Foolish Heart [26]

Start from the beginning
                                    

"Bahala ka dyan di ako sasakay." Naglakad ako papalayo sakanya at pumara ng jeep pero pagkasakay ko nagulat ako na sumama siya sa akin

"Zen, ang kulit mo."

"Saan tayo pupunta?" Nakangiti niyang sabi.


"Pupunta ako kay Jerome, sasama ka pa rin?" Nawala yung ngiti niya pero nakatingin parin siya sa akin.

"Pupunta ka sa Mcdo?" Napabuntong hininga ako.

"Oo, kaya umuwi ka na lang Zen tsaka balikan mo kotse mo doon aba."

"Ayoko,sasamahan kita tsaka gabi na o,delikado."

"Zen naman!" Hindi niya na lang ako pinansin.

"Bayad ho, dalawang Mcdo po." Kukuhain ko sana yung inabot ni Zen na pamasahe pero hinawakan niya lang yung kamay ko.

"Naiinis na ako sayo." Seryoso kong sabi.

"Ilang araw mo na ako iniiwasan, nagtatampo na ako sayo."

" Hindi kita iniiwasan ha!"

"Pero ganun yung pakiramdam ko,kung kausapin mo ako napaikli."

"Zen,alam mo kung bakit ako ganito sayo."

"Alam ko yun maga,nandito ako bilang kaibigan mo tsaka bakit ba ayaw mong samahan kita? Gusto ko rin naman malaman ang sitwasyon ni Jerome kahit ganun naging kaibigan ko din naman siya."

"Tapos may magselos ?"

" Hindi ko naman ipapahalata yun sayo."

"Zen."

"Tama na nga maga, basta sasamahan kita tapos!" Magsasalita pa sana ako kaso nailang kasi ako sa mga kasabay naming pasahero na nakatingin kay Zen.

"Parang nakita ko na siya." Sabi nung babae.

"Ako din Ate, di ko lang matandaan."

"Pero ang gwapo niya."

"Agree ako pero mukhang nag-aaway sila nung gf niya." Tiningnan ko lang sila at mukhang natauhan sila nung napansin nila ang tingin ko kaya ngumit ako sakanila kaya napaiwas sila ng tingin sa akin.


"Ikaw pa ata ang nagselos." Napatingin ako Kay Zen.

"Pinagsasabi mo dyan?"

"Pinag-uusapan lang ako tinitigan mo na agad sila." Tas tumawa siya at ako na nairap sakanya.

"Baka gusto mong itapon kita dito sa bintana ng jeep?"


"Woah, kailan ka pa naging brutal maga?"

"Ngayon lang Zen,gusto mo subukan natin?"

"Ayoko,nasaktan na nga ako maging brutal ka pa sa akin.Grabe ka na sa akin maga." Umiling-iling pa siya at umaktong nasasaktan.

"Drama mo." Tumawa lang siya,pagkatapos nun ay tumahimik na kami hanggang sa makarating na kami sa Mcdo.Nagmadali agad ako pagpasok sa Mcdo para hanapin si Jerome at di naman ako nabigo.

"Jerome!" Nagulat siya ng makita ako pero ngumiti siya sa akin at lumapit.

"Bakit nandito ka?"

"Sinupresa ka, gusto kasi kita makita."

"Sweet mo naman, kaso di kita maasikaso naka duty ako ngayon mapagalitan ako ng manager."


"Okay lang, hinatyin kita mag-out."


"Hindi, umuwi ka na hanggang closing ako dito." Napanguso ako sa sinabi, hanggang closing pa siya dito sa Mcdo hindi ko man lang siya makakasama.

FooIish Heart [COMPLETE]Where stories live. Discover now