Chapter 10

211K 8.3K 3.1K
                                    

Dedicated to all the feels in the world.

Chapter 10

Sobrang pagod ang naramdaman ko nung makabalik na kami sa lodging house na tinutuluyan namin pagkatapos naming gumala sa Sagada. Umikot kami sa town ng Sagada at saka kami pumunta sa Sumaguing Cave. Masarap, maganda at nakakaenjoy pero nakakapagod and I am dying to immerse myself in a hot tub or hot shower para kahit papaano ma relax ang muscles ko. Pero dahil walang hot tub, sa shower na lang ako.

Pagkatapos kong magshower tsaka ko na relaize na hindi ko dala ang mga isusuot ko sa loob ng banyo. I've decided na magtapis na lang ng tuwalya at lumabas. Wala naman kaso kay Lexie dahil babae naman siya sa isip, sa puso at sa gawa.

Paglabas ko ng banyo, nag aayos si Lexie ng mga gamit niya sa closet. Color coded. Magkatabi ang mga magkakakulay na shirt at ang ayos ng pagkakatupi ng mga pants. May floppy sandals pa siya. Lumapit ako sa kanya kasi nasa loob din ng closet ang bag ko pero yun nga lang hindi pa nakaayos. I felt him flinched when our arms touched.

"Aba! Napakasinop mo naman bakla." Sabi ko nung makalapit na ako sabay abot ng bag ko sa loob ng closet at nilapag sa taas ng kama. Naghagilap ako ng panty ko.

"Okay na sana ang accommodation natin bakla kaso ang hot shower, hindi mo alam kung ano ang trip. Minsan lalamig, minsan iinit. Parang baklang menopausal." Tumawa ako habang sinusuot ang panty ko. Kinuha ko ang lotion ko at umupo sa kama ko at humarap kay Lexie. Nakaharap pa din siya sa nakabukas na closet. Grabe namang pag aayos yan. Nag aayos na siya kanina ng damit nung pumasok ako sa banyo, hangga't nakatapos na ako, nag aayos pa din siya?

Ipinatong ko ang legs ko sa upuan and started squeezing lotion on my hand and spread it on my legs.

"Bakla ano ba ang ginagawa mo dyan at wala atang katapusan ang pag aayos mo?" Hindi siya nagsalita. Ni hindi siya gumagalaw.

"Oi, anong nangyayari sayo at di ka na gumagalaw dyan? Na stroke ka na?" Natatawang sabi ko habang panay ang pahid ng lotion sa legs ko hanggang sa singit ko.

"Bakla! Galaw---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagmadaling pumasok sa banyo. He didn't even glance at me. Natatae na siguro o naiihi. Ah ewan ko sa baklang yun. Minsan ang hirap intindihin.

I was already lying on the bed on my pajama when Lexie went out of the bathroom. I was reading the paperback I've brought. Napatingin ako sa kanya at sa porma niya. Nakashirt, pajama at naka bathrobe. Ang arte talaga ng bakla. Hindi ko tuloy mapigilan ang pagtaas ng kilay ko.

"Tagal mo sa banyo bakla. Ano ang ginawa mo, sinipsip lahat ng tubig?" Tumawa ako ulit pero siya hindi ako pinansin at dumiretso sa kabilang kama.

"Bakla, ano ang naisipan mo at nanlibre ka? May sakit ka ba? Hala bakla! Di kaya...di kaya...may AIDS ka tapos mamamatay ka na kaya naisipan mo na bago mangyari yun, ililibre mo muna kami! Hala! Isosponsor ko ang barong mo. Teka gown ba ang gusto mo..." A pillow hit my face. Medyo masakit mehn.

"Tumahimik ka nga. Ang ingay mo. Hindi ba pwedeng manlibre ako paminsan minsan?"

"Ang weird lang kasi. Pero sure ka na wala kang AIDS?" Umupo na ako sa kama at humarap sa kanya. Inaayos niya ang bed covers at ang kumot. Hala! Ang OC! Hihigaan lang din naman, kailangan pa bang walang kunot?

"Wala!" Irita na sabi niya.

"HIV?"

"Shut up! Matulog ka na kesa mag ingay ka. Maaga pa tayo bukas." Nauna na siyang humiga kaya wala na din akong nagawa kundi ang humiga. Sana pala kasama ko na lang either sina Chelsea or Barbie kasi panigurado, chika mode pa kami at this time.

The Gay Who Stole My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon