Chapter 16: The Mystery Guy ( Part 1)

Start from the beginning
                                    

Can you believe it? Second week na ito na nagpapadala siya ng bouquet sa dalawang babae at the same time." natatawang sabi ni Tessa.

Napatingin ako sa kanya. Nakalimutan ko na nasa shop na pala ako. Madalas akong ganito. Madalas binabalikan ng alaala ko ang nakaraan. But I don't mind now. It doesn't bring me bad vibes anymore. I'm more on reminiscing the good times. At hindi na ako bitter.

" Sa totoo lang nacucurious ako. Ano kaya ang hitsura niya. Gwapo kaya siya?" tumingin sa akin si Tessa.

She 's talking about our new client.

What was his name again? Uh..whatever. I'm not interested.

Tumawa ako. " Maybe." sagot ko kay Tessa.

Sa totoo lang ako rin nacucurious. Dalawang babae kasi ang pinapadalhan niya ng bulaklak at the same time, araw araw. At maloloka ka sa mga dedications. Na halata namang kinuha lang ang mga ito online, malamang  ng kanyang assistant. Napailing na lang ako. Bakit kaya may mga ganitong mga lalaki? Hindi kuntento sa isang babae lang. Hindi mo rin sila masisi. Minsan mga babae pa ang kusang lumalapit. Yung ibang mga babae nga kahit na may asawa na di pa rin maawat.

At malamang mayaman tong isang to. Well, that's according to Tessa, according to his assistant, na sinabi lang sa akin ni Tessa, he's into jewelry and home landscape business. His business has branches worldwide. He travels a lot.  And when he does, matagal itong mawala. Minsan after 3 or 6 months na ang balik nito. And probably that's the reason why he maintains his relationships with his women thru sending flowers and gifts. Well, sa opinyon ko lang naman yun.

And yes,Tessa and I are curious kung ano ang hitsura nito. He transacts everyhting from our website. Sometimes, secretary lang niya ang tumatawag para mag place ng order. Ano kaya ang hitura nito. How does he sounds like. Hindi pa kasi ito tumatawag sa shop kahit isang beses. Hindi ko pa man siya nakikita, parang nakikinita kinita ko na ang histura nito. Isang playboy na DOM. Yung tipong bansot, mataba at malapit ng maubos ang buhok. Yung tipong bangs na lang ang natira sa harap. Ewww!

Matanda? Well, if he's in his late forties matanda na siya para sa akin. Pero pag may pera ka, nagiging bata ka sa paningin ng iba. At kung mahilig ka naman sa sex, sabi ng iba kalabaw lang daw ang tumatanda. And I think he fits for both. Ano ba 'tong pumapasok sa kukute ko. Pati sex life nitong matandang to pinag aaksayahan ko ng panahon.

Curious din ako Jess kung ano ang hitsura ng girl." excited na sabi nito.

Natawa ako. Kaya pala siya excited na maghatid ng flowers personally. Bukod sa nasa kabilang street lang ito at walking distance. Gutso rin niya makita ang hitsura nung girl.

" What do you expect. I'm sure maganda ito." sagot ko sa kanya.

Syempre. Hindi naman niya siguro ito magugustuhan kung hindi ito maganda. Pero ano kayang nationality nito. American kaya. O kaya European. Asian kaya.

Sabi ni Jake hindi naman daw sila magaganda. Mapuputi lang at mga slim. At alam mo ba?" parang nambibitin pang sabi nito.

Mukhang mga Asian daw." nalalaki ang mga matang sabi nito.

Napahinto ako sa ginagawa ko. " Hindi kaya Pinay?" biro ko sa kanya.

Tumawa siya. "Walang sinabi si Jake eh. Malamang hindi. Kainis nga eh, Hindi niya bet ang beauty ng mg Pinay. " nakangusong sabi nito.

Hindi kaila na nagkakacrush siya dito kahit na hindi pa niya ito nakikita. Iniisip daw niya na kamukha ito ni Bradley Cooper. O kaya ni Patrick Dempsey. Natawa ako nung sinabi niya ito. Halos pareho kami ng nasa isip. Ako naman DOM. Siya naman iniisip niya na nasa late 30s na ito. 

Fool Me Twice -Editing - (Completed)Where stories live. Discover now