Rape (2)

226 3 0
                                    

Nabalitaan ng mga kapamilya ni Clarissa ang nangyari sa kaniya dahil sa nakita ito ng isang mangangalakal ng basura sa bakanteng lote.

"Anak koooooo!" labis na nadurog ang puso ng ina ni Clarissa ng makita ang bangkay nito.

"S-sir... ano po ang nangyari sa a-anak ko?" pilit na pinatigas ng tatay ni Clarissa ang kaniyang boses, nasasaktan din siya sa sinapit ng kaniyang anak ngunit pinipilit niyang maging malakas para sa kaniyang pamilya.

"Sa aming pag-iimbestiga Mr. Dela Cruz nirape po ang inyong anak nang pauwi na siya sa inyo galing sa eskwelahan base na rin sa kaniyang suot na uniporme at ang kinamatay niya po ay ang paghampas sa kaniyang ulo ng isang malaking bato na nakita po namin sa crime scene. Sa ngayon po ginagawa na po namin ang lahat para mahuli ang may kagagawan nito." paliwanag ng isa sa mga nag-iimbestiga sa nangyaring pagpatay sa dalaga.















Araw na ng burol ni Clarissa at lahat ay nagluluksa. mabait at masayahing bata si Clarissa bonus na lamang ang angking kagandahan nito kaya naman tuwang-tuwa sa kaniya ang karamihan. Maski ang kaibigan nitong si Kyla ay sobra ring nasasaktan iniisip niya kaseng kasalanan niya ito na kung hinatid niya sana sa bahay nito si Clarissa ay hindi ito mangyayari sa kaniya ngunit pinililit naman ng pamilyang Dela Cruz na wala syiang kasalanan at walang may gustong mangyari ito. Maliban sa walang puso na gumawa 'nun sa anak nila.

"Ma tama na po." sabi ng kuya ni Clarissa. Kauuwi lamsng nito galing America at nang mabalitaan ang sinapit ng kaniyang kapatid agad itong umuwi sa Pinas, maski siya ay nasasaktan din para sa kaniyang kapatid.

Ipinangako nila sa puntod ni Clarissa na malalagot sa batas ang may kagagawan nito bago sila umalis at umuwi na.






Sa kabilang banda, ang galit naman na kaluluwa ni Clarissa ay nakatanaw sa kaniyang pamilya na nasasaktan sa kaniyang pagkawala kaya naman ipinapangako niya sa kaniyang sarili na malalagot dito ang may kagagawan nito sa kanya. Makakamit niya ang hustisya na gusto niya.











Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang mamatay si Clarissa at hindi pa rin nahuhuli ang may kagagawan nito. Mahirap man pero sinisikap ng pamilya ni Clarissa ang mag-move on na pero hindi ibig sabihin 'nun ay susuko na sila sa paghahanap sa kriminal na iyon.

Si Mang Celso naman ilang araw na ring dinadalaw ng kaniyang konsensya at kaluluwa ni Clarissa na hindi matahimik-himik kaya naisip niyang damayan ang pamilya nito para mabawasan naman ang kaniyang konsensya sa nagawang kasalanan.

"Okay na ba si mare pare?" tanong ni Mang Celso sa ama ni Clarissa isang araw.

"Bumubuti naman siya pero may mga oras na nakikita namin siyang tulala at iiyak na lang bigla. Alam kong nasasaktan pa rin siya sa sinapit ng aming anak sana lang talaga makulong na ang hayop na 'yun." galit na sabi ni Mr. Dela Cruz.... nakonsensya naman si Mang Celso at gustuhin man niyang umamin sa nagawang kasalanan pero ayaw naman niyang makulong.

"A-ah s-sige pare, u-una na a-ako." kinakabahang sabi ni Mang Celso at mabilis na umuwi sa sarili nitong bahay. Nagtataka naman si Mr. Dela Cruz sa inasal ng kapitbahay ngunit ikinibit balikat na lamang niya ito.














Alas-dos na ng madaling araw ng magising si Mang Celso na para bang may sumasakal sa kaniya at di nga sya nagkakamali dahil totoo ito at natakot skya sa taong sumasakal sa kaniya....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Si Clarissa na nanlilisik ang mata at mahahalata mong galit na galit.

"Ahhhhhhhhh!"

"Sisiguraduhin kong mananagot ka Mang Celso sa ginawa mo sa akin. ISASAMA KITA SA KABILANG BUHAY HAHAHAHA!" galit na sabi ni Clarissa at tumawa ng mala-demonyo.

"A-ahhhhck... maawa ka, lasing lang 'nun a-ahhhhck." hindi makahingang sabi ni Mang Celso.

"MAAWA?! SINO KA PARA MAGSABI NIYAN?! HINDI MO ALAM ANG SALITANG. HINDI KA NAKINIG SA PAGMAMAKAAWA KO SAYO! ANG DAPAT SAYO AY MAMATAY!" galit na galit si Clarissa. At mas hinigpitan pa nito ang pagsakal kay Mang Celso.

"S-suko na ako b-basta pakawalan mo l-lang ako aaahhhck." nahihirapang sabi ni Mang Celso kay Clarissa, agad naman siyang binitiwan nito at bigla na lamang siyang naglaho na parang bula.

Habol hininga naman si Mang Celso nang pakawalan siya ni Clarissa.













Kinabukasan nga ay sumuko na siya sa mga pulis at inamin ang nagawang krimen. At nang mabalitaan naman ito ng pamilyang Dela Cruz agad silang pumunta sa presinto at labis na nabigla dahil ang dumadamay pala sa kanila ay siyang may kasalanan sa pagpanaw ng kanilang anak.

Nakulong nga si Mang Celso at pinagbayaran ang nagawang kasalanan. At doon napanatag naman ang kaluluwa ni Clarissa na ang gusto lang naman ay makamit ay hustisya na gusto niya....







"Patawad muli Clarissa....." bulong ni Mang Celso sa hangin.





---THE END---

■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT CHINGGU!

MISTERYO! (20 Compilation of Horror Stories) [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon