[EXO] 1

66.1K 1.2K 236
                                    

[EXO] 1

[KYLIE]

Hinila niya ako sa braso at di ko namalayan na napasandal na ako sa pader. Hindi ko siya mamukhaan. Tanging mata lang niya ang nakikita ko.



Pero bakit ganoon? Bakit malungkot ang mga mata niya? Parang may nag uudyok sa akin para alagaan ko ang taong nagmamay ari ng mga mata na ito.



Ikinulong niya ako gamit ang mga braso niya. Nagtinginan lang kami. Wala ni isang nagsasalita. Para bang ang mga mata lang namin ang nag uusap. Sino tong taong ito?



Bakit parang pamilyar ang mga mata niya?



Unti unti syang lumalapit sa akin, hanggang sa napapikit na lang ako.




"Kylie.."



Ramdam ko na ang hininga niya sa aking mukha


“Huy baklita.."




Malapit na Magkikiss na kami.. Ang aking first kiss




*PAK*



AY TAKTE!!!!! Bwisit naman oh. Ayun na oh!! Magkikiss na eh. Nandun na yung moment namin.





Tumingin ako kay Krystal. Sya ang bestfriend ko. Ang sumira ng moment ko. Panaginip na nga lang, nasira pa eh no?





Tinitigan niya ako nang masama. At ganoon din ako. Ngayon na nga lang ako nakatulog nang maayos eh! HMP.



"Anong problema mo ha?"



"Baka ikaw, ano bang problema mo girl. Nguso ka ng nguso sakin. Ang  baboy mo kaya."
Pag iinarte nya sakin.




>3<



"Alam mo ikaw, panira ka talaga kahit kailan eh no? Natutulog yung tao tapos mananampal ka?" Reklamo ko sa kanya. Palibhasa kasi anak mayaman to kaya kumpleto tulog eh.




"Kylie, kung di pa kita sinampal, di ka magigising. Kanina pa ko kwento ng kwento dito. Naglalaway ka na pala dyan." Sabi niya habang inaayos yung bangs niya at nagpapacute sa salamin.





Blah blah blah blah. Hinayaan ko nalang sya magsalita. Kahit may pagkamaarte tong si Krystal, sya lang ang tumagal na kaibigan ko.




Mahirap kasi ako pakisamahan, ewan ko ba. O siguro ayaw lang talaga sa akin nang karamihan ng tao.



Ipinagpatuloy ko na ang pagkain ng spaghetti na libre ni Krystal sa akin. Hindi ko naman din kasi afford ang mga pagkain dito sa EXO Art School.





Tanging Scholarship lang ang nagpapaahon sa akin sa school na ito. Kahit medyo may katoxican sa school na ito. Mas pinili ko na rin na dito mag aral para mabilis ang pag asenso.





Kung nawweirduhan kayo sa pangalan ng school na ito, ganun din naman ako nung una. Ang weird lang kasi. EXO? Ano yun? Di ko alam kung nakulangan ba o napagtripan lang ng may ari to eh.




Pero ayon, nung nakapasok na ako. Dun ko na nalaman. Ang EXO ay isang grupo na kinabibilangan ng 12 na miyembro. Ang pamilya nila ang nagsamasama upang mabuo ang school na ito.




Ang 12 na miyembro ay kinabibilangan nila Suho, Luhan, Baekhyun, Chanyeol, Lay, Xiumin, Chen, Sehun, Tao, Kyungsoo, Kris at ang kanilang leader na si Kai.




(A/N: Ang totoong leader ng EXO is Suho (for EXO-K) and Kris (for EXO-M))


Ang EXO Art School ay isang school kung saan ikaw bilang estudyante ay sasabak sa ibat ibang trainings. Tutulungan ka nila sumayaw, kumanta, magsalita ng ibat ibang lenggwahe at kung papaano magproject sa camera. In short, ito ay school kung saan ireready ka nila for your debut as an idol, individual man, or as a group.




Shut Up or I'll Kiss You [EXO] - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon