"Wala akong tutulugan dito." sagot ko.

May sofa namandito sa kwarto niya pero maliit lang, mahirap matulog.

"Tabi tayo, ang luwag sa kama ko eh." sagot niya.

Ayoko nga.

"J, hindi na. Kaya nga 'dun kami sa kwarto ko, para makapagpahinga ka ng ayos." napakamot siya sa ulo niya na para bang naiinis.

"Iiwan niyo ako? Si Jordan kasama tapos ako hindi. Ang daya niyo." inis na sabi niya.

Grabe. Pati ba naman 'yun big deal sa kanya?! Napaka nito.

"Daniel ha. Magpaka-mature ka naman. Hindi naman kami aalis ni Jordan. Doon lang kami sa kabilang kwarto. Pati ba naman 'yung bata pagse-selosan mo?" sita ko sa kanya.

Humalukipkip siya kama niya at nakasimangot na humarap sa laptop niya. Pumunta naman ako kay Baby, dahan-dahan kong iniangat para hindi magising.

"Matulog ka na pagkatapos mo." sabi ko sa kanya at lumabas na ng kwarto.

Nagulat na lang ako nang makita ko siyang nakasunod sa akin. Hindi ko na lang muna siya pinansin hanggang sa maibaba ko sa kama si Jordan.

Humarap ako sa kanya.

"DJ, matutulog na kami." sabi ko sa kanya.

Hinila niya ako papalapit sa kanya.

"Sorry." bumuntong hininga siya. "Gusto ko lang naman lagi kayong kasama. Sorry, kung minsan sumo-sobra ako sa pagka-tigas ng ulo ko." seryosong sabi niya.

"Anong minsan? Palagi nga eh." sarkastikong sabi ko sa kanya.

"Sorry." paawa niya sa akin. Umiwas ako ng tingin at pinigilang matawa.

"Ok lang basta bawasan po ha? Tulog ka na din. Kailangan mong magpahinga para makapasok ka na bukas." sabi ko.

Lumapit siya kay Jordan at hinalikan sa noo, ganoon din sa akin. May kasama pa ngang yakap eh. Para-paraan.

"Good Night. Thanks for taking care of me. I love you." I love you too.

Humiwalay sa pagkakayakap sa akin at lumabas na ng pinto.

February 1

Nagising ako dahil sa ugong ng sasakyan. Kay Daniel ata 'yun.

Agad akong tumayo at sumilip sa bintana. Tama nga, kay Daniel John ngang sasakyan.

Bakit naman ata ang aga niya?

Napa-tingin ako sa wall clock ko, ala sais na!! Ako pala ang tinanghali ng gising. Tsk. Kumain pa kaya 'yun?

Pumunta ako sa CR para mag-freshen up saka ako lumapit kay Jordan para ilipat sa crib. Baka mahulog sa kama ko eh. Delikado.

Biglang tumunog ang cellphone ko, nag-text si DJ.

From: DJ

Good Morning Love!! Umalis na ako, hindi na nakapag-paalam sa'yo. Tulog ka po eh, napagod ka siguro sa pag-aalaga sa akin kahapon. Nakapagluto na din ako, kain ka na. Ingat kayo ni Baby. I love you.

Naka-ngiti akong pumasok sa kwarto ni Daniel. Sweet niya ah.

Natutulog pa ang bata ko kaya bumaba muna ako para kumain. Pagdating ko sa kusina ay nakita kong may nakahain na.

Lalo akong napa-ngiti nang may nakita akong isang stem ng peach rose.

Loko talaga,napaka daming pakulo.

Naisipan kong i-text.

To: DJ

Thank you. :*

Umakyat ako sa kwarto dahil naririnig ko na ang Baby ko na tinatawag ako.

"Hello." bati konsa kanya. Agad ko namna siyang binuhat at hinalikan sa pisngi. "Good Morning. Gusto mo nang kumain ha? Tara sa baba tayo."

Kapag napapatitig ako kay Jordan, lalo akong kinikilig kay Daniel John.

Inilagay ko siya sa high chair saka ako gumawa ng breakfast ni Baby. Nakita ko siyang nakatingin sa rose at pilit na inaabot.

"Bigay 'yan ni Daddy mo. Sana ganito siya araw-araw. Dapat ikaw din kapag binata ka na, you should treat your girl like a queen. You should respect her, love her. Kasi ang mga girls dapat itinuturing siyang special. Pero 'wag muna ngayon kasi magseselos si Mommy." kwento ko sa kanya, habang nag-sasalita ako nakatingin lang siya sa akin. Hahaha. Parang maiintindihan naman niya 'yung dinadada ko.

Daniel's Point of View

Madali ako sa paglalakad papunta sa office ni Papa. May sasabihin daw siya sa akin at mukang mahalagang mahalaga. Kaya nga ako nagising ng maaga dahil sa tawag ni Papa.

Sinalubong ako ng sekretarya niya at agad akong pinapasok.

Kinakabahan tuloy ako.

"Pa." sabi ko nang makapasok ako.

Muka siyang stress na stress siya habang naka-harap sa laptop.

Pina-upo niya ako sa couch at siya naman sa may harap ko.

"Hindi ko alam kung bakit biglang bumaba ang sales natin nitong nakaraang dalawang buwan. Naapektuhan ang branch natin sa Italy." napalunok ako sa mga sinasabi ni Papa. "Kung hindi maayos sa loob ng isang buwan." tumigil siya saglit at tinitigan ako. "Kailangan kitang ipadala doon para ikaw ang mag-ayos." napa-tuwid ang likod ko sa sinabi niya.

"Hindi naman po magtatagal ng taon diba?" kinabahan kong tanong.

Umiling siya.

"Depende anak. Kailangang masigurado nating hindi malulugi iyon." patay.

"Hindi po pwede si Kuya RJ na lang? Papa may anak ako." si Kuya ang hahawak ng kompanya kapag nag-retire na si Papa.

Hindi lang si Jordan ang inaalala ko. Si Kathryn din. Hindi ko sila kayang iwan ng ganoon lang.

"Si RJ na ang pupunta sa iba't ibang bansa para makipag-meet sa iba pang chocolate company. Kaya ikaw ang inaasahan ko ngayon." sagot niya. Sa katunayan nasa US siya. Baka sa March pa siya umuwi.

Matapos naming mag-usap ni Papa ay kinabahan ako. Nakatulala pa akong lumabas ng opisina ni Papa. Paano si Jordan? Ang Mahal ko?

Pero libo-libong tao at pamilya ang nakasalalay dito. Kapag bumagsak ang kompanya, hindi lang ako ang mawawalan ng trabaho. Mawawalan din sila ang trabaho.

Biglang umilaw ang cellphone ko, nakita ko ang wallpaper ko. Kaming tatlo nila Kath. Ito 'yung picture namin 'nung nagpa-Tagaytay kami. Ito ang first Family out of town namin. Sana hindi din ito ang huli.

Iniisip ko pa lang na malalayo ako sa mag-ina ko.

Hindi ko na kaya.

-------

VOTES, COMMENTS and being a FAN is highly appreciated.

❤Alyssaxx

©2015

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Where stories live. Discover now