"Inang ko po, ang taba. Pagka-gwapo naman." agad na komento ni Nanay. Naki-silip si Bea.

"Ang cute naman." sabi naman ni Bea. "Pamangkin mo?" tanong kay DJ.

"Hindi, anak ko 'yan." sagot ni DJ, bigla namang lumungkot ang muka niya. Disappointed? Tss.

"Ahh. Asawa mo?" nag-aalangang tanong niya habang nakaturo sa akin.

"No, yaya ako ni Jordan." sagot ko.

Nakita kong ngumiti siya ng palihim.

Potaktee!! May gusto ko 'to kay Daniel. Timahimik na lang ako sa tabi ni Daniel.

Nagpaalam si Nanay na kukuha lang daw siya ng mais kaya naiwan kaming tatlo doon. Mas lumapit sa akin si Daniel at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.

"So wala kayong ugnayan sa isa't isa? Available pa si Daniel?" tanong niya. Napakunot ang noo namin ni Daniel sa sinabi niya. "Ibig kong sabihin, wala ka pang asawa?" tanong niya kay DJ.

"Wala. Pero nililigawan ko si Kathryn at alam ko naman na papunta din doon 'yun, diba?" sabi niya habang nakangiting nakatingin si Daniel sa akin. Sa upo din naman namin, hindi ba halata?

Ngumiti na lang din ako sa kanya, inakbayan niya ako at hinalikan ang noo ko.

"Wow ah, ang lakas maka Sir Chief at Maya. Fan kayo? Ginaya niyo eh." sarkastikong sabi niya.

Inirapan ko na lang siya sa isip ko. Ewan ko sa kanya. Lakas ng maka-BV.

I knew it, may gusto nga talaga  ito kay Daniel. Anong magagawa ko? Eh sa gwapo ang kasama ko? Hayy.

"Actually hindi kami fan, hindi din naman kasi namin gayanin kasi may sarili kaming lovestory. Hindi namin kailangan ng batayan." seryosong sagot ni Daniel.

Napatingin ako sa kanya, base sa tono ng boses niya. Naiinis siya kay Bea.

"Haha. Oo nga naman, malay natin. Hindi pala kayo happy ending. Sige, good night." tumayo siya at dumiretso sa loob ng bahay.

Narinig ko ang marahas na pagbuntong hininga ni Daniel. Kapa 'nun, bitter!

"Napaka lakas ng tama ng batang iyon. Akala mo kung sino, hindi naman maganda. Nakakabanas." inis na sabi niya, siniko ko siya.

"Ang bad mo, hayaan mo na lang." sabi ko sa kanya. Hindi naman na siya sumagot. Pero bad trip naman talaga. Sabihan ba naman na wala kaming happy ending?

---

"Bilisan niyo na, baka mawalan tayo ng upuan. Bea! Ano ba? Ang tagal mo!" sigaw ni Lola.

Sisimba kasi kami, medyo tinanghali dahil madami kaming naligo eh dalawa lang ang C.R.

Agad akong bumaba, nakita kong nag-iintay na doon sina Lola. Si Bea na lang ang kulang.

"Ano bang ginagawa ng batang iyon? Siya na nga itong naunang naligo, naunahan mo pa Kathryn eh ikaw naman ang huli." inis na sabi ni Lola.

Maya maya ay bumaba din si Bea, napahagikhik si Daniel sa likod ko.

"Bakit?" bulong ko.

"Overdressed." natatawa pa din niyang bulong sa akin.

Bumaling ang tingin ko kay Bea.

Naka-curl ang buhok.

Naka-make up.

Naka-high heels.

Naka-dress na konti na lang ay pang party na.

"Diyos ko! Ano ba naman 'yang suot mo?!" galit na sabi ni Lola.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن