***

"Ma'am, paano ba mawala ang double chin?" Tanong ko sa kanya. May double chin kasi sya at napansin ko yon noong napatingin ako sa kanya.  Nahalata ko yung gulat o inis sa mukha nya kahit hindi nya talaga gustong ipakita sakin.


"Ang dami mong pwedeng pagtanungan, ako pa!"  Ngumiti sya na halata namang pilit tapos tumakbo paalis ng pantry. 


***

"After that Ma'am, nalaman ko na lang na nainis pala talaga sya sakin. Kwinento pala nya dun sa mga kaibigan nya na grabe daw yung bagong sales. Edi ako naman parang nahiya ako bigla tsaka na badshot. Kebago bago ko eh may nainis na sakin. Kaya yon, bumawi ako sa kanya. Lagi ko na syang kinukulit sa tuwing may hihiramin ako sa kanya. Napapatawa ko naman sya dahil don. Pero that time, wala pa akong gusto sa kanya. Friends lang ganon." 

Napatingin ako kay Ma'am R. Sa monitor ng desktop nya sya nakafocus, parang may ginawa na syang office related pero she's nodding while listening to my story.  


Nagkwento ako nang nagkwento tungkol samin ni Jeng. Yung mga simpleng kulitan namin na wala talagang malisya nung mga panahon na yon. Mga asaran moments, yung mga pang babara nya sa mga sinasabi ko tsaka yung unang beses na napikon ako sa kanya. Sa totoo lang ilang beses akong napikon dahil sa mga pang aasar nya sakin, ilang beses akong nagtimpi sa mga pang bu-bully nya sakin. Hindi naman sa sinasabi kong bully sya, sadyang mapang asar lang talaga sya at insensitive kung minsan!


***


"Alam mo may sasabihin ako sayo. Wag kang ma-ooffend ah." sabi nya sakin. Nasa mall kami, pauwi. 

"Oh, sige ano yon?" Tanong ko. Medyo kinabahan pa ako noon kasi out of no where biglang may sasabihin ka sakin at hindi pa naman kami ganon ka close nun.

"Para kang bonjing. Kasi yung pormahan mo, yung lakad mo, tapos yung bimpo mo laging nakalitaw sa damit mo." Habang sinasabi mo sakin yon parang gusto kong manapak. Aba! Grabe naman 'tong babae na to kung makapanglait sakin ah. Close ba tayo, 'teh?

Tumawa pa sya ng malakas na mas kinaasar ko.

"Wag kang mapipikon ah" Sabi mo habang humahalakhak ka. Kaso napikon na ko eh, hindi ko lang pinahalata.

"Ahh, ganon ba? 'de ganito lang talaga ako pumorma. Dito kasi ako komportable eh. Simple lang." Ngumiti ako sa kanya ng pilit.   


*** 


"Ang sensitive mo naman. Sinabihan ka lang na mukha kang bonjing gusto mo na manapak ng babae. " Natatawang sabi sakin ni Ma'am R. 


"Hindi Ma'am ah. Sobra talaga sya mang asar. Kung mang asar sya yung mapipikon ka talaga. Kung ikwe-kwento ko lahat pang aasar nya sakin baka hindi na tayo makauwi. Tsaka Ma'am, aminado naman sya don eh. Sinabi nya pa sakin na minsan may pagka insensitive sya pagdating sa pang aalaska."  


"Okay, sabi mo eh. Oh tapos?" Nagmamadali na yata si Ma'am. 


"Then one time, sobrang lungkot ko. Namatay kasi yung lola ko tapos nasabay pa na medyo badshot na ko sa trabaho, yung tipong gusto ko na lang mag resign. Sobrang nade-depress na talaga ako non, Ma'am. Tapos biglang may nagtext sakin, number lang."  

One ShotsWhere stories live. Discover now