Refrigerator

272 7 0
                                    

Sorry for long waiting! Sana makabawi ako rito.

WARNING! SHORT UD AGAIN.

------------------------------------------------------------------------------

Isa sa ating kapwa ang nakaranas ng nakakapanindig balahibong pangyayari at ito ay may kinalaman sa isang Refrigerator.

Isang araw may nabiling mumurahing Ref si Anna sira na kase ang kaniyang dating Ref at hindi na pwedeng maayos pa. Okay naman ang kanuyang nabiling Ref pero makalipas ang ilang araw nangyari sa kaniya ang isang hindi niya inaasahan na mangyayari.



Nagising si Anna ng madaling araw pasado alas-3 dahil sa nakaramdam siya ng uhaw kaya naman napagdesisyunan niyang bumaba at kumuha ng maiinom.

Kinuha na niya ang pitsel sa kaniyang Ref at doon uminom sa harap at nanatiling nakatayo habang bukas ito na para bang nagpapalamig siya.

Nasa kalagitnaan na siya ng kaniyang pag-inom ng biglang lumamig ang paligid pero dahil sa akala niya ay lamig lamang ito na nagmumula sa kaniyang ref ay ipinagsawalang bahala na lamang niya ito.

Ibinalik na ni Anna ang pitsel at isasarado na niya sana ito ng biglang may humak sa kanyang kamay at doon hinahatak siya papasok. Pinipilit ni Anna na alisin ang humihila sa kaniya pero di nya maalis iyon.

"AKIN LANG ITO!" sigaw ng isang tinig ng babae na para bang galit kaya mas lalo siyang natakot.

At napapikit na lang. Dinadasal na sana hindi ito totoo at kung totoo man ito ay sana huwag siyang pabayaan ng Diyos. 

Napansin ni Anna na wala ng nakahawak sa kanya kaya dumilat siya, wala na roon ang humihila sa kaniya papaloob. Nag sign-of-the-cross si Anna bago pumanhik sa taas at natulog sa kaniyang kwarto na takot na takot.

Kinabukasan isinauli na niya ito kung saan man niya ito nabili ay hindi na nya kinuha pa ang kaniyang bayad. Dahil gusto niyang mawala na sa kaniyang landas ang ref na iyon.



---THE END---

MISTERYO! (20 Compilation of Horror Stories) [COMPLETED] ✔Where stories live. Discover now