"Are you done?" Tanong ni Kuya Khurt na agad ko namang tinanguan.

"Good. Magusap tayo" seryosong sabi nito.

No choice kundi ang sumunod duon. Hindi na rin naman ako makakakain, nawalan na akong ng gana kaya naman mabilis kong tinungo ang kwarto ni Kuya. Pagkabukas ko nuon ay naabutan ko siyang nakaupo sa kanyang couch, kaya naman dumiresto ako duon sa kanyang kama at duon umupo.

"Bakit hindi ka umuwi kagabi, alam mo namang may family dinner tayo diba?" Seryosong tanong niya.

"Ang sabi mo kasi puntahan ko si Kervy" Laban ko. 

"Ang sabi ko bisitahin mo, hindi ko naman sinabing magdamag mong alagaan at duon ka matulog" giit niya.

The heck! Umagang umaga sermon kaagad. "Eh Kuya nawalan kasi ng ilaw...Umulan pa ng malakas kaya naman nakatulog na ako duon" malumanay na sabi ko.

Agad siyang lumapit sa akin at tinabihan ako. "Alam mo naman na love kita diba?"

"I just want to protect you" dugtong pa niya.

Agad akong napanguso at tsaka yumakap sa kanya, hindi niya talaga ako matiis.

"Yung kanina kay Mommy wala iyon. Mainit na talaga ang ulo niya bago ka pa dumating, nagaalala lang naman din siya for your own good, lalo na't alam din nila yung ginagawang mga pambababae ni Kervy" pangaral ni Kuya.

"Pero Kuya wala naman..." agad nitong pinutol ang sasabihin ko.

" I know, pero gusto kong magingat ka pa din" sabi nito na kaagad kong nginitian.

Pagkatapos ng eksenang iyon ay agad na akong pumunta sa aking kwarto para makapagayos na din, buti na lamang at 10 pa ang pasok ko ngayon. Sinabay na nga din ako ni Kuya at siya na ang naghatid sa akin.

"Bakit ba kasi hindi na lang sa companya natin ako mag trabaho?" May halong pagmamaktol na sabi ko ng huminto ang sasakyan sa harap ng companya ni Vera Cruz.

"Kasi yung companya natin, mapupunta sa akin at sa mapapangasawa ko" natatawang sabi niya.

"So?" Kunot noong tanong ko dahil ano naman kung duon ako magtrabaho, bakit aagawin ko ba ang companya?

Napangiti lamang ito sa aking naging reaksyon. "Yang companya na yan" sabi niya sabay turo sa labas.

"Mapupunta din sayo iyan" dugtong pa niyang lubos kong ipinagtaka.

"Wag mo sabihing bibilhin niyo itong companya ni Kervy!?" Gulat na sabi ko pa.  

Napailing ito. "Soon, ipapaliwanag ko sayo. But for now pumasok ka na muna" sabi niya sa akin kaya naman wala na akong nagawa kundi ang bumaba sa kanyang sasakyan.

Ang daming problema, yung nangyaring rambol kahapon at yung pagiisip ko duon sa aking nasabi kagabi.

"Good morning!" Masiglang bati ni Joana.

"Andyan na ba si Sir Kervy?" Kinakabahang tanong ko.

"Bakit may war ba? Kanina nandito na pero biglang umalis eh" sagot niya.

"Kinakabahan kasi ako dahil sa gulong nangyari dito kahapon eh" kwento ko kay Joana.

"Mukhang good mood naman eh" pangaasar pa niya sa akin.

Sa kalagitnaan ng aking pagtratrabaho ay dumating na si Kervy pero ni hindi man lang ito nagabalang magtapon ng tingin sa aking gawi. Sana naman talaga at panaginip na lamang iyon na nasabi ko sa kanyang ang mga katagang iyon, kahit na alam ko namang walang talab iyon sa aking bestfriend.

Biglang tumunog ang telepono at ng sagutin iyon ni Joana ay alam ko na agad na akong ang kailangan kaya naman ako kong kinuna ang heels ko at sinuot iyon.

"Alam mo na pala eh. Sige na gora na girl" pagtulak sa akin ni Joana.

Kahit kinakabahan ay nagawa ko pa ding makarating duon sa opisina ng mokong, yung sa kagabi ay dedma na lang bahala na si batman.

"Sino nanaman yung kinawawa mo kahapon?" Mapangasar na tanong nito pagkabukas ko ng pintuan.

"Baliw! Siya kaya ang nauna" himutok ko.

"I know" sambit niya.

"How?"

"CCTV" maikling sagot niya pa.

"Ano bang kailang mo sa akin ngayon?" Tanong ko pa dahil marami akong dapat gawin.

"Hindi niyo sinabing gusto niyo pa lang gawing sabungan itong companya ko" pagdedma niya sa tanong ko. Hay naku! May topak nanaman po siya.

"Diretsuhin mo na, Kervy! Madami pa akong trabaho eh!" Pagmamadali ko dahil ang dami pa niyang satsat.

Agad itong napatingin sa akin at napangisi. "Grabe ka talaga Paula, wala ka man lang sasabihin sa akin?" tanong niya, nagtaas pa ng kilay.  Nagulat ako.  

Yung magic word? As in yung I Love You? Nababaliw na ba siya?

"Ahh...uhmm" hindi ko mahanap ang aking dila, hindi ako makapagsalita.

"Just say it!" May pagkainip na sabi pa niya.

Mukhang nababaliw na ata talaga ang isang ito, I can't belive it!

"Ano? I'm waiting..." pangungulit pa niya.

"Na babaliw ka na ba?" Yun na lamang ang tanging lumabas sa aking bibig.

"Ako baliw, sasabihin mo lang ang salitang sorry hindi mo pa masabi tapos tatawagin mo akong baliw?" Galit na tanong nito. Ganyan talaga ang isang iyan lalo na kung ano ano ang itinatawag mo sa kanya.

"I'm sorry..." malumanay na sabi ko.

"That's it, ganuon ba talaga kahirap sabihin iyon?" Sabi niya but this time ay tumatawa na.

"Yu...yun lang?" Naguguluhang tanong ko.

"Yup. Ok, sorry accepted sige na bumalik ka na duon sa trabaho mo" sabi nito at tsaka duon ulit tinutok ang lahat ng atensyon sa mga papels na nakalatag sa kanyang mesa.

Palabas na sana ako ng kanyang opisina ng sa hindi malamang dahilan ay mabilis na bumalik ang mga paa ko duon mismo sa kanyang harapan.

"Kung yung sa babae ang itatanong mo ay wala ka ng dapat alalahanin pa, nasisante ko na siya" sabi nito habang di man lang ako tinapunan ng tingin.

"Not about that" mariing sabi ko pero abot abot ang kaba.

Agad itong nagtaas ng kilay. "Then what?"

"About last night"












(Maria_CarCat)

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Where stories live. Discover now