Sabi ko sa kanya. She gave me an evil look. Ngumiti lang ako. Muli siyang tumingin sa akin, this tima nakanganga na siya.

"What are you doing?!" She yelled.

"Eating." I answered.

"Pero sunog yan eh!" Sabi niya. Pilit niyang kinukuha ang plato ko. Yes, I am eating those burned eggs and bacons that she cooked earlier. I want her to see how much I appreciate her effort. Gusto ko ring patunayan sa sarili ko na hindi ako jerk. I ate her eggs and bacons because I want her to realize that her efforts aren't wasted.

"Edward! Baka magkasakit ka! Stop eating that!" Sabi pa niya.

"Luto mo, masarap." Sabi ko. I chewed on the bacon. She just looked at me. Mukhang awang-awa siya sa akin. Then to my surprise, bigla na lang siyang umiyak. Did I upset her again?

"Dandan?" I called her. She wiped her tears.

"Ang pathetic mo kamo! Kita mong sunog na iyan eh, dapat nga sa luto ko tinatapon na pero kinakain mo pa rin!"

"Pinaghirapan ito ng girlfriend ko, kakainin ko."

She wiped her tears. Umiiyak pa rin siya at hindi ko alam kung bakit.

"Nakakainis ka." She said while wiping her tears. Napailing na lang ako. I kept on eating the food she cooked and even though it is burned and it doesn't look so good – it is the best eggs and bacons I have ever tasted.

-------------------------

Edward was washing the dishes habang ako ay nakaupo lang doon at tinitingnan siya. Hindi ako makapaniwala na kinain niya pa rin iyong niluto ko. Burned eggs and burned bacons in the morning. I shook my head, di bale sana kung sunog lang ang luto ko, sunog na sunog kaya iyon as in iyong kaunti na lang abo na iyon but still he ate it and he even said that it tasted so good.

Hindi ko tuloy mapigilang maiyak. Naiyak ako kasi, I was very touched by his gesture. Walang lalaking gagawa ng ganoon – si Edward lang yata. Napangiti ako. Maybe that thing he did earlier was his way of making up to me – okay naman, nakakatuwa. I really felt good. Biglang nabura iyong inis ko sa kanya dahil sinabihan niya ako ng ganoon kanina.

Mr. So Wrong (Published)Where stories live. Discover now