[EXO] 29

27.3K 563 100
                                    

[EXO] 29

Exo Fact #28: Tao teaches the other members wushu in the dorms.

cr: SM_TOWNNews

***

[KYLIE]

“Ang sarap pala sa feeling na malaman mong mahal ka din ng taong mahal mo noh?” sabi ko kay Kris. Nasa may taas kami ng stage at pinapapractice samin ni ma’am ang lines namin.

Medyo marami kasi kaming scenes ni Kris kasi sya nga ang ‘Bestfriend’ ko sa play. At sa kanya ko sinasabi ang lahat.

Hinihintay ko syang magsalita kasi sya na ang magsasalita. Tumingin ako sa kanya at nagulat na lang ako nang bigla rin syang tumingin sa akin.

Parang may something talaga sa mga matang yon..

Mga ilang Segundo din kaming nagkatitigan nang bigla syang umiwas at tumayo. Napatingala ako sa kanya at tinigna sya.

Pero umalis na sya. Ano kayang problema non?

“Yah, anyare kay Kris hyung?” rinig kong tanong ni Chanyeol na nasa likod ko. Nagkibit balikat lang ako at tumingin sa gilid ko.

O___o

“Kai!Bakit k aba biglang sumusulpot?!” Gulat na tanong ko kay Kai na nasa harap ko ngayon at nakatalungko.

Napapikit naman ako ng bigla niya akong pitikin sa noo. Aww.>__< Bad Kai.

Napahipo ako sa nook o at tinitigan sya ng masama.

“Para saan naman yon?” tanong ko sa kanya. Umalis naman sya sa pagkakatalungko at tumabi sa akin.

“Para sa pakikipagtitigan kay Kris.” Sabi niya nang hindi tumitingin sa akin.

Naningkit naman ang mata ko sa kanya at tinignan sya ng nanloloko. >___>

Sinundot sundot ko sya pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Kahit kalian talaga. Ayaw niyang aminin na nagseselos sya. Tsk tsk.

“Alam mo..” sabi ko sa kanya habang nagtataas baba ang kilay ko at lumapit sa tenga niya.

“May karapatan ka namang magselos..” sabi ko at napangiti. Pero di ko aakalain na lilingon agad sya.

O///O Nagkadikit tuloy yung ilong namin.>___<

“Gotcha.” Sabi niya at ngumiti.>__<

“Ma’am!!! May PDA po ditooo!!!!!” rinig kong sigaw ni Chanyeol sa likod namin. Sya kasi ang inassign magpaint.Kaya ayan.Nasa stage sya kasama sila Baekhyun, Xiumin, Amber, Bernadette at Victoria.

Shut Up or I'll Kiss You [EXO] - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon