Chapter 1

15 0 0
                                        

Unit 302

Dala ko ang isang maleta, tote bag, isang order ng chicken, Totoro plushie at ang backpack nang kumatok ako sa Unit na sinabi ni Trina.

Dalawang katok ay bumukas na ang pinto ngunit imbes na si Trina ang lumabas, isang lalaking halos kasing taas ng pinto, nakatopless,at nakasuot ng pink na apron ang sumalubong sa akin.

Sino ba 'to? I think I saw him somewhere.

Kala ko ba si Trina lang nakatira dito

"Hi" bungad ko.

Ilang segundo pa bago siya sumagot sakin. Tulala yarn.

"Yow"

"Is Trina living here?" medyo naiinip na tanong ko. Patingin-tingin din ako sa cp ko kasi baka mali lang ako ng unit na pinuntahan.

"H-hindi siya dito nakatira"

Wtf!
"Really?" Tangina.

"But, this is Unit 302 right?"

"Englishera." Mahinang sabi niya pero hindi nakaligtas sa pandinig ko.

Tumingin ako sa conversation namin ni Trina at nag backread para hanapin ang exact address.

"San Fernando Residences, Amorsolo Building , Unit 302, Tama diba?"

Tumingin ulit ako sa kanya, tumango siya.

Nakakadistract biceps.

'Nyeta wala na kong tutulugan, katawan padin tinitingnan.

Napabuntong hininga na lang ako. Sinubukan kong tawagan si Trina pero out of coverage area ang phone niya.

Trina!

"Gusto mo pumasok muna?" Napalingon ako sa kanya.

"Can I, I-mean pwede ba?" still trying to message Trina sa lahat ng messaging App na connected ako sa kanya.
Bala na pagchinopchop ako nito alam ni Trina kung saang Unit ako hahanapin.

"Tara" kinuha niya din yung dala kong maleta, pati totebag. Nagpasalamat naman ako.

Pagpasok ko sa loob amoy ng bawang, at sibuyas ang una kong naamoy.

Nagutom ako bigla.

Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng bahay. Ang linis.

Katapat ng sala ang kusina.
Sa kusina ay mayroong maliit na lamesa at apat na upuan. Maayos ang pagkakalagay ng mga baso.

"Upo ka muna" Inilagay niya ang maleta ko malapit sa double sitting couch.

"Thank you" sabi ko sa kanya, siya naman ay papunta na ulit sa kusina. Pinatay niya pa yata niluluto niya para ientertain ako.

Kumuha siya ng bottled water sa ref at binigay sakin.

"Hindi pa yan bukas" turo niya sa tubig.
Napangiti naman ako.

"Salamat"
Kanina padin ako nauuhaw.

I kept calling Trina pero hindi talaga siya sumasagot.

Abala na siya sa pagluluto ngunit paminsan-minsan ay tinatapunan ko siya ng tingin.

" Eli"
Tuluyan ako napatingin sa kanya.

"Huh?" naguguluhang sagot ko.

"Ako si Eli"
Ah, nagpapakilala pala. Iksi naman ng pangalan niya. Nickname basis agad.

"Eli lang?" sabi ko habang abala siya sa paghahalo ng kung ano mang niluluto niya.

"Ikaw ba, pag nagpapakilala buong Birth Certificate?" nakita ko ang nakakainis na ngiti sa mukha niya.

Tss. I just rolled my eyes. Napatawa naman siya.

"Amethyst" pakilala ko. Tumango tango naman siya.

After that hindi na muna kami nagusap. I keep on calling Trina's number pero di talaga sumasagot.

Of all the times Trina, jusko.
I'm tapping my feet fast because of frustration.

"mamaya na yan kain muna tayo" alok ni Eli, habang hinahainan niya ng pagkain ang lamesa. nakasuot nadin siya ng T-shirt.

Nakakahiya. First meet nakikain.

"pwede?" nahihiyang sabi ko.
Ngumiti naman siya. Cute

"may dala akong ulam" itinaas ko sa kanya yung paper bag na dala ko.

"Tara na" Pumunta siya sa ref para kumuha ng tubig ako naman ay pumunta na sa dining table.

Sa lamesa nakahain ang bagong lutong sinaing, bicol Express at Longganisa.
Binigay ko sa kanya yung roasted chicken na nabili ko kanina.

"Kumakain ka ng bicol Express?"
Umiling naman ako, inabot niya sakin yung basong sinalinan niya ng tubig.

"salamat"
naupo na rin siya.
"sayang masarap pa naman ako magluto" sabi niya habang tumatawa.

yabang ah.
"allergic ako sa seafoods, except sa isda"

Nagsimula na kaming kumain.

"Talaga?"
"Ang lungkot naman ng buhay mo?"
napaubo ako sa sinabi niya. Wow ha.

Inabutan niya ko ng tissue na tinanggap ko naman.

"Ikaw nga naguulam ng longganisa sa tanghalian" napatawa naman siya.

Nagpatuloy kami sa pagkain. paminsan minsan nahuhuli ko siyang tumitingin sakin. Kainis.

Buti na lang gwapo, hindi ganun kacreepy.

The Double standards.

Patapos na kami kumain ng biglang magring ang phone niya na naiwan niya malapit sa sink, ganun na lang ang gulat ko ng makita ang pangalan ni Trina dun.

Wtf?
"si Trina ba yan?"
tanong ko sa kanya, para naman siyang nataranta sa tanong ko.

Kukunin ko na sana yung phone niya kaso mas mabilis siya sakin kaya agad niyang napatay ang tawag.

"Kala ko ba walang Trinang nakatira dito?"
Tumayo na ko at pumunta sa mga gamit ko.
"Pinagtitripan mo ba ko?" Balik ko sa kanya.
"Hindi, ano kasi, Tangina pano ba?"

"nasan ba si Trina?, ano mo ba siya?"

Putangina pa'no kung boyfriend niya 'to.

Napasapo ako sa noo ko.

Bwesit nakakahiya sa kanya nagwapuhan ako sa boyfriend niya.

Kinuha ko na ang mga gamit ko.
Bahala na kung saan ako matulog, letche wala akong kakilala dito.
Kesa naman sa boyfriend ako ni Trina magstay ei wala siya dito.
It's not appropriate.

"Thank you sa food, Alis na ko."

Nagmamadaling sabi ko . Hila hila ko ang maleta ng harangin niya ako sa pinto.

Ahh, tangina.

"'Wag ka umalis, papatayin ako ni Trina pag umalis ka"

What?
Nakakunot ang kilay kong tumingin sa kanya. Bawal magmaldita 'di pa natin to kilala.

" Si Trina, wala siya dito. hindi talaga siya dito nakatira"

Okay.

"Ganito kasi, pano ba-" napahawak na siya sa batok niya napansin ko din ang pamumula ng tenga niya.

What's with the suspense? Don't tell me.

"Ako ang roommate mo"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Somewhere Along The CrowdStories to obsess over. Discover now