"85,000"


"Woah, 85,000 to number 3" napapanganga na lang ako sa naririnig ko. Isang pares ng hikaw ganyan? Mayaman ako pero hindi pa ako nakakaatend sa ganitong auction. Natahimik sa 85,000 ang mga eleganteng babae.


"Sold! Emerald Rollet for 85,000!" nagpalakpakan silang lahat kaya nakipalakpak na rin ako.

Ang sumunod naman na inilabas ay white gold na singsing. May maliit na diamond na nakatanim sa gitna nito. May pangalan din ang singsing na ito. 'Diamond Luck'


"200,000"


"300,000"


"450,000"


"500,000"


"650,000" natigil na ulit ang bidding sa huling presyo. Kami ata ni Ate Tinay ay kapwa hindi na nahinga dito.


"Okay! 650,000! Sold to number 16" napabulong na lang ako kay Ate Tinay.


"Ganito ba talaga magtapon ng pera dito?" grabe isang singsing lang 650k? Mas mahal pa sa daliri nang magsusuot.


"Oo, ganyan talaga. Manuod na lang tayo" mahinhin niyang pinunasan ang pawis niya sa noo. Maging ako ay pinagpapawisan sa mga presyo ng mga alahas na yan.


"Okay ladies, this will be the last. I prepared 3 jewelleries tonight and I never thought that it will be intense like this I should have brought 10" pabirong sabi niya. Sopistikada namang nakitawa sa kanya ang mayayamang nakamaskara na yan. Mayaman ako pero hindi ako magtatapon ng pera ng ganyan.


"Okay for my last item, it is a necklace. It is called Ruby's tears" I was expecting a red colour stone on it, since I know it's a ruby pero napakunot ang noo ko nang nakita ko na kulay asul ito.


"Excuse me? It's supposed to be Sapphire's tears right? Not a ruby" sabi ni number 20. I know her, siya 'yong nakatsinelas kanina. She already changed her dress to an elegant black long gown. Well we have the same thoughts, that jewel has a wrong name.


"No no ladies. Watch this" itinaas ni Amber 'yong glass cover at kinuha 'yong necklace. Nagulat na lang kami ng sindihan niya ang lighter na hawak niya at itinapat ito sa kulay asul na bato ng necklace. Dahil nizoom naman ito sa whitescreen, kitang kita namin kung papaano nagiging kulay pula ang kulay asul na bato kapag nalalapatan ng apoy.

At sa sandaling mawala ang apoy ay nabalik ulit ito sa kulay asul na kulay. Halos lahat ata kami dito ay napanganga.


"450,000" malakas na sabi ni number 20.


"650,000" malakas loob sa sabi ko.


"Florence!" halos naramdaman ko ang kurot sa akin ni Ate Tinay minsan lang ako nahumaling sa isang alahas. And that one is quite unique, it should be mine. Parang kinain ko na ang mga sinabi ko kanina.

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now