Bestidang Pula

375 12 3
                                    

Warning: Short UD

---------------------------

Isang araw namamalengke si Rochelle at may nadaanan siyang misteryosong bahay. Noong papalapit na siya sa bahay na iyon ay may nabunggo siyang isang matandang babae. 

"Kahit kailan walang pwedeng pumasok sa bahay ko." sabi ng matanda at bigla na lamang nagulat si Rochelle nang biglang nawala ang matanda sa harap niya. Sa nangyari sa kaniyang iyon na-curious tuloy siya kung ano ang meron sa loob ng bahay na iyon.

At hindi niya namalayan ay hinahatak na pala ang kaniyang mga paa papasok sa loob. Hindi niya pinakinggan ang sinabi ng matanda. Pagpasok niya roon ay may nakita siyang pulang kahon at nang ito ay kaniyang buksan nakakita siya ng isang pulang bestida nang mahawakan niya ang damit bigla na lamang nanlamig ang paligid.

Hindi niya iyon pinansin at bigla na lang niya itong kinuha at iniuwi sa kanilang bahay. Noong gabing iyon dumating ang kaniyang pamilya at nakita siyang suot suot iyon.

Natuwa sa kanya ang pamilya nya dahil sa kaniyang ayos.

"Ang ganda ganda mo naman mahal." sabi ng kaniyang asawa

"Oo nga po ina'y bagay sayo iyan." napangiti na lamang si Rochelle sa sinabi ng kaniyang asawa at anak na babae.

Nang kukunin na niya ang kanilang kakainin nagulat siya ng paglabas niya sa kusina ay wala na roon ang kaniyang pamilya at nakita ang pulang kahon na pinaglagyan ng kaniyang kinuhang damit. Bigla na lamang siyang kinutuban kaya dali dali syang pumunta sa bahay ng matanda. Noong pagpunta niya sa harap ng bahay nakita niya ang matanda.

"Ano ang sinabi ko sayo?! huwag kang papasok diba?!  Di ka pa nakuntento kinuha mo pa ang pagmamay-ari ko!" nanggagalaiti sa galit na sabi ng matanda sa kaniya.

Hindi niya pinakinggan ang matanda sa halip hinawi nya ito sa gilid at tumakbo siya sa bahay na iyon. Binubuksan nya ang pinto ngunit hindi nya ito mabuksan sigaw siya nang sigaw.

"ANAK?!  MAHAL?!  ANDIYAN BA KAYO?!" halos takot na takot na sigaw niya.

Nung dumungaw siya sa bintana nakita nya na nakatayo ang kaniyang asawa at anak doon. Nakabigti ang mga ito. Susugurin na sana niya ang matanda pero wala na ito sa pwesto niya kanina at nang paunti-unti na siyang tumalikod nawala din ang bahay.




Bigla na lamang siyang nagising at naghahabol ng hininga. Napatingin siya sa kanyang tabi at nandoon ang kanyang pamilya na mahimbing na natutulog at simula noon taon taon na silang nagsusunog ng pulang bestida sa bakanteng lote na iyon.



---------THE END---------

(A.N salamat sa president namin na tinulungan ako hahahaha. Galing ng imagination mo Philip!)

MISTERYO! (20 Compilation of Horror Stories) [COMPLETED] ✔Where stories live. Discover now