Chapter 36: Special Guest

1.8K 37 11
                                    

Chapter 36: Special Guest

-Adam’s POV-

Yosssshhhhh!!! Finally may POV na rin ako! WOOHOOO!! Ang gwapo ko talaga! Tagal ko din hinintay to no!! Para naman masabi ko kung gaano ako ka-gwapo >:) At kung gaano ko kamahal si Karen at kung gaano siya kaganda at-

Okaayyyyy, tama na.

Minsan lang ako magka-POV, lubusin na to! Hah! Wag kayo ako bida sa chapter na to!!

Anyway.

Nandito kami ngayon sa labas ng bahay nila Jessi. Kakagaling lang namin sa school at dito kami gagawa ng project namin sa Computer. Dapat nga si Kaye… kaso sila magkatabi nun ni Scott. :|

Yaan na nga, okay naman si Jessi eh! Best pare ever ko to!

“Babagal pa?” Pang-asar ko sa kanya.

Hinahanap kasi niya yung keys niya sa bag niya.

“Kailangan mang-asar?! Kitang nahihirapan na nga! EH KUNG IKAW KAYA MAGHANAP.” Malakas na sagot niya.

Tinawanan ko lang siya ng malakas. Nakakatuwa lang. Ngayon kasi, nakakasabay na rin ako sa mga pang-asar niya sakin.

Satin-satin lang to ha?

Nung una kasi, napipikon ako sa kanya.

Oo na nakakahiya na >.< Ako tong lalaki, ako tong pikon sa kanya!!

Aba ehh grabe mang-asar!! Tapos palagi pang nakasigaw!! Mas lalaki pa yata to sa akin!!

Pero hah! Wag kayo. Mabait yan. Sobrang saya kasama. Walang araw na boring kapag kasama mo yan.

Kung sana siya na lang…

HAH?! ANO RAW?! ANONG SINABI MO ADAM?!!!

Okay, ang gulo ko. Eh kasi ang bagal bagal maghanap ng susi!

“Burara kasi! Babae ka ba talaga?!” Dinagdagan ko pa ng asar.

*pak*

At hinampas ako!!

“Ayan na kuya!! Nakita ko na po!! Saksak ko yan sa baga mo ehh!!”

“Easy lang, Jess. Sige na buksan na.” Tumawa nalang ako.

Sinuksok na niya yung susi sa doorknob. Gabi pa kasi umuuwi yung parents niya from work kaya mag-isa lang siya pag ganitong oras.

Akmang pipihitin na niya yung doorknob nang biglang...

Bumukas ito mag-isa!!

Love You, Only BetterTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang