Chapter 34: For the Most Invited

“…Montello High School?”

Awtomatikong napalingon ako sa direksyon na pinanggalingan ng konbersasyon. Normally, hindi ko pinakikinggan ang kahit na anong usapan sa cafeteria subalit agad na naalarma ang utak ko nang marinig ko ang school na aking iniwan. It still had that effect on me.

“That’s a scary school! Hindi ko nga alam kung paanong tumatagal ang mga estudyante sa lugar na iyon.”

“It’s a boarding school. Who knows whats happening behind those gates.”

Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko at pinilit na huwag making sa pinag-uusapan sa kabilang mesa. I shouldn’t be affected by now. After what happened between me and Henrietta yesterday, hindi ko na pwedeng hayaang magulo ang sarili ko ng mga ganitong bagay.

“Do you know that school?” Tanong ni Maggie. Of course! How could I not know that school? Subalit mas pinili ko na lang na hindi sumagot. Iti-take advantage ko na lang ang privacy na ino-offer ng Arturia University. No one really knew that I came from Montello High except, maybe from the members of the administration that Autumn talked to para ayusin ang paglipat ko.

“Bakit kaya nag-i-exist ang ganoong school? Bakit may mga estudyanteng mas pinipili pumasok sa ganoong klase ng school?” Tahimik na komento ni Maggie.

“Because there are types of students that a normal school couldn’t handle,” mahina kong sagot. Hindi ko maintindihan kung bakit nagkaroon ako ng urge na ipagtanggol ang Montello. I just didn’t think it was right to talk about it and all the unknown  and dangerous things inside it.

“Speaking of school, saang school ka nga pala galing?” Tanong ni Maggie. Hindi ako sumagot. Pinagmukha ko na lang na abala ang sarili ko sa pagkain ng pizza. Mukha namang naintindihan niya dahil hindi na niya ipinursue pa ang kaniyang katanungan.

“Have you heard anything about Montello High? Well, malamang ay kilala mo ang school na iyon. It’s definitely a creepy school. Ano kayang curriculum sa school na iyon? Street Fighting 101? Way of Bitches 203? Eh, I can’t imagine.” I watched her as she listed her points about Montello.

Uminom muna ako ng cold chocolate drink bago sumagot. “Don’t imagine. You have no idea,” seryoso kong sabi.

“They say that there’s something weird happening inside that school. It was being closed off kahit di naman literally nakasara. Yung walang sinuman ang nasa school na iyon ang gustong mag-open sa mga nangyayari sa loob. I can’t describe what exactly pero yun ang usap-usapan. It’s vague. And creepy.”

I stopped for a moment from eating. What Maggie said caught my complete attention. Maaaring ito rin ang pinag-uusapan ng mga estudyante sa kabilang mesa. “Are you sure about that?” Tangi kong tanong. Ayokong ipahalata ang matinding kyuryosidad ko tungkol dito.

“Well, yun ang nababalitaan namin. But, who knows? Montello High school is really popular no matter how horrible its reputation is. I was wondering kung ano’ng klase ng mga estudyante ang naroon. If I meet someone from that school, I might get scared of him or her.”

Montello High: School of Gangsters (Published under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!