II Part - Chapter 12 - Sammy & Teo

Magsimula sa umpisa
                                    

"What's wrong, baby?" Tumingin lang sa akin ito ng matagal.

"Mommy, is Tita Rea coming?" Tanong nito at nasaktan ako sa inosenteng tanong ng anak ko na di ko inaasahan. "I need to show her my achievements." Napabuntong hininga ako.

"Baby, hindi ko alam kung pupunta si Tita Rea pero nandito naman si Mommy. Makikita ko." Tumingin lang ito sa akin na tila nag-iisip. Malungkot ang mga mata ng anak ko.

"Sana po dumating si Tita Rea." Ngumiti ako kay Sammy kahit na pilit.

"Tell you what, baby, I will video your presentation then we will let Tita Rea to watch it." Tumango ito pero halata kong hindi pa rin ito masaya. "So do your best baby kasi makikita ito ni Tita Rea pati na rin si Daddy." Tumango ulit ito pero nababasa ko ang tingin ng anak ko. Malungkot ito.

Tinawag na si Sammy at niready ko na ang video. Tumingin muli sa labas si Sammy at hinihintay nito si Rea. Napatingin rin ako sa tinitingnan niya ng makita ko itong ngumiti. Nakita ko sa may pinto si Rea at pumasok ito. Hindi ko naman inaasahan pupunta ito. Kumaway ito kay Sammy at halatang-halata ko ang kasiyahan ng anak ko.

Kinuhanan ko ng video ni Sammy at sa buong video niya ay nakatingin ito kay Rea. Samantalang ako ay pigil na pigil ko ang sarili ko na maluha. Ang sakit ng ganito. Masakit lang sa akin na hindi ko nasubaybayan ang anak ko at hindi siya malapit sa akin kundi sa ibang tao.

Natapos ang presentetion ni Sammy at sa huli pinakita niya ang building na binuo nila ng Daddy niya bilang project. Iyon din daw kasi ang gusto niyang kunin kapag daw lumaki siya. Pagkatapos na pagkatapos ay tumakbo ito kay Rea at nagpayakap.

"Oh nandiyan na ang ate mo, iyon Mommy ni Teo." Napatingin naman ako sa isa sa mga nanay nagsabi niyon sa akin. Hindi ata sila makapaniwala na mommy ako ni Sammy at ang akala ay ate ko pa si Rea. Hindi na lang ako nagsalita at tumango ako sa kanya.

Natapos na ang buong klase ni Sammy at pinakita sa akin ang report card niya at assessment sa term na ito. Kasama ko si Rea at malimit ay si Rea ang kinakausap ng mga guro kesa sa akin dahil na rin siguro sanay na sila na si Rea ang kausap. Matapos ng pag-uusap ay pinauna ko na muna sina Rea at Sammy sa labas at kinausap ko ang mga teachers niya. Sinabi ko na ako ang tunay na ina ni Sammy at simula ngayon ay ako na ang person to contact nila kasama ni Matt at hindi si Rea. Gulat ang ibang guro ni Sammy dahil sa binunyag ko. Hindi sila makapaniwala na anak ko nga si Sammy dahil sa mukha raw akong napakabata pa.

"Where do you want to eat Teo?" Salita ni Rea pagdating ko.

"Can we eat my favorite fried chicken?" Tumingin naman sa akin si Rea.

"Nandiyan ka na pala Sam." Ngiti nito sa akin. Hanggang ngayon ay naiilang ako kay Rea at palagay ko ay ganito rin ang nararamdaman niya sa akin.

"Tita Rea can we go now? I am hungry." Yakag pa ni Sammy.

"Ahm Teo...tanungin muna natin si Mommy." Salita ni Rea.

"Teo, nagpaluto ako kina Tita Simone at Lola Aida ng food. Masasayang iyon."

"I want fried chicken!" Sigaw pa nito at nagulat naman ako dahil ito ang unang beses na ginawa ito ng anak ko sa akin.

"Teo..." Sabay pa namin salita ni Rea. Nagkatinginan kami. "Sige na Sam pagbigyan mo na si Teo." Napapikit ako sandali sa sinabi ni Rea. Hindi ako makapagdesisyon sa gagawin dahil sa sinabi nito.

"Pero--"

"Mommy if you don't want then I will just go with Tita Rea." Nagulat ako sa sinabi ng anak ko. Tumingin ako kay Rea at nagkibit-balikat ito sa akin.

Journey of ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon