Prologue

13 9 2
                                        


Prologue

Interested

Ngayon ang enrollment ng mga freshmen dito sa University kung saan ako nag-aaral. Kasalukuyan din akong SSLG President, we're helping the school staffs sa enrollment and since I'm the current SSLG President this is my job, not just only to help but to build a good relationship to our incoming students para raw next time iboto pa raw ako, at makilala nila ako. As If naman na may next time pa eh no choice lang din naman ako, kahit hindi naman ako maging SSLG President kilala na rin naman na ako ng lahat as a son of Abdielo Abdalla, owner of this school. To be honest ayoko sa ideya na iyon ang makilala nila ako because I'm the son of him, Kaya sa tuwing tatanungin nila ako ay hindi ko na iyon sinasagot, hindi ko rin pinapakilala ang sarili ko bilang anak niya kapag nandito kami sa school baka sabihin nilang may kapit ako, I'm not like that na gamitin ang isang tao para lang maging famous ka or respetuhin ka nila.

Sa ngayon kaunti na lamang ang nakakaalam na anak ako ni Mr. Abdalla, para akong nakahinga ng maluwag.

"President Ayah ikaw muna raw umasikaso sa mga student na nag-aapply ng Admission Test ng mga new students, kami na lang dito sa mga enrollees." saad ni Tycho sa akin ng makalapit siya rito, he's one of the SSLG Councils kasama ko, he's our Treasurer. Narito kasi kami sa may area kung saan may mga table na nakahilira at nakapwesto ang mga computers para sa on zon-site enrollment.

"Ahh sige, ikaw na bahala rito ah." saad ko sa kaniya at ti-nap ang balikat niya bago umalis para pumunta sa may Guidance Office dahil naroon ang mga applicants.

Nang makarating ako rito sa Guidance Office ay agad akong kumilos, chineck at kinuha ko ang mga requirements ng mga students.

Naging maayos ang flow ng pila, nakinig din ang lahat sa short orientation para kanilang admission test.

"Rihanna, dalian mo baka ma-cut off tayo ayoko ng bumalik bukas."

"Masyado kang nega, Cons. Syaka eh ano naman kung bumalik tayo bukas. Ang sabihin mo tinatamad ka lang."

"HAHA. May lakad ako bukas remember?"

"Ewan ko sayo, bago ka lumakad bukas ayusin mo muna pag-apply mo. Tara na nga ang atat jusko."

Mula rito sa may guidance ay rinig na rinig ko ang usapan ng dalawang magkaibigan. Hindi ko alam pero natawa na lang ako, hindi ko magawang makita kung sino dalawang babae na iyon pero nang matapos ang tatlong students sa pila ay sila na ang susunod. Alam ko sila na ito dahil pati ba naman sa pila nagchichismisan pa rin.

Inilahad sa akin ng babae na nagngangalang Rihanna Roquim ang requirements nito sa akin bago ito tumingin sakin. Ramdam ko ang pagkamangha nito at pagkagat nito ng labi, na ikinatawa ko na lang sa isip ko.

"Okay Miss Roqium, We will posting the schedules of your Dates and Room number for Admission test. Just wait for the announcement on our fb page, also advance goodluck." wika ko at ngumiti sabay talikod upang ipasa kay Mr. Alexis ang requirements nito.

Nang makaharap ulit ako ay, kinuha ko ang requirements na inilahad ng susunod sa pila. Sa requirements lamang ako nakatingin, binasa ko ang mga detalye na naroon.

Calderon, Constance Ivy S.

Basa ko sa kaniyang pangalan bago ko siya tinignan. Tingin na sana ay hindi ko na ginawa, dahil...

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: a day ago ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Chasing Her Horizon ( Abdalla Series #1 )Historias para obsesionarse. Descúbrelo ahora