"Huwag na huwag kang lalandi mamaya. Lagot ka sa akin pag nagkataon" sigaw nya.

Oh di ba? Pinag tinginan tuloy ako ng mga tao. Nakakainis talaga.

Isipin naman ng mga tao na masyado akong malandi.

Nasa kalagitnaan na naman ako ng pag mumuni muni ng may maramdaman akong may dumamping palad sa pisngi ko. Kilala ko na kung sino ang gagawa nito sa akin. Si Ella at wala nang iba.

Inirapan ko sya. Ang sakit ng sampal nya ah. Lagot to sa akin pag umayos pakiramdam ko.

"Sino ba iniisip mo dyan?" Tanong nya.

"Wala" sagot ko. Tumingin ako sa gawi ni Ms. Vien na nakaupo sa may sports committee kasama ang bwiset nyang boyfriend.

"Ah, sya ba? May puso ka ba? O sadyang butas yang dibdib mo at wala kang puso. Ang manhid mo eh" irap nya.

"Kung bubwisitin mo lang ako Ella ka, lumayas ka dyan sa harapan ko. At kung hindi ka aalis ako na lang." Bwiset na sabi ko sa kanya. Hindi nga sya umalis imbes, nag memake face pa sya.

Akala nya nakakatuwa. Ang sarap nyang isalvage, isama na pati yung gumagawa ng tribo ng langgam dun sa upuan ng sports committee. Ang sarap lagyan ng langgam ang upuan nila para lumayas na sila dun.

Dahil wala ako sa mood makipag lokohan, umalis nalang ako sa kinauupuan ko at nag punta sa mga kagrupo ko. Para naman may mapag kaabalahan ako. Hindi yung uupo ako dun habang pinapanood ang lambingan ng mag syotang nasa upuan ng mga sports committee at kikimkimin ang selos na namumuo sa katawan ko.

Maya maya pa dumating na yung choreo namin na akala mo araw araw ay Foundation day dahil sa puti ng mukha, ang kapal ng foundation.

**

Bawat galaw namin lagi akong natatapilok, o kaya naman nasisita ako ng choreo namin. Eh, ang sama ng pakiramdam ko pake ba!

Bakit pa kasi ako nag pumilit na mag punta dito sa practice kung ganito na rin naman ang pakiramdamam ko. Samahan mo pa ng isang taong laging nakatitig sayo, nakakahiya tuloy mag praktis.

"Panini, okay ka lang ba talaga?" Nag aalalang tanong sa akin ni Ella. "Oo, okay lang ako" sagot ko bago umupo sa mahabang bench.

"Mukhang hindi eh. Namumula ka" sagot nya. Sinalat nya yung leeg ko tapos nanlaki yung mata nya.

Bago pa nya ipagsigawan na may lagnat ako. Nag salita na agad ako.

"Subukan mo isigaw. May sampal ka sa akin" banta ko sa kanya. Ayan oh, nakakanganga na.

"May lagnat ka" bulong nya.

-.-

"Oo kaya, uuwi nalang ako. Dyan ka na. Babay" sabi ko at tumayo. Kinuha ko na ang aking bag.

Bahala na si Ella ang mag sabi sa choreo namin na aalis na ako. Ayaw ko lumapit dun, pano, kausap ng choreo namin si Ms. Vien.

"Practice na!" Rinig kong sigaw ng choreo namin.

"GWEN?! Saan ka ba pupunta ? Mag papraktis ka pa ba?!" sigaw na may halong katarayan ng choreo. Lumingon ako at nag diretso sa choreo namin. Pinatong ko sandali yung bag ko sa may gilid ng pader.

"Hindi po. Masama po pakiramdam ko eh" sagot ko sabay kuha ulit ng bag at nag lakad palayo.

"Ah ganon ba?" Sagot ng Choreo. Sinalat nya ang leeg ko. "Oh no. Mainit ka nga" bulong na sigaw nyang sabi. "Uuwi na lang po ako" magalang na paalam ko sa Choreo namin. "Sige ingat ka" sagot nya.

Alam kong nakatingin sa akin sina May at ganun din si Ms.Vien. Hindi nalang ako lumingon sa direksyon nila kasi, ang matapang na mukha ang mabubungaran ko.

"GWEN! Bumalik ka sa praktis!"- rinig kong sigaw ni Vien na dahilan para ikatahimik ng choreographer ganun din nina May.

"Gwen! Isa!" sigaw pa nya.

Tuloy tuloy ako naglakad. Laking gulat ko ng harangan ako ni Ms.
Vien.

"Sa finals nyo yun! Bakit ka ba alis ng alis?! Napaka dali lang naman ng sayaw" inis nyang sabi sa akin.

Nakatitig lang ako kay Vien.

"Bumalik ka don" sigaw pa nya Vien.

"Ayoko po" seryosong sagot kong sagot. Lalagpasan ko na sana sya ng hawakan nya ang kamay ko.

"Bakit ang init mo?" Bigla nyang tanong.

"Buhay ako eh." Sagot ko. Kaya nakatanggap ako ng malakas na hampas.

Ang sakit.

"May lagnat ka. Halika, may dala akong gamot sa bag." Nag aalala nyang sabi at saka ako hinila ni Ms. Vien papunta sa isang bench.

"Kumain ka na ba?" Tanong nya. Imbes na sumagot, nakatingin lang ako sa kanya. Sayang kung lalaki na sana ako, baka pwede  ko pa syang ligawan at masabing akin lang sya. Hays.

Habang kinakalkal nya yung bag niya nakaramdam siya na nakatitig ako sa kanya.

"Oh? Bakit?" Tanong nya.

"Ah..eh, w-wala po"

Sumulyap ako sa paparating na lalaki, si Paul. Papunta sya sa kinaroroonan namin. Ayaw kong makita na sa harapan ko pa sila mag lalambingan. Lalo akong masasaktan.

Ganito pala kapag inlab na inlab ka. Ang complicated. Lalo na sa teacher mo ka pa nainlove at same sex pa. Kung maaari nga lang sana, alisin ko na tong nararamdaman ko para sa kanya eh. Pero parang malabong mangyari yun. Ang lalim na.

"Uhm, M-Ms. Vien. Okay naman po ako eh. Aliby ko lang na masama ang pakiramdam ko para makauwi na ako" pag sisinungaling ko. Tiningnan nya ako like 'Pinag sasabi mo'.

"Okay naman po ako. Sige po, papraktis na lang ako" sabi ko bago tumayo. Pero hinawakan nya yung kamay ko.

"Ang init mo, Gwen. Baka kung mapaano ka. Dito ka lang, ibibili kita ng makakain mo. Tapos, iinom ka ng gamot" worried na sabi nya.

Binawi ko yung kamay ko. At nag smile nang pilit.

"Kumain na po ako. Sige po, bye." Mabilis kong sabi. Andyan na kasi yung boyfriend nya. Ayaw ko silang makita na maglambingan.

Kasi yung pinapakita ni Ms. Vien na kasweetan sa boyfriend nya ay totoo. Eh yung sa akin, trip lang at alam kong trip lang talaga yun. Kaya nga pilit na umiiwas na ako.

Nag punta ako sa nag sasayaw na kagrupo ko. Nag tatakang tumingin sa akin yung choreo at mga classmate ko. Ngumiti lang ako sa kanila na pinapahiwatig, ituloy lang yung sayaw.

Ramdam ko yung mga paningin ko, nagiging dilaw. Ramdam ko din na alalang alalang nakatingin sa akin si Ms. Vien.

Kulay yellow na yung nakikita ko. Parang lahat lahat ng tingnan ko naninilaw. Nabibingi na din ang pandinig ko. Wala akong marinig. Wala ni isa akong maaninag. Nanlalamig ang buo kong katawan.

Gusto kong tawagin si Ella, pero walang lumalabas sa bibig ko. Hanggang sa unti-unti akong bumabagsak na para bang hindi ko mararamdaman ang pagbagsak ko sa malamig na semento.

CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)Where stories live. Discover now