[EXO] 39 ---- The Last Chapter.

Mulai dari awal
                                    

“Kris hyung! Magpapasalamat daw si Kylie sayo.” Sabi ni Luhan. Nasaan si Kai?

Bakit wala sya dito?

Nakita ko namang ngumiti sa akin si Kris at biglang nagsalita.

“You’re welcome. Pero mukhang hindi ako ang inaasahan mo.” Sabi niya na ikinabigla ko. Mukhang kilala niya na talaga ako.

Nabasa niya nanaman ako.

Napatingin silang lahat sa akin. Walang nagbabalak na magsalita. Napatahimik silang lahat kaya ako na ang nagsalita.

“Nasaan si Kai?” sabi ko na nagtataka. Pero nagtinginan lang sila sa isa’t isa. Walang nagtatangkang sumagot sa akin.

“Huy! Nasaan kako si Kai?” sabi ko ulit sa kanila. Pero nagkamutan lang ng mga batok at ulo ang iba sa kanila. Yung iba naman ay nagsitinginan sa taas. Yung iba pumito pa.

Biglang nagflash sa utak ko ang araw na inaya niya ako para lumabas.

‘Kylie… Meet me later. Watty Paradise. 7pm. Don’t be late. Or else, you’re dead. Get it?’

Oh shiz. Kailangan kong puntahan si Kai. Kailangan. Naghihintay sya sakin. Naghihintay sya.

Tumayo ako at lumabas palabas. Tinatawag ako ng iba pero hindi ko sila pinapakinggan. Kailangan kong puntahan si Kai.

Naghihintay sya.

Hinihintay niya ako.

Hindi ko na namalayan na nakakabangga na ako. Kailangan kong makapunta doon. Kailangan kong bilisan.

Kailangan.

Kung hindi.. Baka..

Baka..

Baka mawala pa sya..

Baka iwan niya ako..

Hindi. Hinihintay niya ako. Alam kong naghihintay sya sa akin.

“Kai.. Wait for me.” Nasabi ko na lang sa sarili ko.

Dumating na ako sa Watty Paradise. At nagulat ako sa naabutan ko. Hindi ko napigilan ang umiyak.

Sa pader ng bawat madadaanan ko ay may drawing ng mukha ko. Sa unang pader ay ang mukha ko nung hindi pa kami magkakilala.

Hindi pa ako pansinin at malaki ang eyebags.

May nakadikit na papel doon kaya kinuha ko. At binasa ito.

Shut Up or I'll Kiss You [EXO] - EDITINGTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang