1 CHELSEA: The Brokenhearted Brat

307 35 172
                                    

The Brokenhearted Brat

Masungit man ang panahon ay tila napakataas ng sikat ng araw nang umagang iyon sa mansyon. Paano kasi, pagkagising na pagkagising pa lang ay naka-plaster na ang ngiti sa mukha ni Chelsea -- ang super duper moody na unica hija ng mga Montico. Bahagya pang nagsu-sway ito sa paglakad patungo sa kusina.

"Good morning, Miss Chelsea," bati ng kusinero na si Tatay Gimo.

Isa-isang tiningnan ni Chelsea ang mga nasa hapag. Seafood Kare-kare. Chicken Adobo. Mushroom Soup.

"Gaya ng bilin n'yo, inihanda ko ang mga paborito ni Sir Marcus."

"Perfect!" sagot ni Chelsea. Mahina pa siyang pumalakpak at naka-chin up.

"Masaya ako para sa iyo, Miss Chelsea. Alam ko kasing miss na miss mo na si Councilor. 'Wag ka kasi masyadong matampuhin. Alam naman natin na busy lang talaga ang mga public servant na tulad ni Sir Marcus."

"'Tay Gimo, tsismoso rin pala kayo, ano?"

Natawang napapakamot-ulo ang matandang kusinero. "Sabi ko nga, tatahimik na ako." Sabay hinarap na nito ang pagliligpit ng mga pinaglutuan.

Humila ng bangko si Chelsea at naupo sa harap ng hapag habang nagmumuni-muni. Inaamin niya, noong una madalas siyang magtampo sa kasintahan. Palibhasa kasi public servant kaya halos wala na itong panahon para sa kaniya. Gano'n man, para kay Chelsea "rainbow" sa buhay niya si Marcus. Madalang man sumulpot, pero kapag nandiyan na, alam niyang humupa na rin ang mala-bagyong ngitngit ng kaniyang damdamin. Nalulusaw ang galit niya dahil ibinabalik ng presensya nito ang kulay sa buhay niya.

"Chelsea, nandito na si Councilor," sabi ng malusog nilang mayordoma na si Nanay Belen.

"Yes, 'Nay Belen. Susunod na 'ko," excited niyang sagot, at may ilang sandali muna niyang sinuri ang sarili sa wall-sized mirror ng kusina, saka tinungo ang living area ng mansyon.

"Honey!"

"Chelsea," tila nagulat na bati ni Marcus pagkakita sa kaniya. Hindi mawari kung nakangiti ba ito o nakangiwi.

Sinalubong niya ito ng yakap. "Honey, I'm so happy. Thank you for coming."

Kumalas si Marcus sa kaniya. "Chelsea, nagpunta ako dahil gusto sana kitang... makausap nang personal tungkol sa mga balitang kumakalat."

Dati-rati, kumikinang ang mga mata nito kapag nagkikita sila. Pero ngayon, malamya ang mga iyon at hindi makatingin nang tuwid sa kaniya.

"Balitang kumakalat? Anong balita?" sandaling nag-isip si Chelsea. "Ah, 'yun ba?" Nangiti siya nang mawari niya ang tinutukoy nito. "There's nothing to worry about, Marcus. Hindi ako naniniwala sa mga tsismis tungkol sa inyo ni Jellaine Mendral, uhm, Mendez..."

"Mendoza," pagtatama ni Marcus.

"Whatever." Umikot pa ang eyeballs niya. "I understand you completely. You're a politician and she's the country's hottest celebrity. Makita lang ng press na may kausap na bachelor si Jellaine, gagawan at gagawan siya ng balita. Doon sila kumikita, of course. Sa balitang puro kasinungalingan."

Umiling-iling si Marcus. "No, Chelsea, you don't understand."

Nawala ang matamis na ngiti sa mga labi ni Chelsea. "Hey. What do you mean to say?" kunot-noo niyang tanong. Napasinghap si Chelsea nang pumasok sa isipan niya ang isang hinala. "Don't tell me... you and Jellaine--?"

"I'm sorry, Chelsea..." Akma sana siyang hahawakan ni Marcus ngunit agad siyang umiwas. Sunod-sunod ang kaniyang pag-iling. Maraming katanungan ang pumasok sa utak niya ngunit kahit isa ay wala siyang maisatinig sa mga iyon.

"Let me explain--"

"Yes," maagap niyang sagot sa sasabihin pa ni Marcus. "I'm willing to listen." Totoong gusto niyang marinig ang mga paliwanag ni Marcus. At sa kaibuturan ng kaniyang puso ay handa siyang patawarin ito.

Humugot ng malalim na paghinga si Marcus at may ilang sandali bago ito muling nagsalita. "You know me, Chelsea." Pilit ang mga ngiti nito na tila tuliro ang isipan. "I'm a man full of ambitions. I will do everything to fulfill my dreams and to be successful. You know that, right?"

Halos sabay pa silang tumango nito.

"You're very supportive ever since--I'm so lucky to have you..." Kinuha pa nito ang kaniyang kamay at maingat na hinawakan. "But so sad to say, it's not enough." Sinalubong nito ang mga tingin niya, hawak pa rin ang kaniyang kamay. "Chelsea, you do love me, but it's not enough to turn my greatest dream into reality. I've just realized I need Jellaine. I need her fame. I... I'm sorry, but you have to let me go."

"Hey, wait. Anong sinasabi mo? I love you, Marcus. You can't leave me like this."

"I'm sorry, Chelsea. If you really love me, you'll set me free."

Bumagsak ang kanina pa'y nagbabantang mga luha ni Chelsea. Pakiramdam niya sinaksak siya nang maraming beses. Nanginginig ang buo niyang katawan. Hawak pa rin ni Marcus ang kanang kamay niya. Wala iyong lakas para bawiin sa pagkakahawak nito. Ngunit ang kaliwang kamay niya na tila may sariling pag-iisip ay kusang umangat para gawaran ng malutong na sampal ang kaharap.

_______________________________________

A/N: Oops! Ano kaya ang mas masakit? Yung paglagapak ng palad ni Chelsea sa pisngi ni Marcus, o 'yung suntok sa puso ng nabigong pag-ibig?

Kaway-kaway nga pala sa idol kong ka-namesake ni Jellaine!

Up next, meet Kenjy...

Chelsea's Ghostwriter (Published by Bookware) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora