Sorry po sa matagal na update.
Sana makabawi ako ♥
Oh! wag kalimutan ang mag-VOTE and COMMENT.
-----------------------------------------
"Meng! Nakita ko na naman yung babaeng pugot 'yung ulo! WAAAAAAAH!" natatakot na pag-sumbong ko kay Meng, kaibigan ko. Nakita ko na naman kase 'yung babaeng pugot ang ulo."Hay naku! Wag kang O.A Jen gutom ka na naman hala eto cloud 9." at kahit na nagwawala ako ay sinubo niya pa rin sa akin 'yung cloud 9 para matahimik ako.
"Meng naman eh! Alam mo naman na ilang beses ko ng nakikita 'yun eh! Huhuhuhu!"
"Hay ewan ko sayo! Tara na nga umuwi na tayo." sabi niya at hinila ako, pero totoo yun ah! Ilang beses ko na talagang nakikita yun 3 beses ko na ata siyang nakikita. T_T
FLASHBACK
Nasa likod ako ng bahay namin 'nun, winawalis ko kase 'yung mga nalagas na dahon.
Napagod ako kaya napaupo ako.
"Nakakapagod naman 'to, maka-inom nga muna." aniya sa aking sarili at tatayo na sana nang may mapansin ako sa tabi ng isang puno... may isang babae doon ngunit hindi ko na lamang ito pinansin dahil baka kapitbahay lang namin yun.
Pero bigla kong naisip na bakit andito yung kapitbahay namin eh! nasa likuran naman ng bahay namin yung puno at hindi sa labas o sa iba pang kapitbahay.
Kaya naman tiningnan ko uli ang pwesto nung babae kanina at laking gulat ko nang makita na duguan ang kaniyang damit at kamay ganun din ang kaniyang mga paa, pero mas nagulat at natakot ako ng makita ko ang hawak niya...... 'ulo'. Napatingin ako sa kaniyang leeg wala skyang ulo.
hindi kaya 'yung hawak niya ay 'yung ulo 'nya mismo?! O.O...
"WAAAAAAAAH!" sigaw ko at ako ay nagtatakbo paloob sa aming bahay.
End of flasback...
Andito na ako sa bahay at kasalukuyang nasa kwarto, nagpapahinga at di ko namalayan nakatulog na pala ako.
"Aissssh! nauuhaw ako." naalimpungatan ako ng makaramdam ng uhaw, teka anong oras na ba? 2:00am.
Madaling araw na pala -,-
Bumaba na ako sa baba at dumiretso na sa kusina ngunit nakita kong bukas ang ref namin na ikinataka ko.
Siguro naiwan lang nila kuya na bukas 'to -,- agad na akong kumuha ng pitsel at baso para maibsan na 'tong uhaw ko.
"Haaaays.. sarap ng tubig." aniya ko sa aking sarili at ibinalik ko na ang pitsel sa ref at ang baso kong ginamit ay hinugasan ko muna bago ko ito ibalik sa lagayan.
Paakyat na ako 'nun nang may mapansin akong parang may tao sa bintana, pero kesa naman sa takutin ko sarili ko e hindi ko na lamang iyon pinansin.
"Pssst." hala! sino yun?
Lumingon ako sa aking likuran ngunit wala naman akong nakitang tao o hayop. Sus! baka guni-guni ko lang yun.
"Jenny..." teka ako yun ah?! O.O
"Sino nandiyan? Kuya? Mama? Papa? kayo po ba yan?" tanong ko sa kung ano o sinuman ang nandito ngunit wala namang sumagot. Aakyat na ako.
"WAAAAAAAH!" napasigaw ako nang may ulong nalaglag sa harapan ko. Shit! Ayaw ko na! Siya na naman!! T_T
"Jenny..." sabi 'nung ulo na duguan ang mukha.
"WAAAAAAH! AYAW KO NA!" at ako ay kumaripas ng takbo pabalik sa kwarto ko.
Agad akong nagtaklob ng kumot at nagdadasal na sana isa lamang itong panaginip.. masamang panaginip. T_T
---THE END---
BINABASA MO ANG
MISTERYO! (20 Compilation of Horror Stories) [COMPLETED] ✔
ParanormalIto ay mga kwentong puno ng kababalaghan. Ito rin ay pawang imahinasyon lamang ni Author at ang iba naman ay pawang katotohanan. Huwag mo ng tangkain pang basahin kung mahina ang iyong loob at baka hindi ka na makatulog. Pero kung matapang ka tara a...