Prologue

27 11 5
                                        

Ang nakaraan ay parang alon.

Akala mo'y humupa na, ngunit babalik at babalik din ito upang ipaalala ang mga bagay na matagal mo nang sinusubukang kalimutan.

Sa buong buhay ko, there has only been one person I loved.

At siya rin ang taong pinakamasakit kong iniwan.

Khairo Lucian Ponciano.

Kahit dalawang taon na ang lumipas, hindi pa rin makalimutan ng puso ko ang pangalan niya. All the memories we spent together growing up were still so vivid in my mind. Sobrang hirap niya kalimutan. At kahit ako, hindi rin sigurado kung nais ko ba siyang tuluyan kalimutan.

We loved each other so deeply and fiercely. I was drawn to him like a moth to a flame, and that's how he was to me too. But when we get too close to the fire, we burn and hurt ourselves. And that's exactly what happened to us. Loving him made me feel alive, made me reckless and free, but as time went on, it started to feel suffocating.

We were young, stupid, and didn't really know how to love each other in a healthy way. At dahil doon, nasaktan namin ang isa't-isa.

Bumuntong-hininga ako nang maalala ang araw kung kailan tinapos ko ang relasyon naming dalawa.

Maliwanag ang sikat ng araw nang maglakad ako papunta sa bahay niya. Sa bawat hakbang, paulit-ulit kong inuusal sa isip ang mga salitang matagal ko nang gustong sabihin. Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko, at kahit paulit-ulit kong ikinukumbinsi ang sarili kong handa na ako, hindi pa rin mawala ang pag-aalinlangan na bumabalot sa bawat hakbang ko.

Sinubukan kong maniwala na kaya pa naming ayusin ang lahat. Pero alam kong nagsisinungaling lang ako sa sarili ko. Mahal man namin ang isa't-isa, hindi ito sapat kung unti-unti kaming nasasaktan. At kung magpapatuloy pa kami, baka dumating ang araw na wala nang matira sa amin kundi mga sugat na kami rin ang may gawa.

Nang sabihin ko sa kaniya na gusto kong makipag-hiwalay, para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Soleia, please... mahal na mahal kita, alam mo naman 'yon diba?" tanong niya habang unti-unting lumalapit sa akin.

Iniangat ko ang tingin ko para salubungin ang mga mata niya. "Alam ko, Khairo. Mahal mo ako at mahal rin kita. But can't you see? We're hurting each other!"

"We can fix it!" matalim niyang sagot. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang sakit at alam kong pinipigilan niyang makatakas ang kaniyang mga luha. "Soleia, kung ano man ang mga problema sa relasyon natin, kaya naman natin ayusin 'yan! Hindi natin kailangang maghiwalay!"

I let out a sigh of disbelief. "Ilang beses na natin sinubukang ayusin, Khairo. Pero may nangyari ba? Wala! Lagi nalang tayong nauuwi sa away!"

Bigla siyang lumuhod sa harap ko at mahigpit na yumakap sa mga binti ko, na para bang iyon lang ang paraan para pigilan akong umalis. "Please, Soleia..."

Mas humigpit ang yakap niya sa mga binti ko nang muli siyang magsalita. "I've loved you since I was nine years old. I don't think I can ever erase my love for you. Kaya kong magbago if that's what you need. I'll do anything for you, I'll be whatever you need me to be."

Napalunok ako sa pagbago ng tinig ng boses niya, parang bigla siyang nawalan ng lakas at ang kaya niya nalang gawin ay magmakaawa. Gusto ko siyang hilain patayo at yakapin. Gustong-gusto kong sabihin sa kaniya na mahal ko siya at hindi ko talaga siya kayang iwan. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Dahil alam ko na kung pilitin pa naming ipagpatuloy 'to ay pareho lang naming masasaktan ang isa't-isa.

Nang hindi ako magsalita, iniangat niya ang tingin niya sa akin. Namumula na ang kaniyang mga mata at ramdam ko rin ang panginginig ng kaniyang mga kamay. "B-Bakit hindi ka nagsasalita? Hindi mo na ba ako mahal?"

Pinigilan ko ang sarili kong maluha sa tono ng boses niya. "Mahal na mahal kita, Khairo. Pero pagod na pagod na akong mahalin ka."

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas na talikuran siya at maglakad paalis, but I remember crying in bed for the rest of the day until I ran out of tears.

Pagkatapos ng aming paghihiwalay, hindi ko na napansin ang paglipas ng mga araw. I was like a robot going through the days without the boy who used to make my heart flutter. Namalayan ko nalang na magko-kolehiyo na ako kaya umalis ako ng probinsya at nagtungo sa Manila kung saan nagtatrabaho ang Nanay ko.

Ngayon, dalawang taon na ang lumipas mula ng umalis ako sa probinsya kung saan ako lumaki at inalagaan ni Lola. There were a lot of moments where I remembered him and wondered how he was doing. Nawalan ako ng contact sa kaniya pati na rin ang mga kaibigan ko roon dahil nag deactivate ako ng account at gumawa ng bago pagdating dito sa Manila.

I thought about them more than I cared to admit. Not just Khairo, but my friends whom I left behind too. Minsan nagi-guilty ako dahil umalis ako na hindi man lang nagpapaalam sa kanila. I basically ghosted everyone I knew there.

Akala ko ay tapos na ang storya namin ni Khairo, akala ko ay hindi ko na ulit masusulayan ang kaniyang mukha. Pero mukhang may plano ang tadhana na muling pagtagpuin ang aming landas.

"We'll be going back to Sorsogon this summer, 'nak." Saad ni Mama habang kumakain kami ng hapunan.

Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. "H-Ha?! Babalik tayo sa Sorsogon?"

Tumango siya. "This summer, yes. Your lola's getting old, she wants to see us again."

Para akong nanlumo sa narinig. "P-Pwede ba na hindi ako sumama?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Mama, halatang hindi siya natuwa sa sinabi ko. "Soleia! Do you hear yourself? Your lola took care of you when you were six years old until you turned eighteen and now you're telling me that you don't want to see her?!"

Napalunok ako sa kaniyang mga salita. It's not that I don't want to see lola. Of course, I love her so much and I'm so grateful that she took care of me. The one I don't want to see is... him.

Walang nakakaalam na nagkaroon kami ng relasyon ni Khairo. Not Lola, not his parents, not even our friends. All they knew was that his family was my lola's neighbor and I grew up very close with him to the point of being inseparable.

Nang mapansin ni mama ang pananahimik ko, muli siyang nagsalita. "We're leaving next week and we're staying there the entire summer. So make sure to bring all your necessities."

Bumuntong-hininga ako pero hindi na nakipagtalo pa. "Okay, Ma..."

This is going to be one long summer.

Waves Of Our Past | BHS #1Stories to obsess over. Discover now