Umiling siya dito. "You deserves this day Maya promise kaya ko ang sarili ko medyo napasobra lang siguro ako sa pagtatrabaho itutulog ko nalang ito." Muntik na siyang pumiyok mabuti nalang at naayos niya ang boses niya.

"Sige na Maya pupuntahan mo pa ang mga kapatid mo hindi ba?" halata sa mukha nito na ayaw nitong umalis pero alam din niya kung gaano kaimportante sa buhay ni Maya ang mga day offs nito dahil ito iyong araw na nabibisita nito ang mga kapatid nito.

"Sure ka talaga ate?"

"Matutulog lang ako pagbalik mo okay na ako at saka magdala ka rin ng mga cookies sa mga kapatid mo they love it."

"Salamat ate Georgette ang bait mo talaga." Akmang yayakapin siya nito ng umatras siya.

"Baka mahawa ka pa sa sakit ko at madala mo sa mga kapatid mo." Malumanay na paliwanag niya dito. Napilitang umalis si Maya dahil sa kagustuhan niya, siya naman ay nagpunta na sa kanyang silid at naghanap ng makapal na jacet na pwede niyang isuot. Nakahanap naman siya at hihiga na sana ng biglang may mag-text sa kanya. Napaungol nalang siya ng pakiramdam niya ay mabibiyak na ang kanyang ulo sa sakit pero kailangan niyang umalis dahil hindi makakarating ang kukuha ng mga gamot at kailangan na siya ang magdeliver. Sa ganitong pagkakataon kapag nabigyan na sila ng deadline ay it's a matter of life and death. Kumilos siya at kinuha ang mga bote ng mineral water na pinaglagyan niya ng lahat. Ipinasok niya iyon sa isang malaking shopping bag at kinuha ang kanyang susi.

Nahihilo na siya ng pumasok na siya sa kanyang kotse at nagmaneho. She doesn't know how did she managed to drive but she did dahil nakagawa pa rin siya ng paraan para makarating sa location. Hindi na niya kailangan pang bumaba she only need to drop the bag over a trashbin, ganoon lang. Hindi na niya kailangan pang magpakita sa mga magpipick up and besides isang tulad din niya ang kukuha ng parcels.

Ilang beses na ba siyang nagtangkang pumunta sa pulis dahil gusto na niyang ipakulong ang sarili niya sa dami ay hindi na niya mabilang pero hindi matuloy-tuloy, dahil sa oras na may masabi siya tungkol sa sindikato marami ang mamamatay. Kung wala lang siguro siyang puso baka matagal na niyang sinabi ang totoo pero hindi pwede dahil may mga kaibigan siya, may pamilya ang mga kaibigan niya and she doesn't want to be the main reason why they'll be broken.

Pagkatapos 'maitapon' ang parcel ay agad siyang umalis sa lugar na iyon at uuwi na sana ng makaramdam na ng panghihina, hindi na niya maramdaman pa ang buong katawan niya. She can't even lift her finger and all she want right now is to lay down and sleep. She closed her eyes and when she felt like her strength is coming back ay lumabas na siya ng kanyang kotse at naghanap ng pwede niyang mapagpahingahan. She saw a familiar establishment across the street kaya tatawid sana siya ng biglang may humila sa kanya pabalik.

"Georgette-." May sumikdo sa puso niya ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. "What happened? Ang init mo!" sigaw nito pero maging ang malakas na boses nito ay hindi na niya marinig dahil sa pangangatog niya. "Dadalhin na kita sa hospital."

"No." mahinang usal niya. "Please don't bring to me to the hospital, sa bahay ko nalang please." Pabulong na ungol niya.

"Ang taas ng init mo kasing puti mo na ang bondpaper kailangan mo ng dalhin sa hospital."

"M-Mr. Villaraga please I am begging you huwag sa hospital." Kumalas siya sa hawak nito pero bigla lang siya nitong binuhat na parang isang sako ng bigas. Mas lalo siyang nakaramdam ng panghihina sa ginawa nito.





RAMDAM niya ang init ng katawan ni Georgette ng buhatin niya ito na parang sako ng bigas, he needs to do it or else gagawa ito ng paraan para makaalis mula sa hawak niya. Hindi na normal ang init ng katawan nito at kailangan na nilang pumunta ng hospital. Papunta na siya sa kotse niya ng may babaeng humarang sa daraanan niya.

ZBS#6: Black Moth's Chemical Romance (COMPLETED)Where stories live. Discover now