Chapter 3: Threat

Magsimula sa umpisa
                                    

***

SHERYL STARTED BEING more careful around Vincent. Pilit niyang pinipigilan ang sarili na sagutin ito sa paraang maaaring ikainit ng ulo nito. At... pilit niya ring sinisiguro ang sariling seguridad laban dito.

Sheryl always felt unsafe with Vincent. Sa mga tingin kasi nito minsan, nararamdaman niya na hindi malayong may gawin itong hindi maganda sa kanya. Kaya nga nung maligo siya, ni-lock niya ang pinto ng kanyang kuwarto huwag lang itong makapasok kung sakali mang maisipan nito na gawin iyon. Kaya binilisan niya rin ang pagliligo at pagbibihis. Ang mga bagay na isang oras niya noon na nagagawa, aba. Nagawa niya ngayon nang nang wala pang tatlumpung minuto--all because of that Vincent's presence.

"Let's go." Yaya na niya rito pagkalabas niya sa sala, kung saan naabutan niya si Vincent na nakaupo sa sofa at mukhang nabo-bore--until he saw her in her smart-but-pretty alluring casual outfit.

"Yea," tumayo na ito. "Let's go now, sweetheart."

Kinilabutan naman doon si Sheryl. Inakbayan pa siya nito habang pababa sila ng building at hindi siya makapalag.

"This place is a trash," komento ni Vincent habang nasa elevator sila. "Walang kalaban-laban sa mga maio-offer ng kumpanya namin."

Napaikot ng mga mata si Sheryl.

Yabang.

"Eh bakit ba dito ka lumipat, Sheryl? I can give you one of my pads na hindi kalayuan dito."

"No, thanks." Lumipat nga ako dito para mapalapit kay Chess then papalayuin mo ako? Heck, no. "I prefer this place. Mas malapit kasi 'to sa gimikan namin."

Vincent let out a chuckle. "Oh just make sure thay you're not doing anything na makakasira sa reputasyon ko."

"I'm not," irita niyang sagot. "I am just hanging out with my girl friends."

"Right, that only should be it..." Halos pabulong nitong sagot kasabay ng paghinto ng elevator sa Basement Parking. "'Coz if it becomes more than that... Oh, Sheryl. You wouldn't want what I'm gonna do to you and your family."

That froze her. Natatakot na talaga siya, pero anong magagawa niya sa mga oras na iyon? Wala, bukod sa manalig sa pinangako sa kanya noon ni Chester--at sa makisabay sa mga nais mangyari ngayon ni Vincent.

***

KUNG KANINA, NAG-IINGAT si Sheryl sa kanyang mga sinasagot kay Vincent. Ngayon naman, hindi na siya nagsasalita. She'd only speak the shortest possible response sa kung anumang tanungin nito habang nasa biyahe sila, at hanggang sa makarating na sila sa appointment nila. It was set in a coffee house located at her family's hotel, and the one they were meeting with was an old Chinese businessman na nililigawan ni Vincent na mag-invest sa soon-to-be-merged na mga kumpanya ng kanilang pamilya.

Sheryl took notice of how Vincent effectively pursuaded the old Chinese man. 'Yung pananalita nito, ang tono nito, ang mga salitang ginagamit nito, kahit alam niyang puro pambobola lang, ay nabilib pa rin siya.

But Chess does much, much better. That's for sure. Mayabang niyang pagmamalaki sa sarili.

Maya-maya ay pasimple siyang napabuntung hininga. Gusto na niyang tawagan si Chester para kamustahin ito sa trabaho. Kaso hindi pa puwede eh. She was still stucked in that damn appointment together with those two dirty freaks.

Dirty talaga, 'coz the old Chinese man kept on throwing her dirty looks. Kung kaya nga lang makahubad ng tingin ay malamang kanina pa siya walang saplot sa kinauupuan niya.

Damn it. Now, Sheryl got the reason why her presence was insisted by the old man sa appointment na iyon. Para lang pala ganunin.

Si Vincent naman, hindi niya malaman kung hindi iyon napapansin o wala lang talagang pakialam. Sa bagay, kung nakasalalay naman doon ang ikalalago ng negosyo nito, aangal pa ba ito? Sheryl didn't think so. Mukhang handang-handa ito na ipain siya kung ayun ang kapalit.

Napangisi si Sheryl sa isipan niya. Sa isipan na lang din niya ginagawa ang kanina pa niya nais na gawin sa dalawang lalaki na kanyang kasama--ang tusukin sa bungo ang mga ito gamit ang tinidor na ginagamit niya sa pagkain ng cake.

"Oh thank you, sweetheart. Because of you, naging maganda ang kinahantungan ng appointment natin with Mr. Lee." Masayang sabi ni Vincent nang magpaalam at iwan na silang dalawa doon nung Chinese businessman.

"Huh? Because of me? Eh wala naman akong ibang ginawa kundi ang umupo dito, kumain, at tipid na sumagot sa mga tanong niya." Pagpapatay-malisya ni Sheryl habang tinutusok-tusok ng tinidor ang kalahati ng slice ng chocolate cake na kanyang kinakain. Nawalan na siya ng gana kumain kaya in-imagine na lang niya na mukha nina Vincent at Mr. Lee 'yung cake at doon niya nilabas ang inis na kanyang nararamdaman sa mga ito.

"Nabighani kasi siya sa'yo. Hindi mo ba 'yon napansin?"

Nabighani? Sheryl wanted to laugh her ass out at that. More like got perverted.

"Oh? Hindi ko naman napansin..." Pagpapatay-malisya na lang niya ulit and Vincent only chuckled, sounding amused.

A woman then approached Vincent, leaning down on his side para bumulong. Sheryl knew the woman--secretary ni Vincent. A bitchy-looking one. Nang umalis ito at bumalik sa puwesto nito sa hindi kalayuan, muli siyang nilingunan ng binata.

"Sweetheart, wanna accompany me again on my next appointment today? Opening iyon ng isang mall sa Taguig--"

"No, Vincent," pagtanggi agad ni Sheryl dito. "Sorry, inaantok kasi ako. Wala ako sa mood magbiyahe nang magbiyahe."

"Okay... But maybe, dapat mo nang bawasan ang night outs mo with your girl friends. You're gonna be my wife soon, Sheryl. And I don't like a wife like that."

Then do not marry me, asshole. Kamuntikan niya itong naikutan ng mga mata.

"Don't worry. Nilulubos ko lang ang single life ko." She reasoned out instead. "Anyway, you can leave me here and go straight to your next appointment. Might ask my mom to go see me here before I go home." Pasimple niyang pagtataboy kay Vincent sabay inom sa tasa niya ng kape.

Vincent let out another amused chuckle. "Okay. So, I'm going now."

Tumango lang si Sheryl without looking at him. Ngunit pagkalapag niya sa mesa ng kanyang tasa ay hinawakan siya sa baba ni Vincent at pinaharap dito. Namilog naman ang kanyang mga mata nang makita niya ang paglapit ng mukha nito upang halikan siya sa mga labi. Ngunit mabilis niyang naikot ang kanyang mukha kaya sa kanyang pisngi dumampi ang mga labi nito.

Pinahiya niya si Vincent, at ikinatakot niya iyon. Baka magalit ito, baka kung anong gawin nito sa kanya dahil doon.

Kasi naman. Hindi niya talaga kayang hayaan ito na halikan siya sa mga labi. Heck. Si Chester nga ang mahal niya at ito ang tinuturing niyang boyfriend. So letting other guy kiss her on the lips seemed to be one unfaithful move for her.

Idinaan na lang ni Sheryl sa paglunok ang takot na kanyang nararamdaman. Kung magalit si Vincent, magsasawalang-bahala na lang siya. Mananahimik na lang siya at hahayaan ito. Hindi naman niya ikamamatay ang galit nito eh. At unting pagtitiis na lang naman, at makakawala rin siya sa lalaking ito.

"I know you don't love me, Sheryl..." Bulong nito sa kanyang tenga na kanya namang ikinabigla. Inasahan niya na magngingitngit ito sa galit eh. Pero kalmado lang ito. "But you have to learn how to, 'coz you have no other choice, sweetheart. Time will come that you have to let me kiss you on those lips of yours. And," muli nitong inikot ang kanyang mukha upang magkaharap sila nang sobrang lapit. "To fuck you however and whenever I would like to."

Sheryl shivered at that, and stiffened when Vincent's thumb traced the bottom of her lower lip.

"So, just prepare yourself, sweetheart." Vincent flashed her one lunatic smile before standing up and leaving her alone.

Napayuko na lang si Sheryl habang nanggigigil ang nakakuyom na mga kamay sa kanyang kandungan.

No. Hell no. We're never gonna go to that point, bastard.


--TBC

Dirty Games (SEXY BLACK Duology Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon